You are on page 1of 2

KAY PALAD NAMIN

May mga pusong dating walang unawa


Sa masasamang gawa'y hindi nahihiya
Nawalan ng pagasa at laging balisa
Ngunit sa tawag Mo'y natigil sa maling gawa

Refrain
Tinig na anong ganda na parang musika
Nagdulot sa aming puso ng pagasa
Ngayon lang nadama ang tunay na ligaya
Sa t'wing naririnig, Oh anong saya

Chorus
Kay palad namin, Panginoon
Sa mga sugo Mo sa aming panahon
Itinuro sa amin kung saan Ka naroon
Sa bayan Mong 'di namin alam noon

Kay palad namin kami'y pinisan


Ang tinig Mo'y laging napapakinggan
Nahahayag sa amin, hiwaga ng katwiran
Salamat Amang Banal
Sa mga Mangangaral

Mga puso nami'y napukaw ang unawa


Naturuan ng mga mabubuting gawa
Puso ay umibig at nagtitiwala
Sa Dios Amang sa atin ay lumikha

Refrain
Tinig na anong ganda na parang musika
Nagdulot sa aming puso ng pagasa
Ngayon lang nadama ang tunay na ligaya
Sa t'wing naririnig, Oh anong saya

Chorus
Kay palad namin, Panginoon
Sa mga sugo Mo sa aming panahon
Itinuro sa amin kung saan Ka naroon
Sa bayan Mong 'di namin alam noon

Kay palad namin kami'y pinisan


Ang tinig Mo'y laging napapakinggan
Nahahayag sa amin, hiwaga ng katwiran
Salamat Amang Banal
Sa mga Mangangaral

Bridge:
Ang samo sa 'Yo, Ama
Sila'y ingatan tuwina
Hanggang wakas nawa'y magkakasama

Chorus
Kay palad namin, Panginoon
Sa mga sugo Mo sa aming panahon
Itinuro sa amin kung saan Ka naroon
Sa bayan Mong 'di namin alam noon
Kay palad namin kami'y pinisan
Ang tinig Mo'y laging napapakinggan
Nahahayag sa amin, hiwaga ng katwiran
Salamat Amang Banal
Sa mga Mangangaral

Coda:
Ama, Oh Purihin Ka
Purihin Ka
Purihin Ka

You might also like