You are on page 1of 8

HEOGRAPIYA NG GREECE

Bukod sa napapaligiran ng tubig, ang Greece ay binubuo rin ng mga


kabundukan. Ang mga kabundukang ito ay nagsisilbing natural na hadlang laban sa
pananalakay, at maging sa pagdating ng masamang panahon. Ito rin ang sanhi ng
pagkakahati ng greek.
Ang mga Indo-European ang mga ninuno ng mga Greek. Mayroon silang
isang paniniwala na sila ay mga Greek at ang hindi Greek ay mga barbaro.
Hellenes- tinatawag nila sa kanilang sarili.
Hellas- tawag sa kanilang bansa
Hellenic- tawag sa kanilang sibilisasyon.
Bundok Olympus- pinaniniwalaan nilang tirahan ng kanilang mga diyos at diyosa.
- Isinasagawa ang “Olympic Games” na isang pambansang
pagdiriwang na dinadaluhan ng libo-libong mamamayan ng
Greece. Ang palarong ito ay isa sa mahahalagang pamana ng
Greece sa kabihasnan ng daigdig.

KASAYSAYAN NG GREECE

POLIS- estadong lungsod


Sa salitang polis hinango ang mga salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng
pulisya, politika at politiko.

ACROPOLIS- Mataas na lungsod. Dito matatagpuan ang mga matatayog na


palasyo at templo kung kaya nang lumaon ay ito ang ginawang sentro ng politika at
relihiyon ng mga Greek.

AGORA- pamilihang bayan. Ito ay napaliligiran ng mga pamilihan at iba pang mga
gusali na nagbigay daan sa malayang bilihan at kalakalan.
ESTADONG LUNGSOD NG GREECE
Sparta
Mainam ang klima sa lugar na ito, may sapat na patubig kung kaya matataba ang
lupa na angkop sa pagsasaka. Pinagtuunan ng mga Spartan ang pagpapalawak ng
lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karating na lugar.
Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan ng mga Spartan:
*Spartiate- mga namumuno
*Perioci- panggitnang pangkat na kinabibilangan ng mga malalayang tao at
mangangalakal na walang karapatang political.
* Helot- pangkat ng mga alipin.
Isa sapamana ng Sparta ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na
sandatahang lakas. Itinuro nila na dapat maging mapamaraan sa pakikidigma na sa
halip lumusob nang isa-isa sa mga kalaban ay dapat na nananatiling sama-sama sa
pagkakatayo.
Phalanx- binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mndirigma. Sa ganitong
pamamaraan, kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na
sinasalitan ng mga susunod pang hanay.
Athens
Ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na
tinatawag na Attica.
Pinalawak nito ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos
na pamamahala.
Ang Athens ay pinamumunuan ng tyrant na noon ay nangangahulugang mga
pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan.
Ngunit may ilang pinuno na umabuso sa kanilang posisyon kung kaya nabigyan ng
bagong kahulugan ang salitang tyrant na ngayon ay nangangahulugang isang
malupit na pinuno.
Asambleya- binubuo ng mayayaman at makapangyarihan.
Archon- namumuno sa asambleya na mas madalas pumapabor sa mga maykaya sa
lipunan.
Draco- gumawa ng kauna-unahang nakasulat na batas ng Greece. Ang Draconian
Code.
Solon- Sa batas na ginawa niya, inalis niya ang mga pagkakautang ng mga
mahihirap at ginawang ilegal ang pagkakaalipin nang dahil sa utang. Pinasimulan
din niya ang sistemang legal kung saan lahat ng malayang lalaking ipinanganak
mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte.
Sa ngayon ang salitang solon ay katawagan sa mga kinatawan ng pamahalaan na
gumagawa ng batas.
Pisistratus- sa panahon ng kaniyang pamumuno ay naging radikal ang mga
pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan
sa mga walang lupang mga magsasaka. Nagbigay din siya ng suporta sa mga pintor
at iba pang tagapagtaguyod ng sining.
Dahil dito, ang Athens ay tinanghal na sentro ng kulturang Greek.
Cleisthenes- hinati niya sa sampung distrito ang Athens kung saan limampung
lalaki ang magmumula sa bawat distrito na maglilingkod sa konseho ng tagapayo.
*Ostracism- pagpapatapon at pagtatakwil sa isang mamamayan . Batay sa
sistemang ito, bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na
ituro ang taong nagsisilbing panganib para sa Athens. Ang sinumang makakuha ng
mahigit 6,000 boto ay palalayasin sa Athens.
Pericles- apo ni Cleisthenes. Tinagurian siyang pinakadakilang statesman ng
Greece. Sa panahon niya higit na lumakas ang demokrasya sapagkat kahit mahirap
ay maaari nang maglingkod sa pamahalaan.
Sa panahon ni Pericles ay naabot ng Athens ang tugatog ng kapangyarihan.
Tinawag itong Ginintuang Panahon ng Greece.
Direct Democracy- uri ng demokrasyang ipinatupad sa Athens. Sa ganitong uri ng
demokrasya ay tuwirang nakikibahagi ang mga mamamayan sa pamamahala.
Mga Digmaang Kinasangkutan ng Greece
Digmaan laban sa Persia
Isa ang Persia sa mga nagtangkang sakupin ang Greece bilang bahagi ng
hangarin nito na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Naganap ang pagsalakay
sa pangunguna ni Cyrus the Great. Nang namatay si Cyrus the Great ay
ipinagpatuloy ni Darius I. Naganap ang isang labanang pandagat sa Miletus noong
494 BCE sa pagitan ng Persia at Athens na nagpadala ng tulong sa mga kolonya
nito. Natalo ang pwersa ng Athens sa labang ito.
Pinangunahan pa rin ni Haring Darius ang pagsalakay ng Persia sa Greece na
naganap noong 490 BCE. Tinawid ni Darius kasama ng kaniyang hukbo ang
Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng
Athens. Natalo ang Persia ng mga Athenian sa labanang ito na tinaguriang “
Labanan sa Marathon”. Sa labanang ito rin nagsimula ang paggamit ng salitang
marathon na nangangahulugang takbuhan.
Si Xerxes, anak ni Darius, ang nagpatuloy ng tangkang pagpapabagsak sa
Athens. Naganap ang labanan sa Thermopylae. Ang Thermopylae ay isang
makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng gitnang Greece.
Natalo ang Greece at nasakop ni Xerxes ang Athens. Hindi sumuko ang Greece sa
pangunguna ni Themistocles, dinala niya ang labanan sa dalampasigan ng pulong
Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Tinagurian itong Labanan sa
Salamis. Ang hukbo ni Xerxes ay tinalo ng alyansa ng mga estadong lungsod ng
Greece sa pamumuno naman ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang
Athens, Sparta, Corinth, at Megara.
Digmaang Peloponnesian (431-404 BCE)

Delian League – isang malawak na pederasyon na binubuo ng mga estadong


lungsod ng Greece.
Ginamit ng Athens ang Delian League upang mapatatag at lalo pang
mapalakas ang kanilang plota at makapagpatayo ng magagandang gusali. Dahil
ditto, nangamba ang iba pang mga estadong lungsod. Nagsama-sama sila at binuo
ang Peloponnesian League upang labanan ang Athens. Kasapi ng liga ang estadong
lungsod ng Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes at Chaeronea. Dahil dito,
tuluyan nang nahati ang Greece sa dalawang magkalabang panig na nauwi sa isang
digmaan. Tinagurian itong Digmaang Peloponnesian. Saumpisa ay tinalo ng
Sparta ang Athens(404 BCE). Subalit nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng iba
pang lungsod-estado hanggang sa bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa Labanang
Leuctra noong 371 BCE.
Alexander the Great at ang Imperyong Macedonian (336-263 BCE)

Si Philip na hari noon ng Macedonia na nakakita sa pagkakahati ng Greece ay


naghangad na mapag-isa ang mg estadong lungsod sa ilalim ng kaniyang
pamamahala. Nang malaman ng Athens at iba pang estadong lungsod ng Greece
ang hangarin ni Philip ay sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Athens at Thebes
ang Macedonia kung saan madaling natalo ni Philip ang hukbo ng dalawang
estadong lungsod. Dahil sa pagkatalong ito ay napasailalim ang Greece sa
kapangyarihan ng Macedonia.
Nang mamatay si Philip ay humalili sa kanya ang kaniyang anak na si
Alexander. Tinagurin siyng Alexander the Great dahil sa angkin niyang galing. Isa
sa mga naging guro niya ay si Aristotle. Sa edad na 21 ay naging hari siya ng
Macedonia at Greece. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan. Noong
323 BCE, sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak
na karamdaman.
Mga Pamana ng Kabihasnang Greek

Dalawang uri ng kultura ang nalinang sa Greece- ang Hellenic at ang Hellenistic.
* Hellenic- tumutukoy sa pag-unlad ng kabihasnang ng sinaunang Greece. Ito ay
purong kulturang Greek.
* Hellenistic- tumutukoy sa pinaghalong kultura ng silangan at kanluran o Greek at
Persian.

Pananampalataya

Ang mga Greek ay naniniwala at sumasamba sa iba’t ibang diyos.


*Zeus- ang kanilang pangunahing diyos na sinasamba. Siya ang diyos ng
kalangitan.
*Phoebus- diyos ng araw
*Hera- diyosa ng pag-aasawa
*Hades- diyos ng mga patay
*Poseidon- diyos ng karagatan
*Apollo- diyos ng araw
*Aphrodite- diyos ng pag-ibig/kagandahan
*Ares- diyos ng digmaan
*Artemis- diyosa ng buwan, pangangaso at panganganak
*Athena- diyosa ng karunungan
May oracle din ang mga Greek katulad ng sa China. Ang pinakatanyag na oracle ay
matatapuan sa Delphi, isang estadong lungsod sa Greece.
Arkitektura at Eskultura

Isa sa mga tanyag na templo ay ang Parthenon. Husto ang disensyo nito at ang
mga haligi sa panulukan ay higit na malaki at malapit ang agwat sa mga katabi pang
haligi. Ang mga gusali ng Greece ay naaayon sa tatlong pangunahing estilo ng
haligi – ang Doric, Ionic at Corinthian.
*Doric – Pinakapayak sapagkat samantalang ang capital o ibabaw na bahagi ng
haligi ay payak at wala itong base o salalayan.
* Ionic- ito ay higit na payat kung ihahambing sa sa Doric at ang capital nito ay
napapalamutian ng mga scroll.
* Corinthian- ang may pinakagarbong dekorasyon sa tatlo.
Ang mga eskultura mula sa Greece ay kadalasang pigura na ganap at eksakto ag
hubog, ang mga mukha ay nagpapakita katiwasayan.
Phidias- isa sa mga tanyag na eskultor na kilala sa hinubog niyang higanteng
estatwa ni Athena na matatagpuan sa Parthenon.

Pagpipinta

Itim ang kalimitang kulay na ginagamit nila sa kanilang pagpipinta na may halong
kulay pula.
Dula at Panitikan

Ang karaniwang tema ng mga manunulat ng drama ay tungkol sa mga pangyayari


na naayon sa kapalaran at sulirananin sa buhay.
Trahedya- isang uri ng drama na naglalarawan ng pagbasak ng tao dahil sa pagiging
mapagmataas o mapagmalaki.
Komedya – isang uri ng drama na tungkol sa politika at inilalahad sa nakatatawang
pamamaraan.

 Napatanyag sa ganitong uri ng pagsulat si Aristophanes.


Larangan ng tula

 Pindar- sumulat ng mga tulang alay sa mga nagwagi sa mga palaro sa


Olympia.
 Sappho- ang tula niya ay nauukol sa pag-ibig at pakikipagkaibigan.
Epiko

 Homer- isang bulag ang siyang sumulat ng tanyag na epikong Iliad at


Odyssey.
 Nakapaloob sa Iliad ang mga naganap sa sampung taong labanan sa
pagitan ng Troy at ng mga Greek .
 Ang Odyssey naman ay patungkol sa mga nangyari kay Odysseus, isa sa
mga bayaning Greek, habang pabalik sa kanyang asawa.
Pilosopiya
Ang tatlong tanyag at pinakamagagaling na pilosopo sa kasaysayan hindi lang ng
Greece kundi maging ng mundo ay sina Socrates, Plato, at Aristotle.
Socrates- nagsabi na katuwiran at hindi emosyon ang dapat manalig sa pag-uugali.
Naniniwala siya na, “The unexamined life is not worth living.”

 Socratic Method- paraan ng pagsusuri at paghahanap ng wastong


kasagutan ukol sa maraming bagay.
Plato- sumulat ng “The Republic” kung saan inilarawan niya ang isang ideyal na
estado.
Aristotle- itinuturing naman na pinakamatalino sa mga naging mag-aaral ni Plato.
Isinulat niya ang aklat na “Politics”.
Kasaysayan at Agham
Herodotus- “Ama ng Kasaysayan”. Una niyang ginamit ang salitang history nang
isiulat niya noong 440 BCE ang History of the Persian Wars.
Thucydides- sumulat ng aklat na “ Ang History of the Peloponnesian War” noong
431 BCE.
Medisina
Hippocrates – “Ama ng Medisina”

You might also like