You are on page 1of 15

Pagbasa

Ang Pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika.


Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga
mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang
isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang
tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa nga
isinulat ng maakda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay
ang pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.

Malaking kapakinabangan ang makukuha sa pagbabasa.


Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto
at mga karanasang maaaring mangyari sa tunay na buhay. Sa
pagbabasa, hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na
pagbasa, ang mahalaga ay ang pagtugon ng isipan sa binabasa
maging ang paksang binabasa ay pagkalibangan.
Proseso sa Pagbasa

May apat na proseso ang nagaganap sa pagbasa ayon


kay William S. Gary, ang Ama ng Pagbasa, ang mga ito ay
ang mga ss:

1. Ang pagbasa sa akda/persepsyon o pagkilala

2. Ang pag-unawa sa binasa/ komprehensyon

3. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula


sa binasa at sa mga dating karanasan/asimilasyon

4. Ang reaksyon sa binasa


Dalawang Paraan ng Pagbabasa

1. Tahimik – isinasaalang-alang lamang ang sarili at


layuning maunawaang mabuti ang binabasa

Ilang mungkahi upang mapabilis ang pagbabasa nang tahimik:



 
May mabuting kundisyon ng paningin.

 
May wastong liwanag.

 
May tahimik na kapaligiran.

 
May sapat na sirkulasyon ng hangin.

 Huwag paisa-isa
kaisipan.
 ang pagbasa ng salita, basahin ang buong

 
Kaliwa pakanan ang kilos nang mata.

 Isaalang-alang
detalye.
 ang mga batas na ginamit upang maunawaan ang

 
Huwag ikibot ang labi kapag nagbabasa ng tahimik.

 
Kung baguhan pa lamang ilagay ang hintuturong daliri sa labi.
 
Magsanay sa pagbasa nang mabilis
2. Malakas – isinasaalang-alang ang tagapakinig/owdiyens upang
marinig ang binabasang teksto.

Ilang maungkahi upang maging maayos ang pagbasa


ng malakas:

 
May mabuting kundisyon ng paningin. May
sapat na lakas ng tinig.

May wastong tindig.
 
May malusog na pangangatawan. Mahusay
na pandinig.
 
Hawakan ang aklat na may sapat na layo buhat sa mukha. May
tamang pagbigkas.

Isinaalang-alang ang mga bantas upang mabatid kung saan ang diin,
pagtaas o pagbaba ng tinig at pahinto.

Naiaayon ang interpretasyon ng mukha sa binabasa.

Tumingin sa tagapakinig.
TATLONG SALIK NG PAGBASA
1. Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.)
2. Balangkas at istilo ng Pagpapahayag
3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content /
Subject Matter)
IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA
1. ISKANING

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay


nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng
pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.
Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan
pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa
pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa
diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng
nangangailangan hanapin ang isang partikular na
impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa
ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw
na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang
pagsulyap sa mga ito.

Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na


impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal.
Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga
nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa
paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.
2. ISKIMING

Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang


makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o
pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa
ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at
paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang
kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-
wili sa kanya sa sandaling iyon.
3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o
chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika
ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa babasa.

May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga ss:

a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na


karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.

e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps


at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
4. RE-READING O MULING PAGBASA

Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap


unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng
pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng
pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na
binasa.

5. PAGTATALA

Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga


mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon.
Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o
highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y
sariling pag-aari.
MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA
1. Kalagayan ng Pag-iisip

Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang pagbasa.


Maaring pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa
mga salitang ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang
tumugon sa mga bagay na bagasa at mahinag pagsasaulo ng mga
bagay na nakita.

2. Pagbasa nang walang direksyon

Kailangang maunawaan ng isang tao kung bakit siya


bumabasa. Ano ang layunin niya sa pagbasa? Bumabasa ba
siya ng pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa
kasalukuyan? Bumabasa ba siya ngmga aklat sapagkat
kinakailangan sa kanyang pagpasok sa paalaran?
3. Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang
magkatulad ang kanilang pagkakasulat

Mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat


pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagang-
mahalaga sa isang bumabasa ang lubos na kaalaman sa iba’t
ibang bahagi ng pananalita. Huwag basahin nang minsanan
lamang, manapa’y ulit-ulitin.

4. Kawalan ng wastong pamama raan sa pagbasa batay sa


layunin
Unahin muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap
. Katulad halimbawa ng mga aklat. Sagutin muna ang mga
katanungang madadali. Ihuli ang mahihirap.
5. Hindi paggamit ang mga pananda (marginal notations)

Madaling maunawaan ang diwa ng binabasa kung


isasalin sa sarilng mga pananalita, mga parirala at bilang ang
mahahalagang diwang nais ipahayag.

6. Kulang sa katatagan ng damdamin

Ang pagkakaroon ng kaba o nerbiyos at iba pang mga


psychiatric ay sagabal sa mabisang pagbabasa. Ang iba
pang maaring maging sanhi ng kakulangan sa katatagan ng
damdamin ay pagod, pag-aalala, kakulangan ng
kawilihan,kulang sa pagtitiyaga,kawalan ng sigla at
hindinormal na saloobino hilig sa pagbasa.
Pagbasa
Iniulat nina:
Abdula, Conchitina
Severino, Cherish Mae

You might also like