You are on page 1of 8

1 sa 8

14 Hulyo 2014

Dr. Patricia Licuanan


Chairperson, Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
U.P. Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Magalang po naming inihahapag sa inyong butihing tanggapan ang posisyong papel na ito ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Ink., hinggil sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino
bilang mandatory core course sa kolehiyo.

Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang
panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang Rizal. Ang
ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa
pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture, and
Sports (DECS) na hanggang ngayo’y operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya.
Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa “social
studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts and character
education.” Katunayan, maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal
nang itinuturo sa Filipino. Iminumungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang
panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang
pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo
XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987. Nakahanda ang PSLLF na tumulong sa CHED sa pagsasanay ng
mga guro sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura sa kolehiyo, at
gayundin sa paglikha at/o pagsasalin ng mga materyales na panturo.

Hinggil naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo,
sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring
disenyo. Nakahanda rin ang PSLLF na tumulong sa pagdidisenyo ng mga gayong asignatura. Ilan sa mga
asignaturang Filipino na maaaring ituro sa kolehiyo bilang core course ang mga sumusunod: Wikang
Filipino Bilang Wikang Intelektwal sa Agham Panlipunan, Humanidades, Agham, at Teknolohiya;
Panitikan at Lipunan; Mga Wika at Kultura ng Pilipinas; at Mga Babasahin sa Araling Pilipinas (Philippine
Studies). (TINGNAN ANG ANNEX A)

Binibigyang-diin ng PSLLF na ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na asignatura sa


kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang panturo ay ginagawa rin sa iba pang
bansang nagpapatupad ng sistemang K to 12 gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos. (TINGNAN
2 sa 8

ANG ANNEX B). Sa Estados Unidos at marami pang bansa ay bahagi rin ng mandatory core course ng
lahat ng estudyante ang pag-aaral ng panitikan. (TINGNAN ANG ANNEX C)

Noong 1996 lamang po naging mandatory core course para sa lahat ng estudyante sa kolehiyo ang
Filipino, kaya’t makatarungan lamang na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa bagong GEC. Ang
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang larangan ay magiging epektibo lamang po kung
may mga asignaturang Filipino sa kolehiyo na magtitiyak sa mataas na antas ng kasanayan ng mga
estudyante sa paggamit nito.

Anuman ang ituro sa senior high school, maaari pa rin naman itong isustine at palawakin pa sa
kolehiyo/unibersidad. Gayundin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo ay
bahagi ng pagtupad sa Resolution No. 298-2011 ng Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa
College Readiness Standards ng Pilipinas. Saklaw ng nasabing resolusyon ang mga minimum na
kasanayan na dapat matutuhan ng mga estudyante sa hayskul upang sila ay maging handa sa
pagkokolehiyo. Mayroong 16 na kasanayang tinukoy ang CHED para sa Filipino, bukod pa sa mga
kasanayan sa panitikan. Ang mga kasanayang iyon ay mababalewala lamang kung hindi masusustine at
lalong mapalalawak sa kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino at panitikan.

Panghuli, sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong Association of Southeast Asian


Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at
panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-
kultural. Samakatwid, ang pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay
paghahanda rin para sa ASEAN Integration at sa patuloy na globalisasyon. Mahalagang ambag sa
edukasyong sosyo-kultural ng maraming estudyanteng inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas
mula sa mga kasapi ng ASEAN at iba pang bansa, ang asignatura sa wika, kultura at identidad ng
Pilipinas. Sa panahong ito ng globalisasyon, higit na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang
Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral upang patatagin at payamanin ang ating pagka-Pilipino.

Lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino ay paggigiit
ng espasyo para sa humanidad ng mga Pilipino. Ang ating wika at panitikan ay salamin at
tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan, hinanakit, sama ng loob,
pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang mula rito
patungo sa dako pa raoon ng hinahaharap. Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino
ay pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.

Bilang isa sa mga pinakaunang organisasyon na nanindigan para sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino
sa bagong GEC noon pang 2013 (ANNEX D), at sa diwa ng mga inilahad, umaasa kami na magpapasya
ang CHED pabor sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo at pagkakaroon ng mga
asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Sumasainyo,
3 sa 8

ANNEX A
BORADOR ng SILABUS (Asignaturang Filipino sa Kolehiyo)
Pamagat ng Kurso: “Mga Piling Babasahin sa Araling Pilipinas” (Selected Readings in Philippine
Studies)
Deskripsyon ng Kurso: Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa analitikal at kritikal na pakikinig,
pagbasa, pagsulat, panonood, pagsasalin, pananaliksik, at paglikha ng multimidyang materyales, bilang
ambag sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, alinsunod sa probisyon ng
Konstitusyong 1987 na nagsasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na “dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Magsisilbing
lunsaran sa intelektwal na pagtalakay hinggil sa iba’t ibang makabuluhang tema at isyu ang mga piling
babasahin sa Araling Pilipinas (Philippine Studies) hindi lamang magpapalawak sa kasanayang pangwika
at pampananaliksik ng mga estudyante, kundi magpapalalim din sa kanilang pag-unawa at
pagpapahalaga sa wika, kultura, at identidad ng mga Pilipino. Samakatwid, ang asignaturang ito ay
pagpapalawak at pagpapataas ng mga kasanayang natutuhan sa mga asignaturang Filipino sa Baitang 11
at 12.
Sa pagtatapos ng semestre, inaasahang makakamit ng estudyante ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Nakapagsasalin ng mga teksto mula sa iba’t ibang larangan mula Ingles tungong Filipino
2. Nakalilikha ng balangkas at abstrak ng pananaliksik
3. Nakasusulat ng suring pelikula
4. Naibubuod at nasusuri nang kritikal ang binasang teksto
5. Nakalilikha ng mga materyales na multimidya sa larangan ng Araling Pilipinas
6. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga suliraning panlipunan
7. Naibubuod at nasusuri nang kritikal ang impormasyong narinig, nabasa, o napanood
8. Napatitibay ang pagpapahalaga sa sariling kultura, at identidad, sa konteksto ng globalisasyon at
integrasyong ASEAN
9. Nakasusulat ng term paper sa larangan ng Araling Pilipinas
10. Nakapagsasagawa ng panel discussion o forum hinggil sa alinmang isyu sa Araling Pilipinas
11. Naipaliliwanag at nailalapat sa angkop na konteksto ang mga teoryang nasa mga
pananaliksik/tekstong binasa at sinuri

Mga Pangunahing Tema/Paksa


1. Wika at Kultura
Mga mungkahing teksto:
“Minanga: Minanga : Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino” (antolohiya hinggil sa
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at rehiyon)
“Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino” (antolohiya sa identidad sa
komunikasyon ng mga Pilipino)
“Lasang Lasallian” (antolohiya hinggil sa mga pagkaing Pilipino)
“Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan
hanggang SM City North Edsa”
“Kulturang Popular Aklat 5: Paghahanap ng Virtual na Identidad”
4 sa 8

2. Wika at Globalisasyon
Mga mungkahing teksto:
“Unang Sourcebook ng SANGFIL: Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya't Bansa”
“Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL: Filipino at Pagpaplanong Pangwika”
“25 Taon Tungo sa Intelektwalisasyon ng Filipino: 25 Piling Sanaysay sa Ekonomiks”
Mga praymer, pananaliksik, at artikulong inilalabas ng IBON Databank Foundation sa wikang
Filipino
Mga tesis at disertasyon hinggil sa globalisasyon o mga isyung kaugnay ng globalisasyon na
nakasulat sa wikang Filipino (maaari ring gumamit ng mga salin)

3. Wika at Midya
Mga mungkahing teksto:
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino
Mga mapanuring artikulo mula sa mga online na pahayagang Filipino gaya ng Pinoy Weekly,
Bulatlat at iba pa

4. Wika at Lipunang Pilipino


Mga mungkahing teksto:
“Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan”
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino

5. Wika at Edukasyon
Mga mungkahing teksto:
Salin ng “Miseducation of the Filipino”
Salin ng “Pedagogy of the Oppressed”
“Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines” (antolohiya hinggil sa
kolonyal at postkolonyal na edukasyon sa Pilipinas)

6. Wika at Panitikan
Mga mungkahing teksto:
Buod o synopsis ng mga nobelang panlipunang Filipino gaya ng “Mga Ibong Mandaragit,”
“Dekada 70,” “Kangkong 1896,” “Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai, at Ang Kolorum,” “Ang Huling
Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali”
“Sarilaysay”; “Alinagnag” at iba pang antolohiya ng/sa panunuring pampanitikan sa Filipino
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino
“100 Aklat sa Aking Pagkamulat: Pagbasa, Dagling-suri, at Paanyaya”
“Unang Siglo ng Nobela sa Filipinas”
5 sa 8

7. Wika, Agham at Teknolohiya


Mga mungkahing teksto:
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino
“Pagsasalin: Teorya at Praktika”
“Ikatlong Sourcebook: SALIN-SURI: Panimulang Pagmamapa ng mga Larangan ng Pag-aaral ng
Pagsasalin sa Filipinas”
“Sanghiyang sa Mundo ng Internet”

8. Wika at Agham Panlipunan


Mga mungkahing babasahin:
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino
Mga praymer, pahayag, manipesto at iba pang inilabas ng mga non-government organizations sa
wikang Filipino

9. Wika at Diaspora
Mga mungkahing babasahin:
“Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon”
Mga ulat ng mga pangkat ng mga migrante

10. Wika at Kasarian


Mga mungkahing babasahin:
Mga artikulo mula sa relevant na isyu ng DALUMAT, MALAY, DALUYAN, BANWA at iba pang
journal ng/sa wikang Filipino

MGA PANGUNAHING AWTPUT ng Estudyante:


Midterm – Salin ng isang artikulong Ingles hinggil sa alinmang larangang saklaw ng Araling Pilipinas; blog
hinggil sa alinmang isyung kaugnay ng Araling Pilipinas; music-video ng isang makabuluhang awiting
Filipino
Finals – Dokumentaryo o short film hinggil sa alinmang isyung kaugnay ng Araling Pilipinas; term paper
hinggil sa alinmang suliraning kaugnay ng Araling Pilipinas
6 sa 8

ANNEX B
Mga Kolehiyo/Unibersidad sa Ibang Bansa na Nagtuturo ng Wikang Pambansa sa Kolehiyo Bilang
Required na Core Course (PARTIAL LIST)
1. Princeton University1
2. Illinois State University2
3. California State University3
4. Columbia University4
5. University of Alabama5
6. Duke University6
7. Yale University7
8. Harvard University8
9. Stanford University9
10. North Carolina State University10
11. Washington State University11
12. University of Wisconsin-Madison12
13. State University of New York13
14. University of Michigan14
15. College of Engineering ng Ohio State University15
16. University of Vermont16
17. California State Polytechnic University17
18. University of Kentucky18
19. University of Arizona19
20. College of Food, Agricultural, and Environmental Sciences ng Ohio State University20

1
http://www.princeton.edu/ua/sections/11/
2
https://illinoisstate.edu/catalog/pdf/gen_ed.pdf
3
www.swccd.edu/modules/showdocument.aspx?documentid=5833
4
https://gs.columbia.edu/the-core-writing
5
http://www.ua.edu/catalogs/catalog10/500514.html
6
http://trinity.duke.edu/curriculum/trinity-college-curriculum
7
http://catalog.yale.edu/ycps/yale-college/distributional-requirements/
8
http://www.registrar.fas.harvard.edu/courses-exams/courses-instruction/aesthetic-and-interpretive-
understanding
9
https://studentaffairs.stanford.edu/registrar/students/ger-purpose
10
http://oucc.ncsu.edu/gep-reqs
11
http://gened.wsu.edu/overview/catalog/
12
http://pubs.wisc.edu/ug/geninfo_study_ger.htm
13
http://www.suny.edu/student/academic_general_education.cfm
14
http://www.umflint.edu/gened/requirements
15
http://www2.ece.ohio-state.edu/pdfs/GEC_07_08.pdf
16
www.uvm.edu/rsenr/files/Requirements_for_2011-12.pdf
17
www.csupomona.edu/~academic/catalog/gen_edu/General_Education.pdf
18
www.uky.edu/registrar/bulletinCurrent/ukc.pdf
19
http://catalog.arizona.edu/2011-12/gened.html
20
http://cfaes.osu.edu/students/academics/undergraduate/courses-and-general-education
7 sa 8

ANNEX C
Mga Kolehiyo/Unibersidad sa Ibang Bansa na Nagtuturo ng Panitikan sa Kolehiyo Bilang Required na
Core Course (PARTIAL LIST)
1. University of Chicago21
2. Harvard University22
3. Duke University23
4. Massachusetts Institute of Technology24
5. University of Alabama25
6. University of Wisconsin-Madison26
7. University of Michigan27
8. University of Kentucky28
9. University of Oregon29
10. University of Texas30

21
http://collegecatalog.uchicago.edu/thecollege/thecurriculum/#generaleducation
22
http://www.registrar.fas.harvard.edu/courses-exams/courses-instruction/aesthetic-and-interpretive-
understanding
23
http://trinity.duke.edu/curriculum/trinity-college-curriculum
24
http://web.mit.edu/hassreq/
25
http://www.ua.edu/catalogs/catalog10/500514.html
26
http://pubs.wisc.edu/ug/geninfo_study_ger.htm
27
http://www.umflint.edu/gened/approved-general-education-courses
28
www.uky.edu/registrar/bulletinCurrent/ukc.pdf
29
http://ugs.uoregon.edu/US_Pages/US_GenEdu.html
30
http://www.utexas.edu/ugs/core
8 sa 8

ANNEX D

Resolusyon ng PSLLF Blg. 2013-001

PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG


ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA31

SAPAGKAT, sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim (6)


hanggang siyam (9) na yunit ang Filipino sa batayang edukasyon;

SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang


intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing
pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya;
Ang PSLLF ay samahan ng
SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang
mga propesor, guro, mag-
gamit at pagtuturo ng/sa Filipino dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa
aaral, manunulat,
pagtuturo at mga kaugnay na kurso;
mananaliksik, na may
malasakit at interes sa
SAPAGKAT, dahil sa pagpapatupad ng K-12 Basic Education Curriculum,
pagtuturo ng/sa wika, sa
mawawala na sa antas tersyarya ang Filipino at sa halip ay ibababa bilang
layuning mapaunlad at
bahagi ng mga baitang 11 at 12;
mapalaganap ang wikang
Filipino.
SAPAGKAT, ang panukalang Purposive Communication na bahagi sa batayang
edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o sa Filipino;

Pamunuan: SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang


Teresita F. Fortunato, PhD
edukasyon mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay
Pangulo minimum lamang, kung kaya’t maaari pang dagdagan nang hanggang anim (6)
pang yunit.
Aurora E. Batnag, PhD
Pangalawang Pangulo NGAYON, SAMAKATUWID, mapitagang hinihiling sa mga kinauukulan ng
lahat ng mga nakalagda, sa pangunguna ng Pambansang Samahan sa
Alvin Ringgo C. Reyes
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na nagsagawa ng kauna-unahan
Kalihim nitong Kongreso ang mga sumusunod:

Emma O. Sison
1. Ang panukalang Purposive Communication ay hayagang itagubilin
Ingat-yaman bilang isang asignaturang ituturo sa Filipino at Ingles;
2. Magdagdag pa ng anim (6) na yunit bilang karagdagan sa inihaing 36
Lakandupil C. Garcia, EdD na yunit ng CHEd, na ang tatlong (3) yunit ay para sa Retorika at
Auditor Pananaliksik sa Filipino at tatlong (3) yunit naman para sa Literaturang
Candelaria Cui-Acas, PhD
Pambansa; at
Direktor Tagapagpaganap 3. Magpalabas ng nakasulat na memorandum ang CHEd na hindi lamang
gagamitin ang Filipino sa tersyarya bilang wikang panturo, pagkat
Pamfilo D. Catacataca, PhD dapat itong manatili bilang asignatura.
Santiago T. Flora Jr.
Ester T. Rada, PhD
David Michael M. San Juan
Pinagtibay at nilagdaan ngayong ika-31 ng Mayo, 2013
Patrocinio V. Villafuerte sa St. Scholastica’s College, Maynila.
Lupon ng mga Direktor
Pinagkalooban ng kopya:
Tagapangulo ng CHEd, Kalihim ng DepED, Direktor ng TESDA,
Tagapangulong Komisyoner ng KWF

31
Inakda ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa De La Salle University-Dasmariñas, noo’y auditor at kasalukuyang
pangalawang pangulo ng PSLLF. Pinagtibay ito ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa Unang Pambansang
Kongreso ng PSLLF. Aktwal na naipadala ito sa iba’t ibang kinauukulang tanggapan.

You might also like