You are on page 1of 1

Paunang Salita

Ang mundo ay patuloy na umiinog at kaalinsabay nito ay ang pagbabago. Kabilang sa pagbabagong
ito ay ang pamumuhay ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Kinakailangan niyang makasunod sa mga
pagbabagong hinihinngi ng panahon. Ang mabisa at epektibong komunikasyon ay isang mahalagang
kasangkapan sa pagtugon sa mga pagbabago kung kaya’t bilang katugunan, kinakailangan nitong palawakin
at pasulungin ang sistemang pang-edukasyon.

Ang aklat na ito ay inihanda upang matugunan ang pangangailangang pagbabago sa edukasyon.
Masusing pinili ng mga may-akda ang mga paksang makapagsusulong sa kognitibo, apektibo at saykomotor
na kasanayan ng mga mag-aaral. Ang mga kasanayang pangkomunikasyong nakamit na nila sa unang taon
na kolehiyo ay tunay na napakalawak, at ang mga nabanggit na kasanayan ay lubusang maisakatuparan.

Ang aklat ay may tatlong yunit at ang bawat yunit ay nahahati sa iba’t ibang kabanata. Ang unang
yunit ay nakapokus sa pagbasa sa iba’t disiplina; ang ikalawang yunit ay pagsulat sa iba’t ibang disiplina;
at ang ikatlo ay nakatuon sa pananaliksik.

Tatlong kasanayan ang lumutang sa nilalaman ng tatlong yunit: ang mga ito ay ang Pagbasa,
Pagsulat, at Pananaliksik. Maingat na isinaayos ng mga manunulat ang mga paksang dapat tatalakayin at
ang sinasakop ng tatlong kasanayan (Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik) ay hitik na hitik sa nilalamang
pangkaisipan. Isinasaalang-alang din ang lohikang pagsasaayos sa mga paksa upang masundang mabuti ng
mga pag-aaral ang mga aralin. Ang kalinangang natamo nila sa sa pagbabasa ay masusukat sa pagsulat at
ang pananaliksik bilang pinakahuli, ang higit na magpapatunay sa antas ng kanilang kasanayan.

Napakahalagang matamo ng mga mag-aaral ang tatlong kasanayang ito sapagkat dito nakasalalay
ang kanilang tagumpay sa anupamang larangang kanilang kinabibilangan at ang kaakibat ng kanilang
tagumpay ay ang maiaambag nila sa kaunlaran ng edukasyon.

Ang mg May-akda

You might also like