You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8 (AGUSTO 29, 2018)

1. Layunin :
I. Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat kalahok sa napanood
na balagtasan
II. Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan
III. Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggan

2. Paksang Aralin :
A. Balagtasan at Batutian
B. Sanggunian : Filipino 8 Module 1 (Pahina 121-127, 142-144)
Pinagyamang Pluma 8 (Pahina 78-79)
C. Kagamitan : Manila Paper, Powerpoint

3. Pamamaraan

A. Pagbabalik-Tanaw sa Aralin
Ano ang pagkakaiba ng BALAGTASAN at BATUTIAN? Paghambingin at
pagkumparahin ang dalawang panitikan sa pamamagitan ng Venn Diagram.

BALAGTASAN BATUTIAN

B. Panimulang Gawain (Pick Up Lines na Makata)

Tukuyin ang mg Pick-Up Line na naipakita sa larawan. Kumpletuhin ang mga


katanungan mula sa mga pick-up line.

1. Bangin ka ba?
2. Pustiso ka ba?
3. Asukal ka ba?
4. Surgeon ka ba?
5. Keyboard ka ba?
6. Exam ka ba?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Panoorin ang isang halimbawa ng Balagtasan at Batutian (mula sa isang


palabas sa telebisyon at pagtatanghal sa paaralan)
D. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sinu-sino ang mga nagtanghal sa Balagtasan? Sa Batutian?


2. Anu-anong mga paksa ang kanilang ipinapahayag sa napanood na
palabas?
3. Anong papel ang ginagampanan ng bawat isa? Ipaliwanag.
4. Bakit kinakailangang bigyan ng suportadong ideya (supporting details)
ang kanilang pahayag?
5. Kung ikaw ang magtatanghal sa isang Balagtasan o Batutian, anu-ano
ang dapat mong isaalang-alang sa pangangatwiran ng isang opinion at
ideya? Ipaliwanag.

E. Pangkatang Gawain

GAWAIN 1 : Magtalong Walang Sakitan (Pangkat 1)

Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng


kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod
na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala.
Gawing gabay ang kasunod na mga saknong.

Ano ang inyong naging batayan ng inyong pangangatwiran ?


GAWAIN 2 : ELEMENTO NG BALAGTASAN (Pangkat 2)
Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod
na mga tanong?

BALAGTASAN

Ano-ano ang Bakit mahalaga Bakit mahalaga ang


elemento ng ang mga tauhan? mga elemento?
(sukat,tugma at
balagtasan? (Lakandiwa at
indayog ) sa
mambabalagtas)
Balagtasan?

GAWAIN 3 : PAGPAPALIWANAG SA BALAGTASAN AT BATUTIAN


(Pangkat 3) Ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan.

B
A
L
Duplo
A
G
Karagatan
T PAGKAKAIB
A AABA Batutian
S
A
N
IV. EBALWASYON

Punan sa patlang ang mga salitang tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang tamang
sagot.

________________ 1. Siya ang nangangasiwa ng Balagtasan.


________________ 2. Siya ang Ama ng Balagtasan.
________________ 3. Siya naman ang Ama ng Batutian.
________________ 4. Ang Balagtasan ay isa ring uri ng __________ o palitan ng
Opinion sa naturang paksa o ideya.
________________ 5. Isang katangian ng dalawang nagtatalo na dapat patunayan sa
Balagtasan.

V. TAKDANG ARALIN:

 Magkaroon na ng paunang pagbasa hinggil sa balagtasang “Bulaklak ng


Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon De Jesus
 Magdala ng kagamitan para sa susunod na gawin gaya ng: gunting,
pentel at manila paper.

Inihanda ni :

JESSICA MARIE S. BORROMEO


Guro sa Filipino 8

You might also like