You are on page 1of 34

KABANATA 1 – KONTEMPORANEONG ISYU

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Abortion (Pagpapalaglag) – proseso ng pagtanggal ng embryo o fetus sa


loob ng matres na nagsasanhi ng kamatayan nito. Sa Pilipinas, ito ay isang
taboo na paksa sapagkat tayo ay isang Katolikong bansa at
pinapahalagahan natin ang buhay.

Corruption – ito ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.


Madalas itong iugnay sa mga politiko ng ating bansa.

Divorce – Ang diborsyo ay isang paraan ng pagpapawalang-bisa sa kasal. Ito


ay itinakda at pinaiiral ng batas-pansibil sa ibang bansa tulad ng Amerika,
Britanya at iba pang bansa sa Europa. Sa kasalukuyan, wala pang diboryo sa
Pilipinas

Drugs – tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama ang tubig at pagkain,


na nakakapagpabago` sa takbo ng kaisipan at katawan ng tao.

Extra-Judicial Killings/Tokhang – ito ay pagpaslang o pagkitil ng


mamamayan nang walang hustisya o hindi ligal ang pamamaraan na
mismong ginawa ng may mga kaukulan sa batas, nasa gobyerno o mga
awtoridad.

Fake News – anumang bagay o balita na walang katotohanan at pawing


kathang isip lang upang makapanira o makalito ng tao.

Kontemporaneong isyu – anumang kaganapan, ideya, opinyon sa isang


naibigay na paksa na may kaugnayan sa kasalukuyang araw. Ito ay
matatagpian sa halos anumang bagay sa pang araw-araw.
DETALYE/BUOD

Isang importanteng aspeto ng buhay ng tao ang makapagbigay ng opinyon, suhestyon at kritismo sa komunidad
o bansang kanyang kinabibilangan. Dito sa atin sa Pilipinas, ginagarantiya ng ating Saligang Batas ang ating
karapatan sa malayang pamamahayag o pag-express ng sarili. Ngunit ang karapatang ito ay may kaakibat na
responsibilidad na gamitin ng tama.

Ang pag-aaral ng Kontemporaneong Isyu ay mahalaga sapagkat ito ay nakakapagbigay linaw sa mga bagay na
nangyayari sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan nito, mauunawaan natin ang kasaysayan at politika sa likod ng
mga isyung napapanahon sa bawat bansa.

Magandang nauugat natin ang kasaysayan sa likod ng mga nangyayaring ito sapagkat nakakapagdagdag ito
ng ating kaalaman at pag-unawa sa anumang krisis o bagay na may direktang epekto sa ating pamumuhay.

Ayon sa librong ginagamit sa ating klase, mayroong limang benepisyo sa pag-aaral ng Kontemporaneong isyu. Ito
ay: makakatulong upang tayo ay maging bahagi ng komunidad ng mundo; makakapagbigay tayo ng mga
opinyon batay sa mas malawak na kaalaman; mahihikayat tayong makipagtalakayan; makakatulong ito sa
pagbuo ng mga personal na ugnayan; at mapapalawak ang ating pag-unawa sa magkakaibang kultura.

Higit kailanman na mainam na maintindihan natin ang nangyayari sa ating kapaligaran upang makapag-ambag
tayo sa solusyon sa mga problemang ito bilang kawani sa pagbabago ng ating lipunang ginagalawan. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga Kontemporaneong Isyu, mas nabibigyang pansin at halaga natin ang mga
bagay na ating nararanasan sapagkat naiintindihan natin kung bakit ito nangyayari.
REPLEKSYON

Base na rin sa depinisyon ng Kontemporaneong Isyu na nakasaad sa taas, mahihinuha natin na ito ay anumang
bagay na pwedeng mapagusapan ng tao sa pang araw-araw nilang buhay. Mula politika hanggang sa mga
personal na interes ng bawat mamamayan, may mga bagay-bagay, opinyon, o suhestyon tayong pwedeng
sabihin sa mga tao.

Halimbawa na lang sa isyu ng fake news at tokhang/extra judicial killings na siya namang pinakamainit na isyu sa
ating bansa ngayon. Marami ang nagsasabi na tama lang na nangyayari ang tokhang/extra judicial killings para
maubos o mawala na ang mga adik at gumagamit ng droga sa bansa na isang dahilan kung bakit hindi
umuunlad ang ating bayan at siyang nakakasira ng kinabukasan ng maraming kabataan. Ngunit may mga
nagsasabi ring mali ito sapagkat walang sinumang tao ang may karapatang kumitil ng buhay ng kapwa niya
sapagkat lahat tayo ay may karapatang mabuhay ayon na rin sa ating Saligang Batas.

Para sa akin, ang pag-aaral ng Kontemporaneong isyu ay gabay upang mas maintindihan ang nangyayari sa
ating kapaligiran kaya naman maganda na seryosohin ang mga ganitong usapin.
KABATANA 2 - ANG KAPALIGIRAN AT ANG KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Bundok - Pinakamataas na anyong-lupa sa ibabaw ng daigdig

Bulkaniko - Nabubuo ito kapag ang magma o


tunaw na bato na galing sa ilalim ng daigdig ay
umaakyat, sumasabog, at namumuo sa ibabaw

Burol - Mas mababa ito kaysa sa bundok ngunit


mas mataas pa rin kung ihahambing sa ibang
lupang nasa paligid

Dome - Nabubuo ito kapag maraming magma ang pumapaitaas mula sa ilalim
ng lupa ngunit hindi umaabot sa pinakaibabaw

Fault-block - Nabubuo ito kung ang mga fault at siwang sa ibabaw ng Daigdig ang dahilan ng pagtaas

Kapaligiran – tumutukoy sa mga elemento at kondisyon kung saan ang may buhay kasama na ang mga tao,
hayop, halaman, at mga organismo ay nakatura, nag-uugnayan, at magkasamang namumuhay

Klima – kondisyon ng panahon sa isang lugar sa mas mahabang panahon

Likas na Yaman – ito ay anumang yaman (lupa, tubig, gubat, mineral, tao) na
galing sa kalikasan na kapakipakinabang sa mga tao

Panahon – kalagayan ng hangin, ulan, at temperatura sa atmospera sa


anumang oras at lugar

Tectonic Plate Theory - Ang paggalaw sa ilalim ng lupa


DETALYE/BUOD

Ang Pilipinas ay sagana sa Likas na Yaman na siyang mismong pundasyon ng bansa. Mula sa mga yamang galing
sa lupa, tubig, gubat, mineral, at tao, ang ating bansa ay hindi kailanman salat sa pagkukunan ng mga ito.

Halimbawa ng mga Anyong Lupa na mayroon ang ating bansa ay ang mga sumusunod: bundok, burol, lambak,
talampas, kapatagan, pulo, at disyerto. Samantalang ang karagatan, dagat, look, lawa, ilog naman ang
halimbawa ng Anyong Tubig na mayroon sa ating bansa.

Hindi rin pahuhuli ang Pilipinas pagdating sa yaman na matatagpuan sa mga kabundukan. Ang ating bansa ay
may iba’t ibang mga uri ng hayop na naninirahan sa mga kabundukan at kagubatan. Halimbawa ng mga hayop
na kilala ang Pilipinas ay tarsier, tamaraw, mouse deer, Philippine eagle, papilio trojano at marami pang iba.

Andiyan din ang mga Yamang Tubig na siyang pangunahing kabuhayan ng ating mga mangingisda. Ilan lamang
sa mga halimbawa ay ang pandaka pygmea, butanding, tridacna gigas, conus Gloria, tubbataha reef,
scarborough shoal, at iba pa.

Samantala, ang mga yamang mineral naman na siyang matatagpuan sa ating bayan ay ginto, pilak, balak,
tanso, semento, marmol, aspalto, apog, langis, uling, gas at iba pa. Panghuli ay ang Yamang tao. Ito ay ang
pangunahing pundasyon ng ekonomiya ng bansa sapagkat ang ating lakas paggawa ang siyang
nagcocontribute dito.

Kahit na sagana sa mga likas na yaman ang ating bansa, marami pa rin ang kinakaharap na problema dahil sa
pang-aabuso sa mga yamang ito. Nariyan ang patuloy na pagbabago ng klima na sanhi ng malalakas na bagyo.
Patuloy din ang pagkakalbo ng mga kabundukan dulot ng pagmimina na siyang dahilan ng mga malawakang
landslides. Ang mga anyong tubig ay masyado nang madumi dahil na rin sa kabi-kabilang pagtapon ng mga
basura dito.

Dahil sa unti-unting pagkasira ng mga Likas na Yaman ng Pilipinas, nararamdaman na rin ng mga tao ang hagupit
ng epekto ng mga ito. Nariyan ang kakulangan sa malinis na inuming tubig, patuloy na pagbabago ng klima,
malawakang pagbaha, at iba pa.
REPLEKSYON

Totoong mayaman ang Pilipinas pagdating sa mga Likas na Yaman ngunit kaakibat dapat ng magandang
kapaligiran na ikinaloob sa atin ay ang responsibilidad na alagaan ito. Ngunit karamihan sa atin ay hindi
ginagawa ang kani-kaniyang papel upang pangalagaan ito na siyang nagdudulot ng napakaraming problema
pagdating sa mga malulubhang epekto ng pagkasira nito.

Para sa akin, malaki ang papel ng bawat mamamayan upang mapangalagaan ang mga likas na yamang ito at
ngayon higit kailanman na dapat na nating umpisahan ang pangangalaga nito upang hindi na natin maranasan
ang hagupit ng epekto ng pagkasira nito. At para na rin masaksihan pa ng mga susunod na henerasyon ang mga
yamang ito.
KABANATA 3 - ANG DAIGDIG AT ANG ISYU NG KAPALIGIRAN

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Bagyo - isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar ,
tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin

Climate Change - Ang climate change ay isang uri ng pagbabago sa


pattern ng panahon . Madaming salik ang nagsasanhi nito ngunit mas
naiuugnay ito sa presensiya ng sobrang carbon dioxide sa ating atmosphere.

Deforestation - ay isa sa mga problema na kinakaharap ng bansang Pilipinas.


Ito ay ang pagkakalbo ng mga kagubatan at kawalan ng tirahan ng mga
hayop na nakatira rito

El Nino - ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa


dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal na
Karagatang Pasipiko.

Greenhouse - ang nagsisilbing harang ng mundo upang mapanatili ang kailangang init ng araw

Greenhouse effect - ang mga gas na nagpakapal ng harang sa mundo at naging dahilan ng pagpapanatili ng
mas maraming init ng araw at siyang nagpainit sa temperatura ng mundo

La Nina - ang kabaligtaran ng El Niño, kung saan ang huli ay tumutugma sa mas
mataas na temporatura ng ibabaw ng dagat na may pagtaliwas na hindi
bababa sa 0.5 °C, at ang mga epekto nito ay kadalasang kabaligtaran ng mga
mula sa El Niño.

Reforestation - ito ay ang maaaring natural o intensyonal na pagbalik sa mga


nasirang parte ng kagubatan
DETALYE/BUOD

Hindi na lingid sa ating kaalaman na lahat ng ating pangangailangan ay nanggagaling sa ating kalikasan at
kapaligiran. Nariyan ang pagkain simula karne, gulay, isda, at tubig. Dahil na rin sa ating mga likas na yaman, ang
mga Pilipino ay may saganang pinagkukunan ng kanilang mga iba’t ibang.

Ang ating likas na yaman ay nahahati sa dalawang uri. Ang biotic at ang abiotic. Ang biotic ay mga yaman na
may buhay tulad ng halaman at hayop samantala ang abiotic naman ay mga yaman na walang buhay. Ang
abiotic ay mga bagay na makikita sa hangin, lupa o tubig.

Ngunit dahil na rin sa pang-aabuso ng mga tao sa likas na yaman na ito sa pamamagitan ng napakaraming mga
hindi magandang gawain tulad ng deforestation, pagkakaingin, pag-gamit ng napakaraming produkto na may
CFCs, ang kapaligiran natin sa ngayon ay nanganganib masira.

Sa katunayan, sa kasulukuyan ay nararamdaman na natin ang patuloy na pagbago ng ating klima dahil na rin sa
epekto ng mga maling gawaing ito. Nariyan din ang malawakang pagbabaha at ang mainit na temperature
tuwing darating ang summer season (tag-init).

Isa sa mga kinakaharap nating mga suliranin ay ang epekto ng deforestation. Isa na dito ang mabilis na pagguho
ng mga lupa at pagkakaroon ng flashflood gayundin na maraming mga hayop at halaman ang unti- unting
nauubos at napapabilang sa listahan ng mga endangered specie.

Problema rin ang sobrang polusyon sa hangin dahil sa dami ng sasakyan at mga usok ng nanggagaling sa mga
factory. Malaki ang epekto nito sa pamumuhay ng mga tao gaya ng paglaganap ng sakit sa katawan at
pagkamatay ng iba pang uri ng mga halaman at hayop. Nariyan din ang patuloy na paglala ng El Nino at La
Nina sa pagdaan ng mga panahon.
REPLEKSYON

Napakaimportanteng salik ng ating kapaligiran at kalikasan sa ating pamumuhay. Mayroon lamang tayong isang
mundo na dapat pangalagaan. Unti-unti man itong nanganganib dahil na rin sa kagagawan ng mga tao ay hindi
pa rin naman huli ang lahat upang maisalba o mapabuti ang sitwasyon nito.

Isa sa mabisang paraan ay ang pagtatanim muli ng mga maraming puno bilang proteksyon sa atin sa Climate
Change. Ang tatlong R (reduce, reuse, recycle) ay maari ring gawin ng ordinaryong mamamayan upang hindi na
makadagdag pa sa basurang napoproduce araw-araw. Solusyon din ang pagbawas ng paggamit ng mga
produkto na may malaking ambag sa pagkasira ng ozone layer tulad ng mga produktong mataas ang CFC
content.

Sa aking pananaw, malaki ang tungkulin hindi lang ng mga kabataang katulad ko kundi ng marami pang mga
tao na pangalagaan ang ating kapaligiran sapagkat ito ay iisa lang at hindi na muling mapapalitan. Ngayon higit
kailanman na kailangan nating magtulungan upang mailigtas ang ating mundo sa pagkakalugmok na ito.
KABANATA 4 - ANG EMPLEO SA PILIPINAS

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Employed - mga taong iniulat na may trabaho, nagtatrabaho, o kaya ay


may negosyo bagama't hindi nagtatrabaho

Industriya - ang uri ng negosyo o ang lugar kung saan nagtatrabaho ang
isang tao

Labor force - mga 15 taong gulang o higit


pa na kasama sa produksiyon ng mga
bagay o nagseserbisyo sa bansa

Nominal Wage – tinatawag din na money


wage. Ito ay tumutukoy sa halaga ng tinanggap na kabayaran

Real Wage - tumutukoy sa halaga ng produkto at serbisyo na mabibili mula sa


klitang tanggap.

Underemployed - mga taong nagtatrabaho na nais magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho maliban sa
kanilang kasalukuyang gawain

Underemployed invisibly - mga taong may trabahong full time ngunit


gusto pa ng dagdag na trabaho

Underemployed visibly - taong may trabahong mababa sa 40 oras sa


linggong kinuha ang inpormasyon at gusto pa ng dagdag na oras ng
trabaho
Unemployed - kabilang dito ang mga taong may 15 taong gulang o higit
DETALYE/BUOD

Isa sa puhunan ng bawat mamamayan ay ang kanyang lakas paggawa. Itong lakas paggawa na ito ang armas
upang maka-ambag sa gawaing produksyon sa ating bansa. Ang iba’t ibang uri ng tao ay may iba’t ibang uri rin
ng ambag sa produksyon. Halimbawa, ang mga factory worker ay nagtatrabaho upang makapaglikha ng mga
produktong kinakailangan ng kanilang pinagsisilbihang kumpanya. Ganoon din ang mga taong nagtatrabaho sa
mga opisina para sa pangangailangan ng kanilang kumpanya.

Kapalit ng lakas paggawa na ito ay ang sahod sa uri ng trabahong ginawa. Iba’t iba ang saklaw ng sahod ng
mga tao depende na rin sa kanyang pinagtapusang kurso. Dito pumapasok na mas malaki ang sahod na
natatanggap ng mga taong nakapagtapos ng kolehiyo laban sa mga hindi.

Sa Pilipinas, kalimitan na walang trabaho ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Malaki rin ang bilang ng
mga taong kahit na nakapagtapos na ng kolehiyo ay wala pa ring mahanap na trabaho. Dahil dito, marami sa
ating mga kababayan ang napipilitang makipagsapalaran sa ibang bansa para lamang mabuhay ang kanilang
mga pamilya.

Sa kasalukyan, halos 2.2 milyong mga Pilipino ang nasa ibang bansa nagtatrabaho ayon na rin sa survey na
isinagawa ng Philippine Statistics Authority. Marami rin sa ating mga kababayan ang nauudyok mangibang bansa
dahil na rin sa mababa ang sahod dito sa Pilipinas kumpara sa nakukuha sa abroad.

Nguni tang pagtatrabaho sa abroad ay hindi nangangahulugang maganda ang kanilang mga buhay.
Katunayan may mga lumalabas sa balita na maraming mga Pilipino ang sinasaktan at pinagsasamantalahan ng
kanilang mga amo. Ito ang malungkot na realidad ng buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Hindi naman nalalayo ang mga karanasan ng ating mga kapwa Pilipino na nagtatrabaho dito sa Pilipinas sa
karanasan ng mga kababayan nating pinagsasamantalahan sa abroad. Nariyan pa rin ang patuloy na
kontrakwalisasyon sa hanay ng ating mga manggagawa, ang kakulangan sa benepisyo, ang end of contract, at
iba pang mga hindi patas na pagtingin sa mga mangagawa.
REPLEKSYON

Isa sa mahalagang salik ng lipunan ang lakas paggawa. Kung wala ito, malamang an gating ekonomiya ay
lugmok na lugmok na. Lahat ng mga mangagawa sa Pilipinas o sa abroad man ay malaki ang ambag sa
paglakas ng ating ekonomiya dahil na rin sa mga trabahong kanilang ginagawa.

Ngunit nakakalungkot lang isipin na karamihan sa ating mga mangagawa ay hindi pa rin regular sa kanilang mga
trabaho kung hindi man ay mababa sa minimum wage ang kanilang natatanggap. Ito ay realidad hindi lamang
sa mangagawang kontraktwal kundi pati na rin sa mga taong piniling manilbihan sa mga probinsya.

Dahil na rin dito, marami sa ating mga kababayan ang napipilitang mangibang bansa upang maghanap ng mas
magandang opportunidad doon. Pero mayroon tayong mga kababayan na hindi pinapalad at mayroon din
napupunta sa mga walang pusong amo.

Sa tingin ko, dapat nang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang problemang ito sapagkat nakakalungkot na
nagpapakahirap ang maraming Pilipino sa abroad samantalang ang mga politiko sa ating bansa ay patuloy na
kinakamkam ang kaban ng taumbayan na siyang sana’y magagamit upang makapaglaan ng pondo para sa
mga industriya natin dito.
KABANATA 5 – GLOBALISASYON

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Deregulasyon - ito ay batay sa konsepto ng laissez- faire o let-alone policy


ni Adam Smith. Kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga
sambahayan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag
ang ekonomiya.

Globalisasyon - ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo


upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa

Liberalisasyon - Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng


mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa.
Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota.

Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.

Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang
bayad

Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa


kalapit na bansa.

Onshoring - Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan


ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng
bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

Privatization - pagsasapribado ng mga negosyo


DETALYE/BUOD

Ang globalisasyon, ayon kay George Ritzer, ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.

Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging
ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon.
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na
nagbago ang paran ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang
siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa
bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
REPLEKSYON

Maraming magandang naidudulot ang globalization gayundin mayroon din namang hindi magandang
naidudulot ito. Isa sa mga positibong naidudulot nito ay ang libreng pag-aangkat ng mga produkto ng mga
magkakasundong bansa. Nariyan din ang pagpasok ng mga investors mula sa mga developed na na bansa
upang tulungan ang mga less developed na mga bansa.

Ilan sa hindi magandang dulot nito ay ang epekto nito sa kultura ng isang bansa. Dahil sa pagpasok ng iba’t
ibang produkto mula sa iba’t ibang bansa, nagkakaroon ng pag-adapt ng kultura ang mga bansang
nagpapalitan ng mga produkto na siyang nagbibigay daan upang hindi na mapayabong ang kulturang
kinagisnan.

Para sa akin, hindi naman talaga masama ang globalisasyon. Kailangan lang ay mabalance ng mga tao kung
ano ang magiging mga epekto nito sa kultura upang hindi naman masyadong maka-apekto sa tuluyang hidni
pagpansin o pagpapayabong sa kulturang mayroon ang isang bansa.
KABANATA 6 - SUSTAINABLE DEVELOPMENT

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Perspectibang pang-ekonomiya – tumutukoy ito sa pinakamataas na kita na maaaring ibunga ng pagtaas ng


paggamit sa mga produkto at serbisyo upang mapaunlad ang kabutihang pantao habang pinananatili ang
capital ng ekonomiya

Perspektibang pang-ekolohiya – nakatuon ito sa katatagan ng sistemang biyopisikal upang mapanatili ang
kakayahan ng kalikasan na matugunan ang mga di mabuting nangyayari o kalamidad at mga pagbabago.

Perspektibang sosyo-kultural – Hangad dito ang pagpapanatili ng katatagan ng sistemang sosyo-kultural sa


pamamagitan ng paggamit ng kaalaman ng mga katutubong pangkat, organisasyong pangkomunidad, at mga
lokal na komunidad upang makabuo ng mas matalinong desisyong makatutulong sa pangangalaga sa kalikasan.
Hangad din dito ang mas maayos na ugnayan at pagkamit ng mga layunin ng indibidwal at ng pangkat.

Sustainable Development – pagbalanse sa


paggamit at pagpapanatili ng kalikasan para sa
kinabukasan. Ito ang prosesong dapat isaisip at
pagtuunan ng pansin ng bawat nananahan sa
planetang ito.
DETALYE/BUOD

Ang konsepto ng sustainable development ay nangangahulugang pagtataas ng kalidad o katagalan ng isang


bagay. Malalaman na ang isang bagay ay may kalidad o katagalan kapag kaya nitong igpawan ang mga
sakuna na dulot ng panahon. Samakatuwid kaya mataas ang katagalan nito.

May tatlong bumubuo sa pamamaraan ng sustainable development. Ito ay: perspektibang pang-ekonomiya,
perspektibang pang-ekolohiya, at perspektibang sosyo-kultural (depinisyon ay nasa taas).

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong labimpitong Sustainable Development Goals na itinakdang magawa
bago ang 2030. Ito ay kilala rin bilang Global Goals na siyang naka-angkla sa pagpapaigting ng gawain ng
Millenium Development Goals.

Ang labimpitong SDGs na ito ay: walang kahirapan, walang kagutuman, mabuting kalusugan at kagalingan, may
kalidad na edukasyon, pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, malinis at murang enerhiya, disenteng trabaho
at pag-unlad ng ekonomiya, industriya, pagbabago, at imprastruktura, pagbawas sa di pagkakapantay-pantay,
mga sustainable na siyudad at komunidad, responsableng paggamit ng produksyon, aksiyon sa klima, buhay sa
ilalim ng tubig, buhay sa lupa, mga institusyong nagsusulong ng kapayapaan at katarungan, at pagtutulungan
para sa mga layunin.
REPLEKSYON

Ang pagtupad sa labimpitong Sustainable Development Goals (SDG) ay isa na yata sa pinakamalaking hamon
para sa ating bansa. Ito ay magiging mahirap dahil na rin sa sitwasyon ng ating bansa ngunit sa pagtutulungan
nating lahat ay tiyak na makakamit natin paisa-isa ang mga layuning ito.

Hindi man madali at puno man ng hamon sa mga susunod na taon pero sa patuloy nating pagkilos at sa mga
maliliit na hakbang na ginagawa natin upang matupad ang mga layuning ito, tiyak na darating din tayo sa
tagumpay.
Mula sa araw na ito mayroon pa tayong higit labing-isang taon para matupad ang labimpitong SDGs na ito.
Marami ang mangyayari sa labing-isang taon na ito ngunit ang tiyak lang natin ay patuloy tayong susulong para
sa katuparan ng ating mithiin na mas maunlad at mas malayang Pilipinas.
KABANATA 7 – MIGRASYON

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Flow - tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration,
departures or outflows.

Migrasyon - tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba
pa maging ito man ay pansamantala o permanente

Stock Figures - bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan • Ito ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon
DETALYE/BUOD

Hindi maiiwasan na ang isang tao ay magdesisyong lumipat ng kanyang tirahan. Ang tawag sa paglipat na ito ay
migrasyon. Karaniwang dahilang kung bakit lumilipat ng tirahan ang isang tao ay para maghanap ng trabaho,
maghanap ng ligtas na tirahan o ang pag-aaral.

Ang migrasyon ay pwedeng mangyari sa pamamagitan ng paglipat ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa
panibagong lugar. Hindi ibig sabihin nito na kailangang mangibang bansa, kailangan lang lumipat ng tirahan sa
mga kadahilanang nakalista sa taas.

Madalas na rason ng migrasyon ay ang paghahanap ng trabaho kung saan marami sa ating mga kababayan
ang pinipiling mangibang bayan sapagkat mas malaki ang sahod doon na siyang makakaahon sa kahirapan ng
kanyang pamilyang umaasa sa kanya.

Isa rin sa dahilan ng migrasyon ay ang pag-aaral. Halimbawa na lang dito ay ang mga nasa probinsyang pinipiling
mag-aral sa Maynila sapagkat nandoon ang mga kilala at prominenteng mga unibersidad at nandoon ang
kursong gusto nilang kunin.
REPLEKSYON

Karamihan sa ating mga kapwa Pilipino na lumilipat ng kanilang tirahan o umaalis sa dati nilang tirahan ay
natutulak lamang ng iba’t ibang sirkumstansya. Marahil dahil sa trabaho o marahil din ay dahil sa kaligtasan.

Maraming kadahalinan kung bakit nangyayari ang migrasyon. Kailangan lang ng gobyernong tulungan ang
kanyang mga mamamayanan na mapanatiling ligtas kung saan man nila napagkasunduang lumipat.
KABANATA 8 - SIGALOT SA TERRITORYO AT HANGGAHAN

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Territorial and Border Conflicts - ito ay ang


katawagan sa pagkakaroon ng alitan ng mga
magkakaratig na bansa o estado ukol sa kani-
kanilang mga teritoryo

United Nations Convention on the Law of Sea


(UNCLOS) - ito ay isang internasyonal na
kasunduan na nilagdaan noong Disyembre 10,
1982. Dito sinasaad ang karapatan at
responsibilidad ng mga bansa at estado sa kani-kanilang teritoryo batay sa
mga karagatan na nakapaligid sa kanila

United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Exclusive Economic Zone (EEZ) - ito ay isang sea zone na
pinanukala ng United Nations na ang isang estado ay may espesyal na karapatan na gamitin ang mga likas na
yaman nito at magsagawa ng eksplorasyon Ang sukat ng EEZ ay 200 miles (370 km) mula sa coastal baseline
United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Continental Shelf - ito ay isang underwater landmass na
nagpatuloy mula sa dulo ng isang kontinente

United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Continental Shelf Ruling - Ang
bawat estado ay may karapatan sa continental shelf na hindi lalagpas sa 350 nautical
mile (650 kilometers) demarcation line

United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Artikulo 3 - ang bawat estado ay
may karapatan na angkinin ang kanilang territorial sea na hindi lalagpas ng 12 nautical
miles, na sang-ayon sa sukat mula sa baselines
United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Artikulo 17 - Lahat ng barko mula sa anumang estado ay
magkakaroon ng karapatan ng inosenteng pagdaan o right of innocent passage sa territorial sea
DETALYE/BUOD

Paano at bakit nga ba nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng mga bansa patungkol sa iba’t ibang territoryo. Ang
tawag sa penomenon na ito ay territorial dispute.

Nagaganap ito o nangyayari kapag mayroong dalawa o higit pang bansa ang umaangkin sa iisang lupain o
katawang tubig. Halimbawa nito ay ang sigalot sa kung sino nga ba ang nagmamayari sa Scarborough Shoal.
Ang bansang Tsina ay nagsasabing parte raw ang territoryong ito ng kanilang bansa gamit ang argumento ng
nine-dash line. Ang Pilipinas naman ay nagsasabing atin ito ayon na rin sa kasaysayan ng bansa at sa United
Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS) Exclusive Economic Zone.

Ano ba ang dahilan sa pag-aagawang ito? Isa sa mga katangi tanging isla na may langis at espesyal na mga uri
ng mga yamang gubat, lupa, at tubig. Ito ay nag-aangkin ng natural na mga tanawin na pwedeng gawing parke
at pook pasyalan para sa mga turista at dayuhang mangangalakal mula sa ibang bansa. Sa madaling salita, ang
dahilan kung bakit pinag aagawan ang ang territroyong ito ay walang iba kundi para sa sariling benepisyo
lamang ng kanya kanyang mga bansa.

Ang territorial dispute na pinapakita ng pag-aagawan sa Scarborough Shoal ay sumasalamin sa isang krisis. Hindi
lamang ito sa Pilipinas nangyayari. Maraming mga bansa rin ang nag-aagawan sa isang territoryo. Bakit nga ba?
Ang mga dahilan ay ang sumusunod: kasaganahan sa likas na yaman, pagtutunggaling may kinalamn sa kultura,
relihiyon, at nasyonalismo, at bunga ng isang hindi malinaw na na kasunduang nagtakda ng mga hangganan ng
kanilang teritoryo.

Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas ,
kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na
nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalipaan, mga katubigan at
himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga
kalapagang insular at iba pang mga pook submarino nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at
nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimension ay nag-aanyong bahagi
ng panloob na karagatan ng Pilipinas.
Ayon sa mga iskolar, ang dahilan kung bakit nag-aagawan ang mga estado sa mga teritoryo ay maiuuri sa
dalawa: Materyal - populasyon, likas na yaman, strategic value ng teritoryo. At simboliko - may kauganyan at
kasaysayan ng estado

Sinasabi naman sa International Law na ang pag-angkin ng isang teritoryo gamit ang pwersa o anumang marahas
na paraan ay ipinagbabawal. Gamit ang lohikang ito, ang ginagawa ng China sa Scarborough Shoal ay
ipinagbabawal.

REPLEKSYON

Sa usaping territoryo, hindi maiiwasan ang gitgitan at awayin lalung-lalo na kung ang pinag-aawayan ay sagana
sa likas na yaman.

Ang nangyayaring sigalot sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa kung sino ba ang totoong may-ari ng islang ito ay
nagpapakita ng manipestasyon ng territorial dispute.

Noon pa may ay malaya nang nagagamit at nabibisita ng mga Pilipino ang islang ito kung saan nangingisda sila
at kumukuha ng pangkabuhayan mula rito. Ngunit nang pumasok ang Tsina sa eksena at inangkin ang isla dahil
na rin sa angkin nitong yaman para bang nawalan na ng karapatan ang mga Pilipino na mangisda dito.

Nariyan din ang patuloy na pangbubully ng Tsina sa mga Pilipinong mangingisda kung saan pinapayagan nilang
mangisda ang mga Pilipino sa isla ngunit ninanakaw nila ang mga huli ng mga ito. Ito ay manipestasyon hindi
lamang ng paggamit ng dahas upang makuha ang gusto nila kundi na rin ang pagkontrol ng malaking bansang
ito sa politika ng kung sino ba ang may-ari ng isla.

Patuloy pa rin ang pakikipagdayalogo ng bansang Pilipinas sa bansang Tsina patungkol sa isyung ito pero para sa
akin higit kailanman na kailangan may malakas na tindig ang pamahalaan tungkol dito. Tayo ay isang bansang
malaya at dapat hindi tayo pumapayag na may bansang uma api sa atin.
KABANATA 9 - DINASTIYANG POLITIKAL

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Article II Section 26 - "The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit
political dynasties as may be defined by law"

Halalan - demokratikong pamamaraan sa pagpili ng mga pinuno

Dinastiyang Politikal - tumutukoy sa mga politikong nagmula sa iisang pamilya o angkan at sabay-sabayna
nanunungkulan ng iba't-ibang lebelang sistemang politikal sa bansa

Pamamahala - paggamit ng kapangyarihang politikal upang pamahalaan ang yaman ng isang bansa at
tugunan ang mga pangangailangan sa suliranin

Pamahalaan - binubuo ng mga indibidwal na kumokontrol at gumagawa ng desisyon para sa isang bansa o
estado

Partidong Pampolitika - samahan ng mga indibidwal na mayroong isang ideolohiya, paniniwala o pilosopiya
DETALYE/BUOD

Ang Dinastiyang Politikal ay isang pamilya ng mga Politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa
kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Ayon kay Josefa L. Quirante Radford ang
mga bansang Tsina, Hapon, Inglatera at Espanya ay ang ilan sa mga bansang nagsimula ng ideya ng political
dynasty.

Sa Pilipinas, ang ganitong sistema ng politika ay laganap na. Unti – unting sinasakop ng mga dominanteng
pamilya ang bawat lugar upang pagharian. Nagsimula ang kontrobersiyal tungkol sa madilim na gawi ng
Dinastiyang Politikal ng naitayo ng mga Ampatuan sa Maguindanao ang ariling Dinastiya. Ang kanilang
dinastiyang pampolitika ay naibunyag sa media noong nangyari ang Ampatuan Massacre. Nariyan din ang mga
Binay ng Makati, Ejercito-Estrada ng Maynila, Arroyo, Cayetano, Villar, at iba pang mga sikat na pangalan sa
politika na siyang nagtatayo na ng kani-kanilang political dynasty sa bansa.

Tuwing dadating na ang eleksiyon ay nagsisilitawan ang mga politiko at kanilang mga angkan upang
magpabango ng pangalan sa mga tao. Sa mga panahong ito nagiging kapansinpansin ang mga political
dynasties sa dahilang lahat sila ay nangangampanya upang magustuhan at iboto ng mga tao.

Ilan lamang sa hindi magandang epekto ng ganitong sistema ng politika ay ang sumusunod: Mas maraming
Dinastiyang Politikal sa mga lugar at rehiyong may mataas na poverty rate; mas mayaman ang mga
kongresistang mula sa political dynasty, ayon sa kanilang SALN (Statement of Assets and Liabilities Net Worth); 61
ng kabuuang 98 kongresista noong 1946 ang mula sa pamilyang nakaupo sa politikal na posisyon mula 1907
hanggang 1941. Lumawak ang lupang pagmamay-ari at ang negosyo (tabako, pagmimina, midya, real estate,
banko, at iba pa) ng mga political dynasty.

Gayumpaman, marami pa ring mga grupo ang tumututol sa political dynasty. Nariyan ang Alyansa Laban sa
Dinastiya (ALADYN), Anti-Political Dynasty Movement (ANDAYAMO), Mad Against Dynasties (MAD). Naipapakita
lamang nito na buhay na buhay ang demokrasya sa ating bansa sapagkat mayroong boses ang mga tao upang
ipaabot ang kanilang mga hinain sa kinauukulan.
Higit sa mga grupong ito, mayroon na ring mga panukalang sumusuporta sa pagbabawal ng mga political
dynasties. Ang Article 2 Section 26 ng Saligang Batas naglalayong makapagbigay ng patas na opportunidad sa
lahat upang mahalal at makapagsilibi sa kanyang kinabibilangang komunidad.

REPLEKSYON

Ang 1987 Constitution ng Republika ng Pilipinas: Artikulo 2 – Declaration of Principle and State Policies, Section
26 ay nagsasaad na: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit
political dynasties as may be defined by law.”

Ang probisyong ito ay malinaw na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng isang dinastiyang pampolitika sa
bansa, upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino sa pampublikong serbisyo at lumahok o
bumoto para sa isang posisyon sa gobyerno. Ngunit kahit nakasaad ito sa konstitusyon, laganap ang “political
dynasty” sa bansa ayon sa mga balita at mga dokumentaryo. Ayon sa isang kongresista, Francis Escudero,
kaya raw ganito ay sapagkat kahit na may probisyon tungkol dito ay kailangan nito ng isang batas na
susuporta dito, ngunit wala pang batas na naaaprobahan tungkol sa isyu na ito dahil sa pagtatalo kung ano
ba talaga ang isang political dynasty at dahil sa marami sa mga gumagawa ng batas ay kasapi rin
nito.Laganap ang korupsyon sa isang lugar kung saan isang pamilya lamang ang namumuno sapagkat wala
ng naguusisa kung may kamalian sa mga proyekto na ginagawa nila. Kaya ang nagiging resulta ay
napagtatakpan ang mga kamalian at mga anumalya na ginagawa nila. Sa ganitong klaseng sistema walang
nangyayaring pagbabago sa isang lugar sapagkat kung ano lamang ang tingin nilang tama at nararapat,
iyon nalamang ang masusunod, hindi ito bukas sa ibang ideya. At ang resulta ay ang pagkakaroon ng mga
proyekto o mga gawain na kulang sa kahusayan sapagkat ang political dynasty ay isa ring nepotismo.
Iniluluklok nila ang kanilang kapamilya sa isang posisyon kahit na kulang ito sa kaalaman, kahusayan at
eksperyensya. Kahit na madalas na napag-uusapan, hindi parin mabigyang solusyon ang isyung ito; ang
isyung kumitil na ng maraming buhay; ang isyung nagtatanggal ng pantay na karapatan sa mga mamayan
natin. Ngunit kahit na halos lahat ay tumututol sa isang political dynasty ay sa hindi malamang dahilan ay
marami paring sumusuporta at nagtatakip sa mga anumalya na ginagawa ng mag-kakapamilyang ito at ang
iba sa kanila ay ang mga tao ring tumututol sa dinastiyang pampolitika.
KABANATA 10 - GRAFT AND CORRUPTION

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Influence peddling o pagbenta ng impluwensiya - ang gawain kung saan ang isang opisyal ng gobyerno ay nag-
aalok ng impluwensiya o kapangyarihan sa paggawa ng desisyon ng pamahalaan sa isang taong may kailangan
ng naturang impormasyon

Korupsiyon – anumang aksiyon na hindi naayon sa sinumpaan posisyon

Pagbigay o pagtanggap ng regalo – regaling ibinibigay bilang pasasalamat sa trabaho ng isang opisyal o
empleado. May komplikasyon ito dahil maaaring humangga sa panunuhol o paghingi ng suhol

Panunuhol – pagbigay ng pera o bagay upang impluewensiyahan ang isang aksiyon o desisyon na pabor sa
nagbibigay. Ito ay pinakatalamak na uri ng korupsiyon.

Panunuhol upang hindi magbayad ng buwis – ang mga opisyal na nangongolekta ng buwis ay sinusuhulan upang
bawasan ang buwis na dapat bayaran ng taong nagbigay ng suhol

Panunuhol upang suportahan ang kasinungalingan – ang mga opisyal na nagpapasuweldo ay maaaring
maimpluwensiyahan upang maglista ng ghost employees na susuwelduhan

Panunuhol upang makaiwas sa batas – ang mga opisyal na nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ay
sinusuhulan ng lumabag sa batas upang makaiwas sa kaso at maparusahan

Panunuhol upang suportahan ang hinid patas na kompetisyon - tinatawag itong kickback kung saan
tumatanggap ang opisyal ng pera mula sa isang pribadong kontraktor

Paglustay, pagnanakaw, at panlilinlang – uri ng korupsiyon kung saan kinukuha ng di awtorisadong tao ang pera,
ari-arian, at iba pang mahalagang bagay na pag-aari ng gobyerno.
DETALYE/BUOD

Nakakalungkot mang isipin ngunit ang korupsiyon ay laganap na sa ating bansa. Ito ang dahilan kung bakit hindi
lahat ng tao ay nabibigyan ng oportunidad para baguhin ang kanilang kapalaran. Ito rin ang dahilan kung bakit
patuloy pa ring lugmok sa kahirapan ang Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang sambayanang
Pilipino.

Dahil sa kaliwa’t kanang korupsiyon na nangyayari sa buong kapuluan ng ating bansa, hindi umuunlad ang
Pilipinas sapagkat piling mga tao lang naman ang patuloy na yumayaman. Sabi nga sa kataga ang mahihirap ay
patuloy na naghihirap samantalang ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman.

Isa sa uri ng korupsiyon ay ang panunuhol. Ang panunuhol ay pwedeng makita sa pamamagitan ng mga
sumusunod: influence peddling o pagbebenta ng impluwensiya, pagbigay o pagtanggap ng regalo, panunuhol
upang hindi magbayad ng buwis, panunuhol upang suportahan ang kasinungalingan, panunuhol upang
makaiwas sa batas, panunuhol upang suportahan ang hindi patas na kompetisyon at paglustay, pagnanakaw, at
panlilinlang.

Ang korupsiyon at pwedeng mangyari sa gobyerno at mga pribadong sektor. Ito ay anumang aksiyon na hindi
sangayon sa sinumpaan at pwede rin namang gamitin sa masama ang kapangyarihang naipagkaloob sa isang
tao.

Marahil ang pinakasikat na uri ng korupsiyon ay iyong mga ginagawa ng mga nasa gobyerno. Halimbawa na lang
ang Pork Barrel Scam kung saan bilyong bilyong piso ang napunta sa mga ghost projects ng mga NGOs na hindi
naman pala nag-eexist. Nariyan din ang mga pagbili ng mga substandard na materyales para sa mga proyekto
ng gobyerno na siyang nagiging dahilan kung bakit maraming imprastruktura na gawa ng gobyerno ang hindi
maganda ang kalidad.

Dahil sa korupsiyon ng mga taong pinagkatiwalaan natin, ang mga nagdudusa ay ang mga ordinaryong
mamamayan. Marami sanang mapagtutuunan ng budget kung walang korupsiyon. Nariyan ang edukasyon,
kalusugan, basic social services, at iba pa. Sa pamamagitan sana nito ay mas uunlad ang bansa natin ngunit dahil
sa korupsiyon patuloy tayong nalulugmok.
REPLEKSYON

Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi lingid sa ting kaalaman
na ang ating bansa ay nangunguna sa larangan ng korupsiyon. Nariyan ang mga politikong tila mga buwaya na
nagpapayaman sa loob ng kanilang mga opisina samantalanga namamatay sa gutom ang karamihan sa mga
Pilipino.

Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-
nais na mga gawain. Karamihan sa mga politiko na pumapasok sa gobyerno ay hindi naman talaga ang pagsisilbi
ang gusto kundi ang magpalaki ng bulsa sapagkat napakalaki naman talaga ng perang pwedeng manakaw
kapag nagsisilbi ka sa gobyerno.

Halimbawa na lang ang mga buwis na binabayaran ng ating mga mamamayan. Napakataas ng buwis ngunit
may nakikita ba tayong pagbabago sa anumang social services ng gobyerno. Ang transport system natin ay
bulok pa rin. Ito ay makikita sa lumalalang trapiko sa Metro Manila, hindi maayos na sistema ng tren (MRT at LRT) at
iba pang mga sakunang maiisip mo na sana’y pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno.

Kung iisipin, hindi naman talaga kahirapan ang ating pangunahing suliranin sa bansa. Ito ay ang korupsiyon. Ang
ugat nito ang siyang dahilan kung bakit marami sa atin ang lugmok pa rin sa kahirapan. Sabi nga nila ang
mayaman ay lalong yumayaman samantalang ang mahihirap ay patuloy na naghihirap.

Para sa akin, masosolusyonan lamang natin ang problema sa korupsiyon kapag marunong na tayong pumili ng
mga taong na magpapatakbo sa ating gobyerno. Madalas kasi ay mabilis tayong makalimot sa mga kasalanan
ng mga politiko at kapag dumarating ang araw ng eleksyon, sila pa rin ang ating pinipili.

Importante rin na malaman na nag-uumpisa sa atin ang pagbabago kaya naman mahalaga na maging
matapat tayo sa lahat ng ating ginagawa.
KABANATA 11 - KARAPATANG PANTAO

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

Arbitrary Derogation – paglabag sanhi ng arbitraryong suspensyon ng kalayaan

Commission/Breach – anumang aksyon ng gobyernong lumalabag sa anumang covenant o instrumento sa KP na


niratipika ng Senado

Collective Rights - Kilala rin bilang karapatan ng mamamayan (people’s rights or solidarity rights) na tinatamasa ng
mga grupo ng tao o kapag nakapaloob sa grupo

Dignidad ng Tao – Pundasyon ng karapatang pantao

Individual Rights - Karapatang taglay ng bawat indibidwal tulad ng karapatan sa buhay, edukasyon, kalusugan,
bumoto, kalayaan sa ekspresyon, sa tortyur, karapatan sa mabilis na paglilitis, atbp.

Karapatan – pribilehiyo na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng Pilipinas

Karapatang Likas – karapatang taglay ng isang mamamayan sa kanyang pagsilang (mabuhay, bumoto,
edukasyon)

Omission – hindi pagkilos o di pagpigil ng Estado sa isang sitwasyong nangangailangan ng aksyon para
marespeto, maprotektahan o maitaguyod ang KP ng mamamayan; hindi pagbuo ng mga batas para
maprotektahan ang Karapatang Pantao
DETALYE/BUOD

Likas sa tao ang karapatan niya sa pagkasilang niya sa mundong ito. Isa sa pinakaimportanteng karapatan ng
isang tao ay ang mabuhay gayundin ang magkaroon ng kalayaan sa iba’t ibang bagay. Bukod dito, mayroong
ding karapatang konstitusyonal ang bawat mamamayan.

Ang Karapatang Konstitusyonal ay nahahati pa sa lima. Ito ay ang mga sumusunod: Karapatang Politikal,
Karapatang Sibil, Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan, Karapatan ng nasasakdal, at karapatang
pambata.Bilang mga Pilipino, karapatan din nating maghalal ng mga lider na siyang tingin natin ay makakatulong
sa ating mga pangangailangan bilang mga indibidwal at bilang mamamayan ng bansang ito.

Kaakibat ng mga karapatang ito ay ang responsibilidad na pangalagaan din kung ano ang ibinigay sa atin. Ang
ating Saligang Batas ng 1987 ay may mga legal na basehan ng ating mga karapatan. Nariyan ang Article III para
sa Kalipunan ng Karapatan, Article V ang sa pagboto, Art. II ang deklarasyon ng mga prinsipyo at pang-estadong
polisiya, Art. XIII ang katarungang Panlipunan at karapatang pantao, at Art. XIV para sa karapatan sa edukasyon.

Higit dito, may mga pandaigdigan ding basehan ng ating mga karapatan. Nariyan ang Universal Declaration of
Human Rights, International Covenant on Civil and Political Rights, International Covenant on Economic, Social,
and Cultural Rights, the Convention Against Slavery, Convention against Genocide, Convention Against
Discrimination against Women, at ang Convention on the Rights of a Child.

Sa kabila ng mga kasiguraduhan ng pagprotekta ng mga karapatang ito, hindi pa rin maiiwasan ang mga
paglabag ng ating mga karapatan. Isa sa pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagdeklara
ng Martial Law ng dating Presidente Ferdinand Marcos noong September 21, 1972. Sa Martial law, walang
kinikilalang karapatan ang estado sapagkat mayroong pagsuspinde ng writ of habeas corpus.

Dulot ng pagdeklara nito ni Marcos, kabi-kabila ang mga paglabag sa karapatang pantao lalo na sa mga taong
tumutuligsa noon sa administrasyong Marcos. Marami ang bigla na lang nawala at kung mahanap man ay
bangkay na. Nariyan din ang pagtortyur sa mga pinaghihinalaang kalaban ng gobyerno na
REPLEKSYON

KABANATA 12 – KASARIAN

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

DETALYE/BUOD

REPLEKSYON

KABANATA 13 – ANG EDUKASYON SA PILIPINAS

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

DETALYE/BUOD

REPLEKSYON

KABANATA 14 – SIBIKA AT PAGKAMAMAMAYAN

PAKAHULUGAN NG MGA TERMINO

DETALYE/BUOD

REPLEKSYON

You might also like