You are on page 1of 9

Detalyadong banghay sa Araling Panlipunan III

(Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:

a. naipaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga kaugnay na


konsepto, at

b. nailalarawan ang kultura ng sariling lalawigan batay sa ilang aspeto ng


djdjdjdjdj pagkakakinlanlang kultura.

Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang Konsepto ng Kultura

Sanggunian: Modyul 3, Aralin 1

K to 12 – AP3KK-IIIa-1

Kagamitan: Mga larawan ng sinaunang kagamitan, flashcards

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng pang araw-araw na Gawain

1.1 Pagbati

1.2 Panalangin

1.3 Pagtatala ng mga pumasok at lumiban sa klase

1.4 Pag-awit
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

2. Pagsasanay

Mayroon akong hinandang plaskard.


Kapag itinaas ko ito, basahin ng malakas
ang nakasulat.
Simulan na.

Plantsa
Palamuti
Banga
Kagamitan
Damit
Katutubo
Pagpapahalaga
Kultura

Magaling mga bata!


Ito namang hanay na ito, basahin ng
ng malakas, simulan na.

(Babasahin ng malakas ng mga bata)


Magaling!
Ito namang hanay na ito, simulan na.
(Babasahin ng malakas ng mga bata)
Magaling mga bata.

3. Pagganyak

Magkakaroon tayo isang aktibidad,


mayroon akong limang larawan dito.
Bubuo kayo ng ng 5 grupo na may siyam
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

na miyembro at bubuo ng puzzle at ang


larawan na ito ay ang iyong susundan
upang mabuo ang puzzle. Ang unang
grupong makakatapos ay siyang panalo.
(Bubuin ng mga bata ayng puzzle)
Simulan na.

Mahusay, _______ grupo, kayo ang


unang nakatapos.
Bigyan natin sila ng Very good clap. (Ang mga bata ay bibigyan sila ng Very
good clap)

B. Panlinang na Gawain
1. Panimula
Base sa ginawa nating activity, ano
sa tingin niyo ang ating tatalakayin sa
araw na ito? Job.
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay
tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan.

Tama.

Alam niyo ba na lahat ng bagay na


nakapaligid sa inyo ay bahagi ng ating
kultura?
Bilang isang Pilipino, kailangan na
malaman natin at ipagmalik ang iba’t ibang
kultura ng bansa.

2. Pagtatalakayan

Pakibasa nga kung ano ang kultura,


Renz. Kultura- ito ay ang uri at paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na
nagpapakita ng kanilang paniniwala,
kagamitan, moralidad, batas, tradisyon,
sining, relihiyon, kaugalian, pamahalaan,
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

at kaalaman o sistema ng edukasyon.

Salamat.
Ang kultura ng isang bansa ay
binubuo ng dalawang bahagi. Pakibasa
nga ang unang bahagi, Althea.
Material na Kultura- ang mga bagay na
nakikita, nahahawakan o naririnig.

Salamat.
Pakibasa naman ang ikalawang
bahagi, Karl.
Di-materyal na Kultura- kabilang ditto ang
mga kaugalia, pamahiin, kilos at gawi.

Salamat.
Ito ang mga Materyal na Kultura.
Pakibasa ng malakas. Kasangkapan
Kasuotan
Pagkain
Tahanan

Ito ang mga Di-materyal na Kultura.


Pakibasa ng malakas.

Edukasyon
Kaugalian
Pamahalaan
Paniniwala
Relihiyon o Paniniwala
Sinig o Agham
Wika
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Base muli sa ginawa nating activity


kanina, ano ang ating tatalakayin sa araw
na ito? Jane.

Ang ating tatakayin sa araw na ito ay


tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan.
Tama.
Ang dalawang uri ng Materyal kultura
muna ang ating tatalakayin sa araw na ito.
Ang una ay ang mga kasangkapan.

Noong bago dumating ang mga


banyagang mananakop, walang
kasangkapan ang ating mga ninuno.
Lumipas ang panahon, natuto silang
gumawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan.
Narito ang ilang larawan ng mga ginawang
kagamitan ng ating mga ninuno.

Ang mga ito ay inukit, hinasa, pinakinis


at nililok nila ang mga ito ayon sa
kagamitang nais nilang mabuo.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Ang ikalawang material na kultura ay


ang kasuotan.

Katangi-tangi rin ang pananamit n gating


mga ninuno noon. Nagkakaiba-iba sila
ayon sa kanilang pinagmulan at pag-
aangkop sa klima ng kapaligiran.
Pakibasa ang uri ng kasuotan ng mga
kasuotan ng mga lalaki noon. Pakibasa
ang una, Henna.
Kangan- pang-itaas na damit na walang
kwelyo at manggas.

Salamat. Pakibasa ang pangalawa,


Bahag- kapirasong tela na ginagamit pang
Sylvia.
ibaba.

Salamat. Ang huli ay pakibasa, Cole.


Putong- kapirasong tela na inikot sa ulo.

Salamat.

Ngayon naman, pakibasa ang uri ng


damit ng mga babae noon. Pakibasa ang
Baro- pang itaas na mahabang manggas
una, Say.
na parang jaket.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Salamat.
Pakibasa ang huli, Seb. Saya- kapirasong tela o tapis na iniikot sa
baywang. Patadyong naman ang tawag ng
mga taga Visayas dito.
Nakayapak o walang sapin sa paa ang
ating mga ninuno noon. Sari-saring alahas
din ang kanilang isinusuot, katulad nang
singsing, kwintas, hikaw at pulseras. Yari
ito sa ginto at mamahaling bato na
kanilang namimina.

3. Kasanayan sa Pag-unlad
Upang ating malaman kung
maintindihan ninyo, ang ating pinag-
aaralan, naghanda ako ng isang activity.
Pakibasa ang panuto, Alyssa.
Panuto: Pangkatang Gawain. Ilagay ang
larawan na nararapat na lagayan.

Ngayon, bumuo ng dalawang grupo


na may limang grupo.
Simulan na.
(Ang mga bata ay sasagot)

Magaling mga bata.


Magsiupo na ang lahat. Magaling
______ grupo, palakpakan niyo ang
inyong mga sarili.

C. Paglalahad
Tignan natin kung naintindihan na
ninyo ang ating pinag aralan ngayon. Ano
na nga ang pinag aralan natin ngayon?
Einah.
Ang ating tinalakay sa araw na ito ay
tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral

Tama.
Maari mo bang ulitin ang kanyang
sinabi? Drew. (Uulitin ng bata ang sagot)
Salamat.
Maari ka bang magbigay ng mga
paraan na magpapakita ng
pagpapahalaga sa kultura, Xerxes.
Irespeto ang mga katutubong tao na
patuloy paring nagsusuot ng kanilang
katutubong damit.
Magaling!
Maari ka bang magbigay ng iba pang
mga paraan na magpapakita ng
pagpapahalaga sa kultura, Don.
Igalang ang mga mga katutubong damit at
wag itong pagtawanan.
Mahusay.
Muli, ano ang ating tinalakay sa araw
na ito? Tommy.
Ang ating tinalakay sa araw na ito ay
tungkol sa mga katutubong damit at
kagamitan

Muli mga bata, ano ang ating tinalakay


sa araw na ito?
(Uulitin ng bata ang sagot)
D. Paglalapat

Panuto: Ilagay ang mga tamang salita na nasa kahon sa sa dapat nito kalagyan. Bumuo
ng 3 grupo.

MATERYAL NA DI-MATERYAL NA
KULTURA KULTURA

Kasuotan Relihiyon

Kasangkapan Edukasyon

Tahanan Wika

Pagkain Sining

4. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang mga salitang ating natalakay sa aralin na may kaugnayan sa
kasangkapan at kasuotan.

5. Takdang Aralin

Gumuhit ng isang halimbawa ng katutubong kasuotan at isang halimbawa sa


katutubong kasangkapan.

Inihanda ni:
Glydel V. Ubongen
BEED 4-1

You might also like