You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN-GRADE 8

Pangalan______________________________ Section_______________________ Score__________

____ 1. Ito ay hango sa salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko?
a. Acropolis b. Polis c. Police d. Pulis
____ 2. Sila ang responsible sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig?
a. Athens b. Sparta c. Rome d. Greece
____ 3. Tinawag itong kabihasnang Minoan batay sa pangalan ng isang maalamat na hari. Sino ang Haring ito?
a. Haring Minos b. Haring Cyrus c. Haring noah d. Haring Darius
____ 4. Sila ang mga hukbong mandirigmang Sparta na tagapagtanggol ng kanilang lungsod-estado?
a. Larynx b. polis c. tyrant d. phalanx
____ 5. Sa sinaunang kasaysayan, ito ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan.
a. tyrant b. arcon c. aristokrata d. emperador
____6. Sila ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas?
a. Arcon b. demokrasya c. ostracon d. asembleya
____ 7. Ito ang pinakamahalagang naganap sa lahat ng repormang naipatupad sa Athens?
a. asembleya b. demokrasya c. arcon d. ostracon
____ 8. Ito ay sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil ng isang tao?
a. Agora b. ostracism c. demokrasya d. asembleya
____ 9. Ilang taong gulang pwede nang magsanay sa military ng 2 taon ang mga kalalakihan ng Athens.
a. 16 b. 17 c. 18 d. 19
____ 10. Siya ang pinakadakilang Greek na iskultor.
a. Praxiteles b. Calicrates c. Phidias d. Ictinus
____ 11. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot na kinilala bilang ama ng medisina.
a. Thales b. Thucydides c. Hippocrates d. Herodotus
____ 12. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
a. Censor at Praetor c. Etruscan at Roman
b. Patrician at Plebeian d. Maharlika at Alipin
____ 13. Ayon sa isang matandang alamat, itinatag ang bansang ito ng kambal na sina romulos at remus, alin sa mga bansa ito ang tama?
a. Sparta b. Greek c. Athens d. Rome
____ 14. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ang iilan.”
Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.
b. Nakasalaysay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
c. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya.
d. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan.
____ 15. Si Thucydides ay isang historyador na sumulat sa kuwentong “Anabis”. Ano ang ibig sabihin ng “Anabis”?
a. Kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea.
b. Kuwento ng kambal na sina romulos at remus.
c. Kuwento nina Ramayana at Mahabharata.
d. Kuwentong Barbaro.
____ 16. Ayon sa kanya, mahalaga na kilalanin muna ang sarili at dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay
upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungan. Alin sa mga sumusunod na personalidad ang tinutukoy?
a. Socrates b. Plato c. Aristotle d. lahat ng nabanggit
____ 17. Kinilala si Aristotle bilang Ama ng “Biyolohiya” at ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. Poetic b. Rhetoric c. Politics d. Socratic
____ 18. Ano ang pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta?
a. Magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na pangangatawan.
b. Magkaroon ng maraming mandirigma.
c. Makasakop ng maluwang na lupain.
d. Lahat ng nabanggit
____ 19. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, Ano ang ginawa ng Athens para maprotektahan ang kanilang bayan?
a. Gumamit ng elepante sa pakikidigma
b. Gumawa sila ng plota o fleet na pandigma.
c. Nagpadala sila ng mga espiya sa kanilang mga kalaban
d. Sinanay nila ng mahusay ang kanilang mga mandirigma
___ 20. Ang digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece kaya nagresulta ito sa mga sumusunod maliban sa:
a. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao.
b. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay.
c. Tumaas ang presyo ng mga bilihin at kakulangan sa pagkain
d. Yumaman ang mga mahihirap
___ 21. Bakit mahalaga sa mga Plebeian na nagkaroon ng nakasulat na batas sa 12 Tables?
a. Upang mabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian
b. Upang mapagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng patrician
c. Para mahalal na konsul at maging kasapi ng senado
d. Lahat ng nabanggit
___ 22. Bakit tinawag na diktador si Julius Caesar sa kanyang pagbabalik sa Rome?
a. Dahil idineklara niya ang kanyang sarili bilang pinuno
b. Dahil siya nalang ang natitirang kasapi sa Triumvirate
c. Dahil kontrolado na niya ang buong kapangyarihan
d. Lahat ng nabanggit.
____ 23. Ang salitang ito ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan” isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.
a. Aztec b. Incan c. Inti d. Zaltec
____ 24. Ang pinakamahalagang diyos ng mga Aztec ay si ______________, ang Diyos ng araw.
a. Tlaloc b. Quetzalcoatl c. Huitzilopochtli d. Inci
____ 25. Ang salitang Inca ay nangangahulugang __________________ .
a. Kabihasnan b. Imperyo c. teritoryo d. estado
____ 26. Ito ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
a. Caravan b. kabalyero c. grupo d. wala sa nabanggit
____ 27. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
a. Afro-american b. malay c. Polynesian d. Austronesian
____ 28. Ang katagang __________ ay nangangahulugang “bisa” o “lakas”.
a. Mana b. mina c. tohua d. taro
____ 29. Ito ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian.
a. Animismo b. katesismo c. pasismo d. realism
____ 30.Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig.
a. Sahara b. oasis c. Sudan d. lahat ng nabanggit
____ 31. Ang mga sumusunod ay kabihasnan ng Mesoamerica maliban sa:
a. Maya b. Aztec c. Inca d. Inti
____ 32. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara?
a. Dahil sobrang init ang lugar na ito c. Bibihira ang nabubuhay na halaman dito
b. Dahil puro disyerto dito d. Lahat ng nabanggit
____ 33. Kung ang mga Mayan ay nagtatag ng kanilang kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay:
a. Naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito.
b. Naging maayos ang pamumuno
c. Nagkawatak-watak ang kabihasnan nito
d. Wala sa nabanggit
____ 34. Bakit tinawag na floating garden ang tinataniman ng mga Aztec?
a. Dahil nakalutang ang tinataniman nila
b. Dahil may helium ang lupa na tinataniman nila
c. Dahil tinabunan nila ng lupa ang mga sapa
d. Lahat ng nabanggit
____ 35. Ano ang pinakamabisang dahilan kung bakit bumagsak ang kabihasnang Mayan?
a. Pagkasira ng kalikasan c. paglaki ng populasyon
b. Patuloy na digmaan d. lahat ng nabanggit
____36. Ano ang mga kabihasnang itinuturing na klasikal na kung saan malawak ang naging impluwensya sa America.
a. Maya, Aztec, Inca c. Maya, Aztec, Mesopotamia
b. Aztec, Inca, India d. Mesopotamia, India, Inca
____ 37. Ano-ano ang maiisip mo kapag nabanggit ang mga salitang America, Africa at mga Pulo sa pacific?
a. Dito matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto sa buong daigdig
b. Dito makikita ang tinatawag nilang floating garden
c. Dito matatagpuan ang oasis na tanging lugar sa disyerto na may matabang lupa at tubig
d. Lahat ng nabanggit
____ 38. Bakit tinawag na Dark Continent ang Africa?
a. Dahil hindi pa ito nagagalugad ng mga mananakop
b. Dahil madilim ang kontinente ng Africa
c. Dahil maiitim ang mga tao sa Africa
d. Wala sa mga nabanggit
____ 39. Ang salitang “POPE” ay nangangahulugang __________na nagmula sa salitang Latin na “PAPA”.
a. Ama b. pinuno c. Emperador d. Papa
____ 40. Ito ang kinikilalang kataas-taasang pinuno ng simbahang Katoliko.
a. Papa b. Ama c. Pudra d. Fafa
____ 41. Isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo.
a. Cross b. Investiture c. basbas d. lahat ng nabanggit
____ 42. Sila ay isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay
sa panalangin at sariling disiplina.
a. Investiture b. Pope c. Monghe d. Crux
____ 43. Ito ay isang ekspidisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II.
a. Investiture b. knights c. krusada d. krusado
____ 44. Ang salitang Crusade ay nagmula sa salitang Latin na ________ na nangangahulugang “cross”.
a. Crux b. krus c. crave d. lahat ng nabanggit
____ 45. Ito ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng Lord.
a. Investiture b. Crux c. Krusada d. Homage
____ 46. Ito ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.
a. Homage b. knight c. Spartan d. gladiator
____ 47. Ito ay isang malaking lupang sinasaka na kung saan 1/3 hanggang ½ ay pag-aari ng Lord.
a. Manor b. knight c. vassal d. crux
____ 48. Ano ang tawag sa sistema ng kalakalan o palitan ng mga produkto?
a. Barter b. exchange gift c. garter wala sa nabanggit
____ 49. Ito ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.
a. Guild b. craft c. burgher d. merchant
____ 50. Alin sa mga sumusunod ang mangangalakal sa pamahalaang bayan?
a. Craft guild b. Merchant guild c. guild d. lahat ng nabanggit
____ 51. Siya ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari sa panahong Medieval. Alin sa mga sumusunod ang tamang kasagutan?
a. Charles Martel b. Clovis c. Charlemagne d. Papa Gregory I
____ 52. Ano ang magandang naidulot ng Krusada sa Kristiyanismo?
a. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod
b. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din
c. Napaunlad din ang larangan ng kalakalan
d. Lahat ng nabanggit
____ 53. Ano ang nalantad na tunay na layunin ng mga sumasama sa gawaing krusada?
a. pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban
b. pagtupad sa tungkuling iniatas sa kanila
c. pagkakataong makapaglakabay at mangalakal
d. wala sa nabanggit
____ 54. Ano ang ginawang paraan ni Papa Urban para mahimok ang mga Kabalyero na maging Krusador.
a. Pinangakuan at at patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan
b. Kalayaan sa pagkakautang
c. Kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop
d. Lahat ng nabanggit
____ 55. Alin sa mga sumusunod na krusada ang nagtagumpay na masakop ang Damascus?
a. Unang Krusada b. ikalawang krusada c. ikatlong krusada d. ikaapat na krusada
____ 56. Ano ang dahilan upang mawasak ang Krusada ng mga bata na pinamunuan ng batang French na si Stephen.
a. Karamihan sa kanila ay nagkasakit c. Nasawi sa paglalakbay
b. Ipinagbili bilang alipin sa Alexandria d. lahat ng nabanggit
____ 57. Sila ang nanguna sa ikatlong krusada maliban kay:
a. Richard the Lionheart ng England c. Philip Augustus ng France
b. Emperor Frederick Barbarossa ng Roman Empire d. Papa Innocent III
____ 58. Ano ang tungkulin ng mga Lord na nakapaloob sa kasunduan sa Oath of fealthy.
a. Suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief.
b. Ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang loob
c. Maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan
d. Lahat ng nabanggit
____ 59. Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pangkat?
a. Vassal b. Mga pari c. Mga kabalyero d. Mga serf
____ 60. Bakit ang sistemang kabalyero (knighthood) ang isa sa magandang alaala ng Piyudalismo?
a. Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal, katapangan at kahinahunan.
b. Pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan
c. Pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan
d. Lahat ng nabanggit

____ 52. Ano ang magandang naidulot ng Krusada sa Kristiyanismo?


e. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod
f. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din
g. Napaunlad din ang larangan ng kalakalan
h. Lahat ng nabanggit
____ 53. Ano ang nalantad na tunay na layunin ng mga sumasama sa gawaing krusada?
e. pagmamalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban
f. pagtupad sa tungkuling iniatas sa kanila
g. pagkakataong makapaglakabay at mangalakal
h. wala sa nabanggit
____ 54. Ano ang ginawang paraan ni Papa Urban para mahimok ang mga Kabalyero na maging Krusador.
e. Pinangakuan at at patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan
f. Kalayaan sa pagkakautang
g. Kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop
h. Lahat ng nabanggit
____ 55. Alin sa mga sumusunod na krusada ang nagtagumpay na masakop ang Damascus?
b. Unang Krusada b. ikalawang krusada c. ikatlong krusada d. ikaapat na krusada
____ 56. Ano ang dahilan upang mawasak ang Krusada ng mga bata na pinamunuan ng batang French na si Stephen.
c. Karamihan sa kanila ay nagkasakit c. Nasawi sa paglalakbay
d. Ipinagbili bilang alipin sa Alexandria d. lahat ng nabanggit
____ 57. Sila ang nanguna sa ikatlong krusada maliban kay:
c. Richard the Lionheart ng England c. Philip Augustus ng France
d. Emperor Frederick Barbarossa ng Roman Empire d. Papa Innocent III
____ 58. Ano ang tungkulin ng mga Lord na nakapaloob sa kasunduan sa Oath of fealthy.
e. Suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief.
f. Ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang loob
g. Maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan
h. Lahat ng nabanggit
____ 59. Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pangkat?
b. Vassal b. Mga pari c. Mga kabalyero d. Mga serf
____ 60. Bakit ang sistemang kabalyero (knighthood) ang isa sa magandang alaala ng Piyudalismo?
e. Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal, katapangan at kahinahunan.
f. Pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan
g. Pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan
h. Lahat ng nabanggit

You might also like