You are on page 1of 5

Department of Education

Region V- Bicol
Division of Camarines Norte
Paracale District
PALANAS ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO III

Pangalan: _______________________________________________ Petsa: ___________


Baitang/Pangkat: _________________________________________ Iskor: ___________

I. Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Ang Aming Pamayanan


Dolorosa S. de Castro
I
Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.
II
Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,
Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.
III
Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,
magsasaka at iba pang manggagawa
Ang dito’y makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.

1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?


A. Calamba, Laguna C. Luneta
B. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan

2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang


bayang sinisinta?
A. pagsunod C. pakikiisa
B. pagsuporta D. pangangalaga

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan?


A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat
tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng bawat
tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang mapanatili ang
kapayapaan.

4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay


nangangalaga sa kalikasan.
A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo

5. Sina Rhoda, Marichu at ako ay pupunta sa Batangas sa Linggo. ____ ay sasakay sa dyip
nina Marichu.
A. Nila B. Sila C. Tayo D. Kami

6. Si Rene ay masipag at matalinong bata. _____ ang nangunguna sa klase.


A. Tayo B. Kami C. Siya D. Nila

7. Sa ikalawang saknong ng tulang Ang Aming Pamayanan, ano ang salitang


magkasintunog?
A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko

Basahin ang sumusunod na saknong ng isang tula.

Kung nais mong lumigaya


At maging laging masaya
Magandang ugali’y panatilihin
Mabait, magalang at masunurin.

8. Aling mga salita ang magkatugma?


A. lumigaya-masunurin C. panatilihin-masaya
B. lumigaya-masaya D. masunurin-mabait

9. “Mainit na ang baga. Hindi na ito makakaapekto sa ating baga.” Ang kahulugan ng
salitang may salungguhit ay ____________.
A. Uling na may apoy C. naguguluhan
B. Daanan ng hangin D. siga
C.
10. Tumunog ng malakas ang pito ng hipan ni kuya kaya nagtakbuhan ang pitong bata. Ano
ang kahulugan ng may salungguhit?
A. bilang B. Tambol C. bagay na hinihipan na ginagamit bilang hudyat D. bell

11. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano ang


kasingkahulugan ng may salungguhit na salita?
A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin

12. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?


A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. mapuntahan

13. Kailangang magtipid sa paggamit ng kuryente upang di lumaki ang kabayaran nito. Ano
ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. progreso C. mag-aksaya
B. gayahin D. gusto

14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa


paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan

15. Madaling mawawala ang pera kapag inubos ito sa di-gaanong kailangangang mga
bagay. Ano ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap na ito?
A. pera-bagay C. madali-mawawala
B. bagay-mauubos D. mawawala-inubos

II. Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito.

Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating kabataan kundi sa
lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang hiling ko lamang sa inyo ay
pakaingatan at alagaan ito,” wika ng Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang
bagong liwasang-bayan sa kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa kanilang
narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila tatambay sa mall na nasa
kabilang bayan upangmagpalipas ng oras.
“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,” ang kanilang
nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.

16. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Aming Liwasang-Bayan C. Liwasang-Bayan
B. Ang Palaruan D. Palaruan sa Liwasang-Bayan
17. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?
A. Anton, Jemar, Luisa at Angeline C. Luisa at Angeline
B. Anton at Jemar D. Jemar at Luisa

18. Saan nangyari ang kuwento?


A. sa paaralan C. sa palengke
B. sa palaruan D. sa munisipyo

19. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang


Bayan?”
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.

20. Alin sa mga sumusunod ang unang pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang
Bayan?”
A. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
B. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
C. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
D. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.

21. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?


1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1

22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa tamang pagsulat?


A. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
B. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan?
C. ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
D. Ang aking pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan!

23. Sa mga sumusunod na parirala, alin ang nasa wasto ang pagkakasulat?
A. Masayang Nag-Uusap C. Masayang nag-uusap
B. masayang nag-uusap D. masayang nag-uusap

24. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahaging aklat niya
makikita ang kahulugan nito?
A. Mga Akda B. Talaan ng Nilalaman C. Talahulugan D. Pabalat

25. Saang bahagi ng aklat makikita ni Marina ang pahina tungkol sa kuwentong ANG
MAHIWAGANG BALON?
A. Talaan ng Nilalaman C. Talahulugan
B. Pahina ng Paglalathala D. Pabalat
26. Batay sa larawan sa kanan, saang bahagi ng aklat ito matatagpuan?

A. Pahina ng Paglalathala C. Talahulugan


B. Pabalat D. Talaan ng Nilalaman

27. Sundin ang sumusunod na panuto. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob ng bilog, gumuhit
ng tatsulok at sa loob ng tatsulok, gumuhit naman ng bituin.

A. C.

B. D.

28. Alin sa mga sumusunod na salita ang may klaster?


A. grupo B. balita C. datu D. bilog

29. Ang pulang blusa na nasa kahon ay para kay Nanay Berta. Alin ang salitang may klaster
sa ating pangungusap?
A. pula B. Nanay Berta C. blusa D. kahon

30. Anong klaster ang nakapaloob sa salitang prinsipe?


A. dr B. pr C. tr D. pl

Panuto : Gamitin ang wastong panghalip. Bilugan ang tamang sagot .

31. _____ na ang bahalang magdala ng ulam natin bukas para sa ating field trip at kami
naman ang magdadala ng plato at kutsara at inumin” ang sabi ni Merlie kina Margie, Rizza
at Celia.
A.Kayo B. Tayo C. Sila D. kami

32. “Sige na nga,_________ na ang magdadala ng ulam bukas” ang sagot ng tatlong
magkakaibigan sa tinuran ni Merlie.
A. kayo B. Tayo C. Sila D. Kami

33. Sasama rin ba sina Elba at Rico? _______ na lang ang magdadala ng kanin.
A. sila B. tayo C. kami D. kayo

34. (Kami, Tayo, Sila, Kayo) na lang ang magdadala ng inumin at panghimagas natin Dina
at Cecil.
A. kami B. Tayo C. Kayo d. Sila
35. May dala akong aklat. Sino ang may ibig _____?
A. niyon B. nito C. niyan d. ito

36. Nakita ba ninyo ang aso ko? Nawawala din kasi ang kuwintas ______.
A. niyon B. nito C. niyan d. ito
37. Inilatag mo ba ang sapin _____? Nakahiga ka na kahit wala pang sapin.
A. niyon B. nito C. niyan d. ito

Panuto : Pagsamahin ang mga ponema upang mabasa ang mga salitang may
klaster. Piliin sa loob ng panaklong ang kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot
na bubuo sa salita sa patlang.

38.dy___________________ A. asa B. aket C. oso D. ema

39.gr __________________ A. usa B. aso C. asa D. eso

40. pr __________________ A. esa B. ito C. odo D. aga

PAGBUTIHAN!!

Inihanda ni:

Bb. Joyce Ann G. Rodriguez


Guro 1

You might also like