Professional Documents
Culture Documents
pabahay. Housing Connections ay nagbibigay ng buong serbisyo sa Ingles at Pranses. Mangyaring siguraduhin
na ang anumang impormasyon na isinumite mo sa Housing Connections ay sa Ingles o Pranses. Kung kailangan
mo ng tulong sa inyong aplikasyon sa ibang wika, mangyaring makipag‐ugnayan sa isa sa aming mga kasama sa
komunidad na nag‐aalok ng serbisyo ng pagsasalin sa ibang wika.
Paano ako mabibigyan ng murang pabahay ng gobyerno?
Ipakita ang legal na katayuan sa Canada para sa lahat ng mga miyembro ng sambahayan. Para sa
listahan ng mga dokumento na maaari mong ibigay, i‐klick dito (listahan sa Ingles)
Isang miyembro ng sambahayan ay dapat na 16 na taong gulang o mas matanda pa
Magpakita ng planong pagbabayad kung ang isa sa iyong mga miyembro ng sambahayan ay may utang
sa isang nagbibigay ng panlipunang pabahay sa Ontario
Paano ako mag‐aaplay para sa murang pabahay ng gobyerno?
Kung ikaw ay interesadong mag‐aplay para sa murang pabahay ng gobyerno, na kung saan ang iyong upa ay
batay sa 30 porsiyento ng kita ng iyong sambahayan, kailangan mong kumpletuhin ang aplikasyon. Ang mabilis
at madaling paraang mag‐aplay ay kumpletuhin ang online na aplikasyon.
O maaari mong i‐print ang aplikasyon, at isumite ito na kasama ang mga kinakailangang mga dokumento sa
Housing Connections.
O maaari kang tumawag o bisitahin ang aming opisina (klick dito) o isa sa aming mga Kasama sa Komunidad
(mag‐klick dito)
Kailangan mong isumite ang isang pirmadong deklarasyon at pirmadong pahintulot na kasama ang inyong
aplikasyon.
Anong sukat ng yunit ang dapat sa akin?
Mga mag‐asawa / mag‐partner ay magkasama sa kwarto at maaaring makiusap na magkasama sa
bachelor yunit
Dalawang parehong kasarian na bata na hindi hihigit sa 18 taong gulang ay magkasama sa isang kwarto
Ang mga bata na 18 taong gulang o higit pa ay dapat may sariling kuwarto (o maaari kang makiusap na
sa isang kuwarto ay may kasama pang isang bata)
Ang mga bata na hindi pareho ang kasarian ay hiwalay na silid‐tulugan (maliban na lang kung nakiusap
ka na ang mga bata ay magkasama sa isang silid‐tulugan)
Ang magulang ay maaaring makiusap na kasama sa kuwarto ang kanilang anak
1
Para sa makiusap na ang ilang mga miyembro ng sambahayan ay magkasama sa isang kuwarto, kumpletuhin
ang aplikasyon at isumite ito sa Housing Connections.
Anong edad ako karapat‐dapat para sa mga sinyor na pabahay?
59 na taong gulang. i‐klick dito
Paano ako mag‐aaplay para may espesyal na karapatang mauna sa pabahay para sa mga biktima ng pang‐
aabuso?
Ang karapatang mauna ay para sa miyembro ng sambahayan na 16 na taong gulang o mas matanda pa, na
inabuso, na nakatira o naninirahang kasama ng nang‐aabuso, at nais ng humiwalay ng permanente sa nang‐
aabuso.
Kasama ng iyong aplikasyon para sa murang pabahay ng gobyerno, kailangan mong kumpletuhin at isumite ang
Pahayag ng Pang‐aabuso ng Aplikante at Kumpirmasyon ng Abuso
Mag‐klick dito upang i‐download ang mga payo na kung paano ipakita ang pangkaraniwang pakikitungo sa
mang‐aabuso (listahan ay nasa Ingles).
Paano ako mag‐aaplay para may karapatang mauna para sa may malubhang sakit?
Ang karapatang mauna ay para sa mga aplikante na may taning na ang buhay at makapagbibigay ng mga
medikal na dokumento na kinakailangan. Ang iyong doktor ay kailangang kumpletuhin ang aplikasyon na ito at
isumite ito sa Housing Connections.
Karapatang mauna para sa mga nangungupahan na sobrang laki ng bahay
Ang mga nangungupahan sa murang pabahay ng gobyerno na nakatira sa yunit na ubod ng laki kaysa sa yunit
na karapat‐dapat para sa kanila ay napasobra ng laki ang bahay.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga nangungupahan na sobrang laki ng bahay, i‐klick dito
Mayroon pa ba akong ibang mga karapatang para mauna?
Wala ng iba pang mga karapatang mauna, ngunit may mga lokal na mga patakaran na nagpapahintulot para sa
mga aplikante na maalukan ng isa sa pitong bakante. Maaari kang maging karapat‐dapat kung ikaw ay:
Walang bahay
Bahagi ng hiwalay na pamilya na may anak na nasa pangangalaga ng Children’s Aid Society
16 o 17 taong gulang ng ikaw ang nag‐aplay
2
Pagpapanatili ng tamang impormasyon sa inyong aplikasyon
Paano ko idagdag o alisin ang napiling gusali sa aking aplikasyon?
Maaari mong itama ang napiling gusali sa pamamagitan ng pag‐log in sa iyong aplikasyon kung
mayroon kang numero ng aplikasyon at password
Maaari mong gamitin ang mga listahan ng pabahay upang piliin kung saan mo gustong manirahan,
pagkatapos tawag sa 416‐981‐6111 upang gamitin ang automated na sistema ng telepono (gamit mo ang
numero ng aplikasyon at PIN) o makipag‐usap sa isang kinatawan
kumpletuhin ang aplikasyon at isumite ito sa Housing Connections
Paano ko ma‐idadagdag ang miyembro ng pamilya sa aking aplikasyon?
Kumpletuhin ang aplikasyon na ito at isumite ito sa Housing Connections. Kailangan kang magbigay ng legal na
dokumento ng katayuan sa Canada ng bawat miyembro ng pamilya na idagdag mo sa aplikasyon.
Paano kung ang aking kontak na impormasyon, kita o pamilya ay nagbago habang ako ay nasa listahan ng
mga naghihintay sa murang pabahay ng gobyerno?
Kailangan mong panatiliin ang iyong koneksyon sa Housing Connections na hindi bababa sa isang beses sa
isang taon upang panatilihing aktibo ang inyong aplikasyon, ngunit laging paalam kaagad sa Housing
Connections ang anumang pagbabago sa iyong impormasyon. Mag‐klick dito para sa mga paraan upang
makipag‐ugnay sa amin.
Gaano ako katagal maghihintay ng murang pabahay ng gobyerno?
Ang listahan ng naghihintay ay ipinaiiral sa unang dumating, unang mapagseserbisyohan na pamamaraan. Ang
mga aplikante na may espesyal na karapatang mauna ay inaalok muna ng pabahay bago ang magkakasunod na
listahan ng naghihintay. Kung gaano katagal kang maghintay ay maaaring depende sa:
gaano kadalas ang mga nangungupahan ay umaalis sa mga gusali na inilista mo
ang bilang ng mga pagpipiliang gusali na inilista mo
ang laki ng yunit(s) na ikaw ay nakalista ‐ ang ibang mga yunit ay mas maraming naghahanap kaysa sa
iba
Para sa mga payo sa pagpili ng gusali mag‐klick dito (payo ay nasa Ingles).
3
Pag-aalok ng Pabahay
Ano ang mangyayari kapag ako ay inalok ng murang pabahay ng gobyerno?
ang tagapagbigay ng pabahay ay makikipag‐ugnayan sa iyo nang direkta kapag nasa unahan ka na ng
listahan ng isa sa mga gusali na pinili mo
dapat tingnan mo muna ang yunit bago tanggapin ang alok na pabahay
mayroon kang tatlong beses para tumanggi sa pabahay bago ka alisin sa listahan ng naghihintay
kailangan mong ipakita sa tagapagbigay ng pabahay ang legal katayuan sa Canada at katibayan ng kita
ng lahat ng mga miyembro ng sambahayan
sa sandaling tanggapin mo ang alok ng pabahay at lumipat na sa yunit, ikaw ay tatanggalin na sa
sentralisadong listahan ng naghihintay
Kung mayroon kang mga madaliang pangangailangan sa pabahay, maaari kang makakuha ng karagdagang
impormasyon dito (sa Ingles):
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng Housing Connections, mangyaring mag‐klick
dito upang bumalik sa Ingles na website.
Filipino, updated January 2012