You are on page 1of 2

KABANATA 6

Si Basilio
Tagpuan:

 Puno ng Balete ( Sa gubat na dating pagmamay-ari ng mga


Ibarra)
Tauhan:

 Basilio- Ulilang-lubos. Kinupkop at pinag-aral ni Kapitan Tiyago.


 Kapitan Tiyago- malungkot dahil nagmonghe si Maria Clara.
Buod:
Nang tumunog ang batingaw ng Noche Buena ay palihim na
nagtungo si Basilio papunta sa gubat ng mga Ibarra na ipinagbili ng
pamahalaan kay Kapitan Tiyago.
Siya’y tumigil sa isang burol na may puno ng balete na kung saan ay
may tumpok ng mga bato. Dito nakahimlay ang kanyang ina at siya’y
nanalangin. Matapos manalangin ay siya’y umupo at ginunita ang
nakaraang labintatlong taon na lumipas.
Nang mamatay ang kanyang ina ay may nakasalubong siyang isang
sugatang lalaking mestiso. Inutusan siya nitong maghanap ng kahoy
upang gamitin nila sa pagsunog ng bangkay ng kanyang ina at isa pang
lalaki. Matapos nilang sunugin ang dalawang bangkay at ilibing,
binigyan si Basilio ng salapi ng lalaking sugatan at siya’y pinaaalis.
Nagtungo si Basilio sa Maynila upang maghanap ng kukupkop sakanya
at magpapaaral. Ngunit walang tumanggap sakanya sapagkat hindi siya
marunong magkastila at siya’y nakakalumo tignan. Dahil sa pangyayari
ay gusto na niyang magpasagasa sa karuwahe sapagkat siya’y hirap at
pagod na. Ngnit nabuhayan siya ng Makita ang karuwahe ni Kapitan
Tiyago at sundan ito. Si Kapitan Tiyago at kuinupkop siya at inaalok
napag-aralin sa San Juan de Letran ngunit di siya sususwelduhan.
Unang Taon: wala siyang salitang nabibigkas kundi ang pangalan niya
lamang at ang salitang “adsum” na nangangahulugang narito po. Siya
rin ay minamaliit ng mga kapuwa kamag-aral niya dahil siya’y
nakabakya lamang at gulagulanit ang suot. Kahit na ganito ang
nangyari ay nakakasaulo siya ng mga leksyon at nakasagot ng tama sa
tanong ng kanyang guro. At ang marka niya para sa unang taon
ay”aprovado”. Ikalawang Taon: siya ay natuto ng manumit. Ngunit di
pa rin siya napapansing ng mga guro sapagkat malalaki ang kanyang
mga kaklase, Siya ay nagtiyatiyaga pa ring mag-aral. Sa ikatlong taon
ay isang professor na Dominikano ang nagtnong sakanya dahil akala
nito’y tanga si Basilio at di makakasagot. Ngunit marunong na
magkastila si Basilio at nasagot ang katanungan nito ng tama. Parang
loro siya sumagot.Pagkatapos niyon ay di na siya natanong ng guro at
nawalan ng sigla mag-aral si Basilio. Ngunit isang professor niya ang
nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at
nagkayakag ang mga estudyante niya na ilaban niya sa mga kadete sa
laban ng baston. Lumahok si Basilio ditto at napanalo ang laban.
Nakilala siya ng professor dahil dito. Nang magtapos siya ay
nakatanggap siya ng medalya at napamagatan na Sobresaliante.
Nagalit si Kapitan Tiyado sa mga pari simula ng magmongha si
Maria Clara. Pinalipat niya si Basilio sa Ateneo Municipal at gusto ito
pag-aralin ng derecho o abogasya ngunit kinausap siya ni Basilio na
gusto nitong magtapos ng doctor. Pagkatapos ay naging masigasig at
matiyaga sap ag-aaral si Basilio, kaya di pa man nakakatapos ng pag-
aaral ay nakakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni
Basilio. Sinabi niyang pagnakatapos siya sa medisina ay papakasal na
sila ni Huli.

You might also like