You are on page 1of 2

TAUHAN

 Kabesang Tales

- isang nag hahangad ng karapatan sapagmamayari ng lupang sinasakahan

na inaangkin ng mga prayle.

 Tandang Selo

- ama ni Kabesang Tales.

 Basilio

– ang masipag na mag-aaral na kumuha ng kursong medisina at

kasintahan ni Huli.

 Huli

-babaeng anak ni Kabesang Tales.

-kasintahan ni Basilio.

 Tano

-ang lalaking anak ni Kabesang Tales.

- kapatid ni Huli.

 Lucia

-panganay na anak ni Kabesang Tales.

TAGPUAN: Nayon ng sagpang na karatig ng San Diego


Mga Mahahalagang Pangyayari

Si Kabesang Tales ay may nahanap na lupain na mukhang walang may-ari.

Nilinis niya ang lupain at pinagtaniman ngunit kapalit nito ang buhay ng

kanyang asawa at dalagang anak na si Lucia. Noong ito ay lumalago na,

nakapundar na sila ng sariling bahay, pinatigil si Tandang Selo sa

pagtratrabaho at naging Kabesa de barangay sa kanilang lugar. Nang

malaman ng mga prayle, biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga

prayle. Upang hindi mawala ang lupain sa kanya, siya ay pinaminulta, mula

₱30, ₱70 at ₱200. Hindi na pumayag magbayad si Kabesang Tales sa

sumunod na multa dahil hindi na ito makatarungan at masyado nang Malaki

ang hinihinging multa ng orden. Dahil wala siyang alam kumpara sa mga

prayle, pinerahan siya ng kanyang abugado at nawala ang kanyang lalaking

anak na si Tano na hindi naman niya raw kailangan. Naging mahigpit si

Kabesang Tales sa pagbabantay sa kanyang lupain hanggang kunin ang

kanyang mga armas at madakip ng tulisan si Kabesang Tales. Hinihingi

nilang kapalit ay ang P500 upang makalaya ang kabesa. Si Huli ay may

naipong P250 ngunit kailangan pa ng ₱250 pantubos sa buhay ng kanyang

ama. Si Huli ay nagdasal at umasa ng milagro sa birhen ngunit wala siyang

napala. Para makalaya ang kanyang ama, siya ay namasukan kay Hermana

Penchang upang makakuha ng pantubos.

You might also like