You are on page 1of 2

Ang Malaysia ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong

pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2.[2][11] Kuala
Lumpurang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang
pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon.[2] Ang bansa ay hinati ng Dagat
Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang
Malaysia.[2] Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia,Singapore. Brunei at
sa Pilipinas.[2] Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng
klimang tropikal.[2] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy
bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong
ministro.[12][13] Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo
ng Westminster.[14]

Etimolohiya
Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya,Singapore, Hilagang
Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[15] Subalit bago mabuo ang
pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuying ang mga pook sa Timog
Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia
ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[16] Minsan rin inisip
ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia
noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[17] Ang iba pang pangalang naisip noon 1963 ay
ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na matatagpuan sa hilagagn bahagi ng Tangway ng Malay
noong unang sanglibong taon.
Dibisyong Pampolitika
ng Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri
Sembilan, Pahang, Penang, Perak,Perlis, Sarawak, Selangor, at Terengganu), at 3 teritoryong
pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).
Demograpiya
Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo
(bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[19] ng buong populasyon. Nakabatay sa
Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslimna nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya
ang isang Muslim ng kahit anong lahi na na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay
maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na
nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa
kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ay ang
mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[19]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo
sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".
Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantala ang mga Indiyan ay nasa 8% [19]. Karamihan sa
mga Indiyan ay Tamil.
Relihiyon
Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa
Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon
ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na
may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[19] Ang
nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at
Sikhismo.[19]
Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay
hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng
Malaysia.[20] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay
kailangang itakwil ang kanilang kinaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang
isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang
pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang
gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang
bahagi ng bansa.[21][22] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng
hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng
hukumang Sharia ay limitado lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa
pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana,
pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Lawak

- Kabuuan 329,847 km2 (67th)


127,355 sq mi

- Katubigan (%) 0.3

Populasyon

- Pagtataya ng 2015 30,703,000[7] (42nd)

- Senso ng 2010 28,334,135[8]

- Kakapalan 92/km2 (116th)


237/sq mi

Opisyal na wika Malaysian Malay

Official script Malay (Latin) alphabet

You might also like