You are on page 1of 1

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kasanayan ng mga

mag-aaral sa pag-gamit ng wikang Filipino sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo

sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Bohol. Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa taong

2018 – 2019 sa ilalim ni Binibining Merlinda Escabusa bilang parsyal na katuparan na

kinakailangan para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo

sa Pananaliksik.

Ang mga respondent sa nasabing pananaliksik ay mga mag-aaral mula sa

Pamantasan ng Bohol, sa siyudad ng Tagbilaran. Ang mga napiling respondent ay

kinakailangang nasa ika-labinisang baiting.

Ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na

siyang ginawang instrumento sa pananaliksik na ito. Ang mga katanungan ay direktang

tumutukoy sa pag-gamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa pagpapalawak ng

kanilang bokabularyo. Nasa talatanungan din ang pagtatanong sa demograpikong

propayl ng mga respondente.

You might also like