You are on page 1of 5

1. 1.

PORMAL at DI-PORMAL na mga SALITA

2. 2. PORMAL

- mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
karamihang nakapag-aaral sa wika

- gumagamit ng bokabularyo mas komplikado
kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan

- kalimitang ginagamit sa mga paaralan at
sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal

3. 3. 2 URI NG PORMAL NA SALITA

PAMBANSA

mga salitang ginagamit sa
mga aklat at babasasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan

ang
wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral

Halimbawa:

kapatid,malaki, katulong

4. 4.

PAMPANITIKAN

mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang
matataas ang uri

mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika

Halimbawa:

Pambansa Pampanitikan

kapatid
kapusod

malaki ga-higante

katulong katuwang

5. 5. DI-PORMAL o IMPORMAL

mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan

6. 6. 3 URI NG DI-PORMAL

LALAWIGANIN (Provincialism)

mga salitang kilala at
saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.

may kakaibang bigkas at tono

7. 7. Pambansa/ Pampanitikan Bikol Bisaya Ilokano malaki ina ama habag/awa kapatid dakula mamay
papay habag tugang dako iloy amay luoy utod/utol dakil nanang tatang piman kabsat
8. 8.

BALBAL (Slang)

noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga
may pinag-aralan dahil hindi raw maganda pakinggan

kilala rin bilang salitang kanto o
salitang kalye

9. 9. PORMAL BALBAL tatay/ama nanay/ina security guard sigarilyo kotse pulis baliw gutom erpat ermat
sikyo yosi tsikot lispu praning tom-guts
10. 10.

KOLOKYAL (Colloquial)

mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis
ayon sa kung sino ang nagsasabi

PORMAL KOLOKYAL aywan piyesta nasaan saan ba? ewan
pista nasan san ba?
11. 11. PALABUUAN NG MGA SALITANG BALBAL
12. 12. Paghango sa mga salitang katutubo

gurang matanda

utol kapatid

buwang luku-luko

hawot tuyo (pagkain)

13. 13. Panghihiram sa mga Wikang Banyaga

tisoy mestizo

tisay mestizo

tsimay muchacha

tsimoy muchacho

toma tomar

sikyo security guard

14. 14. Pagbabaliktad (Buong Salita)

etnieb beinte

nasnip pinsan

yatap patay

abat taba

ayuk kuya

15. 15.

todits dito

ngetpa panget

tsikot kotse

lispu pulis

Pagbabaliktad (Papantig)
16. 16. Nilikha (Coined Words)

paeklat maeklat overacting

espi esposo husband

hanep papuri praise

bonzai maliit very small

17. 17. Pinaghalu-halo (Mixed Category) obedient masunurin bow lang nang bow following the trends
naaayon/uso in-na-in crush paghanga kilig to the bones dislike pag-ayaw/ pagtanggi kadiri
18. 18. Iningles (Englisized Category) approved totoo yes, yes, yo hopeless/ frustrated kawalang pag-asa
bad trip rare/unusual pambihira weird back luck malas jinx
19. 19. Dinaglat (Abbreviated Category) Lauging-Out-Loud LOL Got-to-go GTG Holding Hands While
Walking HHWW Style Mo Bulok SMB Kulang Sa Pansin KSP
20. 20. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay

lagay tong

boga
baril

durog/bangag nakadroga

Basahin ang komiks strip sa ibaba. Ano ang napapansin mo dito? Mayroon bang kakaiba sa mga salita? May
mapupuna ka ba sa wikang ginamit nila?

Anupa’t ang wika ay may kaantasan din, kaantasang isinasaalang-alang ng mga nag-aaral sa wika, sa gayon
ang mga salitang bibitiwan o gagamitin ay bumabagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon, pook
at sa okasyong dinadaluhan.

Sa ganitong kabagayan ng wika, masasabing dalawa lamang ang kaantasan nito: ang Pormal na wika at
ang Di-Pormal wika.

A. Pormal na wika – Ito ang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang
nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang isang salita ay dapat gamitin. Kung
marapat ito’y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang intelektuwal sa gayo’y tumaas
ang uri kapag malaganap na ginagamit.

a. Pambansa – Ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong

kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-
aral.

b. Pampanitikan – Mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang

matataas na uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

B. Di Pormal o Impormal – Ang mga salitang impormal ay ang mga salitang karaniwan at palasak na
ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan.
Kabilang dito ang:

a. Lalawiganin – Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito,
hindi ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas
dahil sa kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig kaagad.

Kapansin-pansin ang mga lalawiganing mga salita bukod sa iba ang bigkas ay may kakaiba pang tono. Ang
lalawiganing salita ang tulak ng mga makarehiyonal na kaugalian ng mga tao.

Halimbawa nito ay:

 Inang / Itang
 Ditse / Diko
 Sanse / Sangko
 kwarta
 napintas
 bana
 awto

b. Balbal – Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una
ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan.

Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ang     mga salitang balbal
ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, wika ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng
mga bakla ay swardspeak.

Halimbawa ng mga ito:

 parak (pulis)
 iskapo (takas)
 istokwa (layas)
 juding (binababae)
 tiboli (tomboy)
 epal (mapapel)
 spongklong (istupido)

c. Kolokyal – Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagamat may mga anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa:

Pormal                             Kolokyal

saan naroon                          sanaron

nasaan                                    nasan

naroon, naroroon                naron

kaniya, kani-kaniya           kanya, kanya-kanya

aywan                                     ewan

piyesta                                   pista
Kung susuriin ang larawan sa kaliwa, makikita na ang antas ng wika ay nahahati sa dalawa, ang Pormal at
Di-Pormal na wika. At sa bawat antas nito ay may mga saklaw pa na mas maliliit o iba pang antas ng wika.

You might also like