You are on page 1of 1

Iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay na ginamit sa Florante at Laura:

1. Tuwirang Pagsasalaysay ng may-akda. Sa paraang ito, tuwirang ikinukwento ni Balagtas ang


mga pangyayari.
Ang magandang halimbawa nito ay ang mga saknong 1-12. Sa mga saknong na ito sinimulan
ni Balagtas ang kanyang pagsasalaysay tungkol sa akda niyang Florante at Laura.

2. Monolog- Ang monolog ay mahabang pananalita ng isang tauhan. Batay ang salitang monolog sa salitang-
ugat sa Ingles na mono na nangangahulugang isa. Ang eksaktong sinabi ay ikinulukong sa panipi (“ ”).

May dalawang pamamaraan ng monolog: ang tauhan ay parang nagsasalita sa kanyang


sarili at ang tauhan ay nagsasalita sa isa o higit pang tauhan. Sa unang uri, nag-iisa lamang at wala ni sinumang
tauhang kasama. Ngunit ang pananalita at iniisip ay hindi para sa sarili lamang, ipinaaalam ito sa mga
bumabasa. Sa ikalawang pamamaraan ng monolog, sa isa o higit pang tauhan nagsasalita ang tauhan at hindi sa
kanyang sarili. May partikular na tauhan o mga tauhan na kaharap.

3. Dayalog – Ang dayalog ay usapan o kombersasyon ng dalawa o higit pang tauhan sa akda.
Ginagamitan din ito ng panipi o quotation marks (“ ”) para ipakita ang eksaktong sinabi ng nagsalita.

You might also like