You are on page 1of 10

Paaralan: BULO NATIONAL HIGH SCHOOL Antas: Baitang 7

Guro: LA DONNA C. BALIWAG Asignatura: Edukasyon sa Pagkakatao


PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA Petsa/Oras: PEBRERO 11-12/18-19,2019
PAGTUTURO Markahan: Ikaapat na Markahan
11:00am-12:00nn
LUNES (11:00 – 12:00) MARTES (11:00 – 12:00)
I. LAYUNIN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaniyang pangarap at mithiin.
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaniyang mga pangarap at mithiin.

 Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng kaniyang mga pangarap.
B. Pamantayan sa Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


(Isulat ang code)  13.1. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang
buhay.
Esp7PB Iva-13.1

II. NILALAMAN MODYUL 13: ANG PANGARAP AT MITHIIN


A.Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga pahina sa kagamitang Pahina 75-85
pang mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. karagdagang kagamitan mula sa
portal ng learning resources
B. Iba pang kagamitang panturo Laptop,Projector,Speaker •Magasin na may mga larawan Bond Paper
.
IV. PAMAMARAAN
A. Balik aral sa nakaraang aralin  Pasagutan ang paunag pagtataya sa pahina 76-78. Bigyan sila ng sapat na oras upang tayain ang kanilang pang-
at/o pagsisimula ng bagong unawa.
aralin
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:

_____1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”Ano ang higit na
malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.
______ 2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b
d. wala sa nabanggit.
______ 3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?
a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip
b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising
c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya d. a at b
______ 4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
c. a at b
d. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
______ 5. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya
______ 6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – actionoriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – actionoriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable 77

______ 7. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?


a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayon at Pangkinabukasan
______ 8. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral
d. Maging iskolar ng bayan
______9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Wala sa mga nabanggit
______ 10. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
B. Paghahabi sa layunin ng  Natutukoy ang pagkakaiba ng pangarap at mithiin sa pamamagitan ng paglalarawan
aralin
 Natutukoy ang mga gawi at pagpapahalaga na nakakatulong sa pagtupad ng pangarap sa pamamagitan ng
anekdota.

C. Pag-uugnay ng mga  (Pagtuklas sa dating kaalaman). Ipatukoy sa mga mag-aaral kung alin ang panaginip, pantasya, at pangarap base
halimbawa sa bagong aralin sa mga larawan:
D. Pagtatalakay ng bagong Iparinig o ipabasa ang awit na KALIKASAN sa pahina 215,LM (Learner’s Module)
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 KALIKASAN
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng  Upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng mithiin,alalahanin ang mga sumusunod na mga praktikal na
bagong kasanayan #2 pamantayan. Sa English, ang mga ito ay tinatawag na SMART A: S-specific (TIYAK), M-measurable (NASUSUKAT),
A-attainable (NAABOT), R-relevant (ANGKOP), T-time-bound (MABIBIGYAN NG SAPAT NA PANAHON) at A-
action-oriented (MAY ANGKOP NA KILOS).

 Tiyak. Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay. Isipin mo kung tuwi-
tuwina ay nagbabago ang iyong mithiin. Higit na makatitipid ng panahon at yaman kung tiyak ang iyong mithiin.

 Nasusukat. Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng kursong nais mo. Pangalawa, nasusukat mo ang iyong progreso
sa pagsulong ng panahon patungo sa iyong mithiin.
 Naaabot.
Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon.

 Angkop. Kailangan mong suriin ang iyong prayoridad: ang unang mahalaga para sa iyo, sumunod ay ang pangalawang mahalaga para
sa iyo.
 Mabibigyan ng Sapat na Panahon.
Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad ang iyong mithiin. Bigyang pansin ang haba ng panahong gugulin mo bago matupad
ang iyong mithiin at ang pakay mo para rito. Ang haba ng panahong gugulin sa pagtupad ng mithiin ay may kaugnayan sa perang
gagastusin mo. Ang haba ng panahong gugulin mo ay may kaugnayan sa pagtupad ng iyong layunin o pakay.

 May Angkop na Kilos. Ang pagpapahayag ng mithiin ay kailangang nasa pangkasalukuyang kilos (present tense). Nararapat
ding ito ay mga bagay na kaya mong gawin. Iwasan ding ipahayag ito sa negatibong paraan o huwag magtakda ng mithiin upang
pasakitan ang iba, gumanti sa iba o higitan ang iba.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative
assessment)
G.Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay
H. Paglalahat ng Aralin
 Buuin ang Batayang Konsepto sa pahina 231

I. Pagtataya ng Aralin Pasagutan ang tanong sa pahina 90. Bigyan sila ng sapat na oras upang pagnilayan ang mga katanungan.

Panuto: Sagutin ang sumusunod mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Tukuyin ang mga katangian ng isang taong may pangarap. Ipaliwanag.


2. Ano ang kaibahan ng pangarap sa mithiin? Ipaliwanag.
3. Paano nakatutulong ang pagtatakda ng mithiin sa pagkakamit nito? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga ang pagtatakda ng mga pangmadalian at pangmatagalang mithiin?
J. Karagdagang Gawain para sa Ipagawa ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 94 sa loob ng isang lingo.
takdang-aralin at remediation

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO:

Pagganap Ngayon marahil ay lubos mo nang nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangarap at pagtatakda ng mga
mithiin. Handa ka nang magtakda ng sarili mong mga mithiin para maabot ang iyong mga pangarap?

Sa iyong kwaderno, sumulat ng iyong mga pansariling mithiin para sa:

1. PAMILYA

2. PAARALAN

3. PAKIKIPAGKAIBIGAN

4. PAMAYANAN

5. BUHAY-ISPIRITWAL

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iying mga mag-aaral sa bawat lingo. Paano mo ito
maisasakatuparan?Ano pang tulong ang maari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa
iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa inyong pagkikita.

Inihanda ni:

LA DONNA C. BALIWAG Siniyasat ni:


Teacher I DOROTHY A. PACIA
School Head

You might also like