You are on page 1of 10

ANTAS NG KAMALAYAN NG MGA MAG-AARAL NG

ACELO C. BADELLES SR. MEMORIAL HIGH SCHOOL


TUNGKOL SA PAGKAADIK SA KOMPYUTER

____________________________________

Isang pananaliksik na iniharap kay:

(Bb. RHODIE LEE M. BAQUIRAN)


GURO SA ESP 10
sa Acelo C. Badelles Sr. Memorial High School
Tipanoy Iligan City
____________________________________

Iniharap nina:

Goc-ong, Ashanty Keesha P.


Tundag, Claribel A.

MARCH 2019
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA/INTRODUKSYON:

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa pagkaadik sa kompyuter. Nagsimula

ang panahon ng electronic devices sa pagpasok ng ika-20 na siglo. Sa paglipas

ng ilang taon ito ay nakilala at naging isang malaking bahagi ng pang araw-araw

na pamumuhay ng tao.

Habang sumisikat ang teknolohiyang ito, naging resulta ito ng pagiging

mapursege ng mga tao. Ang bagay na ito ay itinuturing na pinakamahalagang

aparato na nagpapadali sa buhay ng tao at sa buong mundo.

Hindi nagtagal, isinilang ang virtual world o mas kilalang virtual reality.

Sa pamamagitan nito nakakapaglikha sila ng mga kathang-isip sa paraan ng

panunuod tulong ng mga aparatos na ginagamit sa kompyuter. Di nagtagal ,

nalikha ang ideya na pwede palang gamitin ang virtual reality upang

makapaglibang ang mga tao at magamit ang mga imahinasyon nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagkaadik sa kompyuter ng mga

impormasyon at mungkahi na naglalayong matugunan ang sumusunod na

katanungan para sa mga mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod:

1
1. Ano ang magiging epekto ng paglalaro ng kompyuter sa ating sarili?

2. Paano natin maiiwasan ang pagkaadik sa kompyuter lalo na’t laganap

ito ngayon sa ating kasalukuyan?

3. Bakit marami ang nalululong sa kompyuter?

PAGLALAHAD NG LAYUNIN:

Ang paglalahad na ito ay ukol sa pagkaadik sa kompyuter na

nagtataglay ng mga layunin upang malaman at mailahad ang mga ideya at

kaisipan sa larangang ito. Narito ang mga sumusunod:

1. Malaman ang mga epekto sa pagkaadik sa kompyuter.

2. Mailahad kung magiging karapatdapat bang ituon ang pansin sa

pagkalulong sa kompyuter.

3. Matukoy kung may maganda itong maidudulot sa atin.

4. Maipakita kung ano ang iminumungkahi na kaisipan sa layuning ito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sumisilbing gabay upang

lubos na maunawaan ng mga tao ang pagkaadik sa kompyuter. Sa

pamamagitan din ng pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na

mabigyan man lamang ng kaalaman kung ano ang mga posibleng mangyari sa

pagkalulong o pagkaadik sa kompyuter ng mga tao. Batid kung mahalagang

malaman ito ng mga nalulong sa kompyuter upang mabigyan ng limitasyon ang

sarili sa paglalaro nito.

2
SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga piling mag-aaral ng

Acelo C. Badelles Sr. Memorial High School na nakadistrito sa Purok 6, Tipanoy

Iligan City sa taong 2018-2019. At naglalayong malaman ang epekto at

pagkaadik sa kompyuter ng mga tao. Ang paglalaro ng kompyuter ay

nakadudulot ng mga negatibong epekto sa kabataan lalong - lalo na sa

napapanahon na ito ngayon. Kaya kinakailangan ng maagap na gabay ng mga

magulang ang mga kabataan ngayon lalo na’t sa henerasyon na ating

kinakaharap ngayon.

3
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL SA LITERATURA

Isang pag-aaral mula sa mga survey, ayon kay Dr. Jose George Los

Banos, isang psychiatrist ang pagkaadik sa kompyuter ay isa itong maituturing na

adiksyon na nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao.

“It really hits you to be part of something lalo na yung basic human

instinct” pahayag nito. “Yung addiction, may pangangailangan na natutugunan kasi

yun for any person, so sa part ng mga bata ay yung pagiging involve dun sa

kompyuter mismo, they really live in the world full of the technology”.

Dagdag pa ni Dr. Jose George, malaki rin ang epekto ng online games sa

pag-uugali ng isang tao. Aniya “nagiging violent talaga sila, violent kahit sa mga

magulang”.

Inihayag naman ni Khali Al Mubireek (2003) sa kanyang thesis sa

graduate school ng Ohio State University. Ayon sa kanya, ang kompyuter ay

maaaring pangtulong o minsan ay gamitin upang pamalit sa mga guro sa

pagtuturo at pagpapatibay ng mga teorya at pagpapakita ng relasyon nito sa

aktwal na buhay.

Sa aklat ni Rafael Cabredo, sinabi niya na mula pa noong dekada ’90,

marami nang pag-aaral tungkol sa epekto ng kompyuter. Marami naring

inilathalang libro, artikulo sa pahayagan, internet at journal tungkol sa mga

posibleng epekto ng kompyuter.

4
Kamakailan lamang ay napaulat na isang 18-anyos na lalaki ang

natagpuang patay na sa loob ng bahay nito sa Taft Avenue sa Manila.

Paalala ng mga eksperto, mahalaga ang paggabay ng mga magulang at

pagbibigay ng sapat na atensyon upang maiwas ang mga bata sa ganitong uri

ng adiksyon.(Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News).

5
KABANATA III

METODOLOHIYA AT PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK:

Ang disenyo ng pananliksik na ito ay isasagawa sa pamamaraang

deskriptibo. Susubukang ilarawan at suriin ng mga mananliksik sa pag-aaral na

ito ang kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral sa Grade 10 ng Acelo C.

Badelles Sr. Memorial High School patungkol sa epekto ng pagkaadik sa

kompyuter sa kanilang pag-aaral.

PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE:

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa

pagkaadik sa kompyuter, ginamit ang simpleng random sampling kung saan ang

pagpili ng respondante ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang

piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mag-aaral sa Grade 10 ng

(ABMHS).

Ang napiling respondent sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na

nasa Grade-10. Ang mga respondante ay nahahati sa dalawang pangkat.

Labinlima(15) sa unang pangkat na binuo ng mga mag-aaral sa Grade-10 at

labinlima(15) naman sa ikalawang pangkat.

6
Gumamit din ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon

ng pantay na representasyon ang bawat pangkat. Pansinin ang kasunod na

talahanayan.

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDANTE SA GRADE-10

KASARIAN UNANG IKALAWANG KABUUAN


PANGKAT PANGKAT
BABAE 5 9 14
LALAKI 10 6 16
KABUUAN 15 15 30

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pananaliksik na ito ay isasagawa ang survey. Ang mananaliksik ay

gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento

sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay

nahahati sa dalawang pangkat.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS:

Ang mananaliksik mismo ang kumakalap ng mga impormasyon upang lubos

na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak

ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali

sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Bilang o dami lamang ng pumili

sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyuner ang inalam ng mananaliksik.

7
ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS:

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagpapataya

rito. Gagamit ng describe statistical analysis ang mga mananaliksik upang

ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang

mga datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan

ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t-ibang uri ng

talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may pagtatalakay sa

mga resulta ng datos.

8
PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming pinaaabot sa mga sumusunod na

indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta

tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito.

Sa aming mabuting mga kaibigan na tinulungan kami sa pamanahong-

papel na ito sa oras na kami ay nahihirapan at sa pag-suporta nila sa amin na

makakaya namin ito.

Sa google na nag bigay saamin ng impormasyon at ideya sa paggawa

ng pamanahong-papel na ito.

Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon at sa matapat na

pagsagot sa aming inihanda ng kwestyoner.

Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalung-lalo na

sa sandaling kami ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos namin ito nang

maayos sa itinakdang-panahon.

Muli, Maraming-maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik

You might also like