You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino

Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin:

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalikasan

II. Paksang Aralin

Paksa: Gamit ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon

Sanggunian: Landas sa Pagbasa pahina 76, Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon


pahina 124-125

III. Yugto ng Pagkatuto:

1. Pagsasanay:

Sundin ang sumusunod na panuto.

- Isulat ang pangalan ng guro sa Filipino 6 sa loob ng parihaba


- Gumuhit ng araw sa itaas ng bundok.
- Isara ang bintana na may likuran.
- Punasan ng mabuti ang dingding.

2. Balik- Aral

Piliin sa sumusunod na salita ang panghalip na paari.

akin ganyan

ganire sinuman

ilan man kanila

saan man balana

ninyo kanya

3. Mga Gawain:

A. Pagganyak:

Ipabasa ang tanungan ng mga bata. Ano ano ang napansin mo sa mga tanong ng
mga mag aaral? Bakit minsan ay nakakatawa ang mga tanong natin?
B. Paglalahad:
Pag aralan natin ngayon ang gamit ng iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa
iba’t ibang sitwasyon.

C. Pagtatalakay:

Sagutin ang mga tanong:

Bakit nasira ang ating kalikasan?

Paano natin mapangalagaan ang ating paligid?

Bakit kumakaunti na ang mga isda sa dagat?

Paano natin mapauunlad ang ating pamayanan?

Panghalip na pananong ang tawag sa salitang pananong na ginagamit na pamalit sa


pangngalan na maaaring isahan o maramihan.

Isahan Maramihan

Sino Sino-sino

Ano Ano-ano

Ilan Ilan- ilan

Alin Alin – alin

Saan Saan- saan

Kailan Kai- kailan

Kanino Kani-kanino

Paano Paa-paano

Gaano Gaa-gaano

Magkano Magka-magkano

D. Gawin Natin

Alamin natin ngayon sa pamamagitan ng pakikinig ng diyalogo kung bakit mahalaga


ang maayos na pagtatanong.
Pumili ng dalawang bata at ipabasa ang diyalogo
.
(Ipakita ang larawan sa pahina 76 Landas sa Wika)

Ipasagot ang mga tanong sa talakayin.

Ano ang ginagawa ninyo?

Sino-sino ang mga kasama mo sa pagtula?

Saan kaya nagpunta sina Ate at Kuya?

Sa anong mga salita nagsisimula ang pangungusap?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

E. Gawin Ninyo

Salungguhitan ang panghalip na pananong na ginagamit sa bawat pangungusap.

1. Saan ka nanggaling kahapon?

2. Ano ang ginawa mo sa palengke?

3. Sino ang kasama mo roon?

4. Ano-ano ang napamili mo?

5. Magkano na ba ang isang kilo ng manok ngayon?

6. Kanino ka bumili ng mangga?

7. Sino ang nagsabi sa iyong doon ka bumili?

8. Gaano katagal ang biyahe mula rito sa atin hanggang sa palengke?

9. Kailan ka babalik doon?

10. Ano ang sasakyan natin?

F. Gawin Mo

Basahin ang balita sa pahina 78-79 Landas sa Wika. Bumuo ng mga tanong
tungkol dito. Sundan ang halimbawa.

A. Basahin ang balita. Bumuo ng mga tanong tungkol dito.


Sundan ang halimbawa.

Gobyerno., Nagtatag ng Ahensiya para sa Katutubo

Matagal nang panahong nangangailangan ng kalinga mula sa gobyerno ang mga


katutubong minorya o indigenous cultural communities sa bansa.
Nangawala ang mga lupaing tinitirhan ng mga katutubo na minana pa nila sa
kanilang mga ninuno bunga ng pagsulpot ng sibilisasyon sa kanilang mga lugar.
Ang suliraning ito ng mga katutubo ang nagbunsod sa gobyerno upang likhain ang
National Commission on Indigenous Peoples. Batay ito sa Republic Act No. 8371 na
kilala naman bilang Indigenous People’s Rights Act of 1997. Kikilanin, pangangalagaan,
at pauunlarin nito ang mga karapatan ng lahat ng katutubo sa bansa.
Partikular na isinasakatuparan ng itinatag na ahensya “ ang bumuo at magpatupad ng mga
patakaran sa pag sasaalang- alang sa kanilang kultura, tradisyon, at interes at magpatupad
ng mga hakbang na mangangalaga sa mga katutubo hinggil sa kanilang mga lupaing minana.”
Gayudin, pangunahing gawain ng itinatag na ahensiya ng gobyerno na pangalagaan at
isulong ang kapakanan ng mga katutubo at kilalanin ang kanilang mga paniniwala, kultura, at
interes sa ilalim ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag unlad.

Halimbawa ng tanong;

Sino ang itinatawag na mga katutubo?

Ano ang itinatag ng gobyerno para sa kanila?

G. Paglalahat

Anong uri ng panghalip ang ginagamit sa pagtatanong?

H. Paglalapat

Magbigay ng mga tanong tungkol sa sumusunod na mga karikatura.


IV. Pagtataya
Basahin ang balita. Bumuo ng mga tanong mula sa binasa. Gamitin ang mga panghalip na
pananong.

Tinatayang bilyong piso ng mga ari-arian ang nawasak at daang tao


ang nasawi sa pinsalang iniwan ng Bagyong Pablo sa Mindanao noong
nakaraang linggo.

Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas, rumaragasa ang agos ng tubig-


putik kung kaya’t madaling nawasak ang kanilang sinilungan kung kaya’t
napahiwalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ng mga biktama, naging mahirap sa kanila na makaligtas


dahil sa dami ng trosong dumadausdos mula sa kagubatan na humahampas sa
kanilang katawan.

Samantala, nagpadala naman ng tulong ang pamahalaan at mga


pribadong sektor sa mga nasalanta.

You might also like