You are on page 1of 4

Kabanata IV

Paglalahad , Pagpapahalaga at Pagsusuri sa mga Datos

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumugon sa
nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa isinagawang pag
aaral na may paksang “Epekto ng Pambubuli sa Pag-aaral ng mga estudyante ng Balibago
Primero Integrated School” ang mga sumusunod ay presentasyon ng mga datos na nakalap.

Ang bawat talahayan ay nagsasaad ng bilang ng mga tugon at saloobin ng bawat respondent sa
isinagawang surbey.

1.Anong uri ng Pambubuli ang iyong naransan?


Name calling
Cyber bullying
Pisikal na Pananakit
Pagkuha ng mga gamit
Pamamahiya

Karamihan sa mga respondente ang sumagot na sila ay nakakaranas ng Pisikal na pananakit ,


habang kakaunti naman ang nakakaranas naman ng Pamamahiya at sa Name Calling.
Ipinapakita lamang dito na mas lamang ang mga nakakaranas ng Pisikal na Pananakit na mga
estudyante sa tuwing sila ay nabubuli.

2. Ano ang iyong average grade?


Karamihan sa mga respondente ay nasa 80-85 ang average grade nila mula Unang Markahan
hanggang sa ikatlong Markahan samantala naman ay may mga iilang mga estudyante ang nasa
85 pataas ang average nila.
3. Ano ang epekto ng Pambubuli sa Academic Performance ng isang estudyante?
Ilang araw ka pumapasok sa loob ng isang linggo?
Sa loob ng isang linggo 75% sa mga estudyante ang pumapasok ng limang araw at ginagawang
motibasyon ang mga pambubuli na kanilang nararanasan samantala 25% sa mga estudyante ang
hindi na kinokompleto ang isang linggo sa pagpasok sa eskwelahan dahil sa sila ay natatakot na
makaranas ng pambubuli.
Sa tuwing kayo ay magkakaroon ng aktibidad ikaw ba ay nakikilahok?
80% sa mga respondente ang sumagod na hindi sila nakikisali sa kanilang aktibidad samantala
20% naman ang sumagot na sila ay hindi nakikisali sa aktibidad dahil sila ay nahihiya

Sa tuwing kayo ay magkakaroon ng group works ikaw ba ay nakikilahok?


80% sa mga respondente ang sumangayon na sila ay sumasali sa aktibidad kung sila ay may
kasama at 20% namana ang hindi pa rin nakikipartisipa sa mga Gawain sa school.

Sa tuwing kayo ay magkakaroon ng quizzes ikaw ba ay nakakapagbigay ng sagot?


60% sa mga respondente nagsasabing sila ay nakakapagbigay ng sagot tuwing sila ay may
quizzes samantala 40% naman ang mga sumagot na sila ay hindi daw nakakasagot.

Nagagawa mo ba ang iyong Takdang Aralin?


Lahat ay sumagot na sila ay nagagawa ang kanilang mga takdang aralin dahil sila ay mas
komportableng gumawa ng Kanilang school works sa school.

Napapasa mo ba ang iyong school works sa tamang oras at araw?


Hindi lahat ay nakakapag pasa ng kanilang school works sa kadahilanang hindi sila pumapasok
sa tuwing may gagawin sa paaralan.

Sumasagot ka ba sa harap ng klase sa tuwing tinatanong ka ng iyong guro?


Ang mga respondente ay hindi sumasagot sa harap ng klase kahit alam na nila ang sagot sa
kadahilanang sila ay nahihiya at natatakot mapag tawanan ng kapwa kamag aral

Sa tuwing kayo ay may group activities at ikaw ang lider nagagawa mob a ang iyong tungkulin?
Oo ang sagot ng karamihan ang kanilang dahilan ay sila ay mayroon ng kasama sa isang
aktibidad na isinasagawa.

4. paano nakaapekto ang pambubuli sa aspetong pisikal?


Hindi pagpasok sa paaralan
Karamihan sa mga respondente ay hindi na pumapasok dahil sa kadahilanang ayaw na nilang
maranasan pa ang mabuli.

Hindi pagsama sa mga kaklase


Hindi na sila sumasama sa mga kamag aral dahil sila mismo ang nambubuli sa kanila.

Hindi pakikisalamuha sa guro


Sila ay Patuloy na nakikisamuha sa kanilang guro sapagkat sila ay nakakatulong sakanila para
malagpasan ang pambubuling kanilang nararanasan.

5. Paano nakaepekto ang pambubuli sa Aspetong moral?


Kahirapan sa pag gawa ng desisyon
Sa mga respondente ay hindi na nakaepekto sa kanilang pag gawa ng desisyon ang pambubuli.
Ayon sa mga respondente gumagawa sila ng desisyon ng hindi na iniisip pa ang sasabihin ng iba

Kawalan ng tiwala sa sarili


Nawawalan sila ng tiwala sa kanilang sarili dahil sa mga pambubuling natatangap kung kayat
humihina na ang kanilang paniniwala sa sarili.
Kabanata V

You might also like