You are on page 1of 7

SCRIPT: IKA – 66 NA PALATUNTUNAN SA PAGTATAPOS

INTRODUCTION:

Araw ng Pagtatapos...Isang kabanata sa buhay ng mga mag-aaral na lubos


na inaabangan at pinahahalagahan sapagkat ito ay tanda ng pagkamit ng isa
sa mga minimithing pangarap ng bawat isa...ngunit hindi nangangahulugang
ito na ang wakas bagkus hudyat ng panibagong kabanata at patuloy na
pagtahak sa mas mataas pang pinapangarap.

Mabuhay! At isang mapagpalang araw sa ating lahat. Sabay-sabay nating


tunghayan ang ika-ANIMNAPU’T ANIM NA TAUNANG PALATUNTUNAN NG
PAGTATAPOS SA PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN JOSE, TAONG
PAMPAARALAN DALAWANG LIBO’T LABING-PITO – DALAWANG LIBO’T LABING
WALO...

Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga batang


magsisipagtapos, mga magulang, mga guro at mga panauhin.

------------------------------graduation march----------------------------------------

Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos mula


sa ika-anim na baitang pangkat GOLD, kasama ang kanilang butihing nga
magulang, sa pangunguna ng kanilang gurong tagapayo, GNG. ARLENE M.
TOLENTINO

Mamamasdan naman po natin ang pagpasok ng mga batang


magsisipagtapos mula sa ika-anim na baitang pangkat SILVER, kasama ang
kanilang mga mapagmahal na magulang sa pangunguna ng kanilang gurong
tagapayo, GNG. CLARISSA L. DIONISIO.
Kasalukuyang matutunghayan ang pagpasok ng mga batang
magsisipagtapos mula sa ika-anim na baitang pangkat BRONZE, kasama ang
kanilang mga maarugaing magulang sa pangunguna ng kanilang gurong
tagapayo, GNG. VILMA C. LIM.

Tunghayan po natin ang pagpasok ng mga kinatawan ng Kagawaran ng


Edukasyon sa pangunguna ng ating:

Masisipag at mahuhusay na mga guro ng ating paaralan


TAGAMASID PAMPUROK – DR. JENNIFER E. QUINTO
PUNONGGURO – G. ABNER M. PAGDANGANAN
PUNONG BAYAN – JESSIE P. DE JESUS
PUNONG BARANGAY – KAPITAN RODOLFO VILLANUEVA
At ang ating tampok na panauhin sa pagdiriwang na ito.

--------------------------------entrance of colors--------------------------------------

Inaanyayahan po ang lahat na bigyang-pansin ang pagpasok ng mga


sagisag....

----------------------------------national anthem & prayer----------------------------

Ating ipamalas ang pagmamahal at paggalang sa ating bansang Pilipinas sa


pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na kukumpasan ni G. JOHN
JOEY C. DE CASTRO, guro mula sa ikalimang baitang at kagyat na susundan ng
isang mataimtim na panalangin na pangungunahan ni JANICE M. GAJUDO,
batang may karangalan.

Maaari na pong Magsiupo ang lahat.......


---------------------------------introduction of theme----------------------------------

“Kabataan ang pag-asa ng bayan.”....gasgas man ito marahil sa ating mga


pandinig ngunit taglay nito ang katotohanang silang mga batang tampok sa
pagdiriwang na ito ang sasalamin sa kinabukasang naghihintay sa ating
bayan. Kaya’t ang lahat ng bumubuo sa Kagawaran ng Edukasyon ay sama-
samang nagtutulungang hubugin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral sa ilalim ng bagong kurikulum....upang ang mga mag-aaral sa K to 12 ay
maging mas lalong HANDA SA HAMON NG BUHAY....sapagkat sila ang pag-
asa nitong ating bayan.

Muli...ito ang ika- ANIMNAPU’T ANIM NA TAUNANG PALATUNTUNAN NG


PAGTATAPOS SA PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN JOSE, TAONG
PAMPAARALAN DALAWANG LIBO’T LABING-PITO – DALAWANG LIBO’T LABING
WALO...

( palakpakan )

------------------------------------graduation song------------------------------------

Sa pagkakataong ito ay maririnig natin ang tinig ng mga batang


magsisipagtapos sa pamamagitan ng isang awitin na kukumpasan ng isa sa
mga gurong tagapamatnubay ng ika-anim na baitang at kailan lang ay
kinilala rin bilang isa sa mga pinakamahuhusay na guro sa asignaturang
MAPEH...GNG. CLARISSA L. DIONISIO.

Maraming salamat sa inyo mga batang magsisispagtapos!


--------------------------------presentation and confirmation-------------------------

Sa punto pong ito ay masasaksihan natin ang pagpapakilala at pagpapatunay


ng pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa ika-anim na baitang na
gagampanan ng ating masipag na punongguro...G. ABNER M.
PAGDANGANAN....

---------------------------------distribution of diplomas--------------------------------

Sabi nga sa isang kasabihan....”Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit


ang bunga ay matamis...” Sa kabila ng maraming taon ng inyong pag-aaral,
narito na ang PINAKAMATAMIS na bunga ng inyong mga pinaghirapan...ang
pagtanggap ng katibayan ng inyong pagtatapos...

Inaanyayahan ko po ang mga masisispag na gurong tagapayo ng ika-anim


na baitang, maging ang ating punongguro, G. ABNER M. PAGDANGANAN,
tagamasid pampurok, DR. JENNIFR E. QUINTO, at PUNONG BAYAN,
IGINAGALANG JESSIE P. DE JESUS para sa pagbibigay ng diploma sa mga
batang nagsipagtapos.

Binabati naming kayo sa inyong tagumpay at muli maligayang pagtatapos!

-------------------------------------message of mayor---------------------------------

Sa pagkakataon pong ito, maririnig natin ang isang mensahe ng pagbati mula
sa masipag na ama ng ating bayang Calumpit, Iginagalang JESSIE P. DE JESUS.

Maraming salamat po, Mayor Jessie P. De Jesus!


------------------------------------message of governor-------------------------------

Isa pa rin pong mensahe ng pagbati ang magmumula naman sa ating Punong
Lalawigan, Iginagalang WILHELMINO M. SY-ALVARADO na gagampanan ng
kanyang kinatawan, G. ___________________________________________________.

Maraming salamat po G. _____________________________________________

-----------------------------------awarding of medals---------------------------------

Ang makatapos ng pag-aaral ay isang tagumpay...at ang mapabilang sa may


karangalan ay may karagdagang kasiyahan lalong higit sa inyong mga
magulang at maging sa inyong mga guro.

Upang kilalanin ang mga batang nagkamit ng karangalan, tinatawagan ko po


ang isa sa mga mahuhusay na gurong tagapayo ng ika-anim na baitang,
GNG. ARLENE M. TOLENTINO.

Inaanyayahayan din po ang ating Punongguro, Tagamasid Pampurok at ang


ating Panauhing Pandangal sa paggagawad ng medalya sa mga batang may
karangalan.

------------------------------------valedictory speech---------------------------------

Upang bigyan tayo ng ideya sa naging buhay pag-aaral ng mga batang


nagsipagtapoa, ng paglalahad ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi
ng kanilang tagumpay, at upang magbigay inspirasyon sa bawat isang
naririto...palakpakan po natin, DEAN MARC T. CABASAL, batang may
karangalan...
Maraming salamat Dean Marc...

--------------------------------introduction to guest speaker--------------------------

Ang bawat palatuntunan ng pagtatapos ay hindi magiging kumpleto at


makabuluhan kung hindi makaririnig ng isang pananalitang magbibigay
inspirasyon at pag-asa na ang lahat ng kanilang mumunting pinapangarap sa
kanilang murang edad ay magkakaroon ng kaganapan sa kinabaukasan.
Kaya’t sa umaga pong ito, tinatawagan ko ang isa sa mga mahuhusay na guro
ng Paaralang Elementarya ng San jose upang ipakilala an gating panauhing
pandangal, GNG. MARIANE R. SABINO.

---------------------------------plaque of appreciation--------------------------------

Maraming salamat po sa inyong mensahe para sa ating mga batang


nagsipagtapos sa umagang ito...tunay nga po na kayo ay isang tunay na
inspirasyon sa lahat.

Muli ay inaanyayahan ko ang ating panauhing pandangal sa gitna ng ating


palatindigan kasama ng ating punongguro, tagamasid pampurok, at ng mga
panauhin upang igawad ang plake ng pagkilala. Hayaan nyo pong basahin
ko ang nilalaman.

Maraming salamat po sa inyo...

Palakpakan po nating muli...RETIRED POLICE SUPERINTENDENT GREGORIO A


PACSON!
----------------------------------oath of graduates-------------------------------------

Ang pagtatapos ay hindi nangangahulugang simula ng pagkalimot sa


kanyang alma mater...bagkus, isang panunumpa na lumipas man ang
panahon, mananatili ang pagmamahal at pagbabalik pasasalamat sa
paaralang kumalinga sa bawat isa sa maraming panahon...

Tinatawagan ko po si KRISMELYN B. SULIT, batang may karangalan upang


pangunahan ang PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS.

Salamat sa inyo...at muli ay binabati namin kayo sa inyong pagtatapos...

-----------------------------------DEPED march-------------------------------------

At sa huling bahagi po n gating palatuntunan, muli ko pong tinatawagan si


GNG. CLARISSA L. DIONISIO para sa ating pangwakas na awitin.

-----------------------------------thanks to you-------------------------------------

Sa likod ng matagumpay na anak ay ang mga mapagkalingang mga


magulang...sa punto pong ito, ang mga batang nagsipagtapos ay
maghahandog ng isang awitin upang ipamals ang kanilang pasasalamat hindi
lamang sa kanilang mga magulang kundi maging sa mga taong umalalay,
sumuporta at namahal sa kanila.

--------------------------------------recessional----------------------------------------

Muli ay maraming maraming salamat pos a inyong pakikiisa at pagdalo sa


mahalagang okasyong ito...ito po si BB. LIEZL ANN M. BONDOC, ang inyong
naging guro ng palatuntunan...maraming salamat at magandang tanghali pos
a inyong lahat...

Ito ang resesyonal...

You might also like