You are on page 1of 10

Group 1 – Script

Florante at Laura

Vyque Semillano – Prinsesa Laura


Deanne Patana – Flerida
Sarah Desierto – Prinsesa Floresca
Parah Oriel – Kaibigan ni Laura / Extra
Princess Engracia – Extra
Daphne Calibo – Extra
Danica Taga-an – Extra
Chenneath Pepito – Extra
Shannelle Delicana- Extra
Maryniella Fuentes – Extra

Nigel Tapon – Prinsepe Florante


Herald Econg – Aladin / Antenor
Mark Ruaya – Duke Briseo / Konde Sileno
Migue Avila – Batang Florante / Sultan Ali-Adab
Aenjlelo Candongo – Adolfo / Osmalik
Jack Sarzuelo – Menalipo / Menandro
Joshfil Edulsora – Haring Linceo
Tagapagsalaysay: Madilim, masukal at mapanganib. Ito ang katangian ng isang gubat na
mapanglaw subalit ano mang pait ng mga katangian ng gubat na ito, dito rin magsisismula ang
matamis na pagiibigan nila Florante at Laura.
Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo’y binugbog ng paulit-ulit at
hinahabol ang kanyang hininga. Siya si Florante.
Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya,
isang kaharian kung saan siya’y isinilang na ngayo’y nanganganib.

Florante: o, aking Diyos Ama, nasan! nasan ang iyong awa! Ako’y nananaghoy, nakikiusap,
humihingi ng gabay at tulong niyo (buntong hininga)
Patawarin niyo akong lahat dahil hindi ko nagawang ipagtanggol an gating kaharian laban sa
taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking
buhay! Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati
si Duke Briseo na ang aking ama ay kanyang dinamay sa kanyang kataksilan. (umiyak habang
tawag ang pangalan ng Panginoon).
Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na tao. Sino kaya
siya?
Florante: Talagang ako’y minamalas. Ako’y pinapahirapan sa kamay nang taksil na si Adolfo. Si
Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.
Aladin: Tsk. Tsk. Tsk. Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuna’y natapos nang siya’y
pinahirapan at pinagtaksilan
Tadhana’y masakit, problema ko’y napakahirap lutasin dahil sa aking sintang inagaw ngunit heto
ako ngayon handa pa ring tumulong kahit ako’y namomroblema na. O kay bait ko nga naman.

Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina ang boses na kanyang


narinig…

Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taong iyon..


Florante: Tulong! Tulonggg! (nakatulog)
Aladin: Parang nakita ko na ang taong ito ah?
Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante..
Florante:Laura nasaan ka? Mahal ko tulungan mo akong makaalis dito. Sino ka at bakit ako
narito?
Aladin: Magpahinga ka nalang. Ako sang nagligtas sa iyo.
Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?
Aladin: Marahil, pero ika’y nangangailangan ng tulong.
Florante: Siguro nga ay patay na ako kung hindi ka dumating. Ngunit ang pagkamatay ang
siyang tunay kong kaligayahan.
Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!

Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin si Florante sa


kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi. Pagdating ng umaga ay napansin ni
Aladin na malakas na si Florante kaya ito’y kanyang niyakap.

Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!


Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maari ko bang malaman?
Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako’y ipinanganak. Pinanganak ako sa
bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo, ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si
Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanan nilang Florante. Noong sanggol
pa lamag ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (Sinalaysay habang umaarte ang
batang Florante [Migue])
Prinsesa Floresca: Florante! Tulong!
Menalipo: Bakit po anong problema?
Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na akoy dadagitin ng buwitre kaya dali-dali niya
itong pinana at napatay. At noon naming naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking
dibdib ang aking Cupidong Dyamante. Buti nalang at hindi ako napahamak (Sinasalaysay
habang umaarte ang batang Florante)
Nang ako’y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana’t
busog at ako’y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako’y napagod ay
nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades
habang tinutugtugan nila ang kanilang ina. Ang kanilang tawana’y nakapagpawala ng aking
pagod. (sinasalaysay habang umaarte sng batang Florante) (nagkantahan ang mga nayades)
Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina
dahil ako’y lilisan at mapapahiwalay ako sakanila.
Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis? Ayokong malayo ang anak natin mahal ko.
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon, Kung hindi siya mag-aaral ano ang
kanyang magiging kinabukasan.
Prinsesa Floresca: Pero sino ang mag-aaruga sa kanya roon?
Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro’t magiging kaibigan niya roon mahal ko.
Florante: Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si ina upang ako’y lumisan.

Tagapagsalaysay: Sa pagdating ni Florante sa Atenas….

Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang magiging guro
mo dito sa Atenas.
Florante: (malungkot na malungkot) salamat po
Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo? Ayaw mo bang mag-aral kagaya ng mga normal na bata?
Florante: Gusto ko pong mag-aral, pero ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.
Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.

Tagapagsalaysay: Sa isang buwang pananatili ni Florante sa Atenas ay kapansin-pansin na palagi


siyang tulala at di makakain tila ba siya ay labis na ngungulila.
Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan.
Napansin niya ang pinong pagkilos nito.

*Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral*


Antenor: Binabati kita Florante! May talent ka sa pilosopiya, astrolohohiya at pati narin sa
matematika! O kay galing na bata.
Florante: Maraming salamat po

Tagapagsalaysay: Dito nagsimulang magalit si Adolfo dahil nasasapawan at nauungusan na siya


ni Florante

Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawng Apo. Si Florante ang


mangunguna bilang polinise at si Adolfo bilang Etyokies.
Adolfo: Tsk. Pangalawang tauhan na naman ako (galit nag galit) (Handa ng paslangin si
Florante) ikaw ang umagaw ng kapurian ko, dapat kang mamatay.
Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigl mo ang iyong kahibangan.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.

Florante: (binasa ang sulat) HINDIIIII!! Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo
nagkita sa matagal na panahon. HINDIIII!! Hindi ka maaring mamatay (walang tigil ang pag-
iyak)

Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumating ang kanyang sundo.

Florante: Maestro, paalam na po.


Antenor: Florante, tandaan mo palagi kang mag-iingat kay Adolfo.
Florante: Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang lahat ng iyong mga bilin.
Menandro; Mag-iingat ka Florante, Kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang kami.
Antenor: Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.
Menandro: Salamat po
Florante at Menandro: Paalam na po.

Tagapagsalaysay: Pagdating sa Albanya…

Florante: (humalik sa kanyang ama) O aking ama!


Duke Briseo: (niyakap ang ama) O bunso.
Mensahero (Maryniella): Magandang araw po.
Mensahero (Chenneath): Humihingi po ng tulong ang Krotona sa inyo.
Duke Briseo: Bakit? Ano bang nangyari?
Mensahero (Shannelle): Nanganganib po kasi na masakop si Heneral Osmalik.
Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.
Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak si Florante
Haring Liceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking
trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krontona tulungan mo ang iyong
ninuno doon at magkamit ng karangalan.
Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan sa Atenas. Walang pagdududa
na iyong namana ang mga katangian ng iyong ama
Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang binibining iyon?
Haring Liceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang
kami ng iyong ama.
Florante: Magandang umaga sa inyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.
Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kang ikinukwento sa akin ng iyong
ama.
Florante: Sana’y makilala pa kita ng lubusan
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka narin
Florante: Oo nga, halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang piging.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging..

Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda para bukas.
Florante: Maraming salamat po sa palala. Magandang gabi rin po.

*Kinsabukasan*
Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.
Florante: Handan na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo Linceo.
Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.
Florante: Salamat po
Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.
Florante: Pangako, Laura.
Laura: Paalam
Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!
Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ng Heneral Osmalik.
Osmalik: Kay tapang-tapang mo nga naman Florante, tingnan natin kung hanggang saan yang
tapang mo nayan!
Florante: Mawalang galang na po Heneral Osmalik pero ginagawa ko lang ang aking tungkulin
Osmalik: Kung ganon.. MGA KAWAL SUGOD!
Florante: Sugod!
*digmaan*
Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang
kawal) Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Takbo!
Florante: Nanalo tayo! Mabuhay ang Albanya!
Mga kawal: Mabuhay!!
Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya
Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?
Florante: Kami’y mga taga Albanya. Pakawalan niyo ang babaeng iyan!
*labanan*
Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito.
Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
Laura: Ako ito Florante. Si Laura
Florante: Laura? Bakit ka nandito?
Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.
Florante: Salamat sap ag-aabala. Kumusta ka na? Sana’y nagging mabuti ka.
Laura: Mabuti naman ako. Pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May baying malapit dito
na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may
masamang mangyari sakanya? Paano kung…
Florante: Shhh, ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang Linggo.

Florante: Nanalo ulit tayo!


Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka
Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin
*babalik sa Albanya*
Florante: Bumalik na po tayo sa Albanya
Haring Linceo: Florante, pasensya na ngunit ipapadala ulit kita sa Etolya para lumaban sa mga
turko. Mag-ingat ka.
Florante: Pupunta po kami kaagad.
Miramdim: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.
Florante: Sugod!

*digmaan*

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw..

Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.
Florante: Maraming salamat. Maari ka ng umalis.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.
Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikaw muna ang
mamahala dito.
Menandro: Ikararangal ko ito. .
Florante: Anong ibig sabihin nito?!
Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.
Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap.
Kuwentuhan mo naman ako.
Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..
Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.
Florante: Papatayin kita, papatayin kita!
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko
Florante: At ganoon nga ang nagyari.
Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay… Ang ngalan ko'y Aladin
mula sa syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-
Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong ama.

Tagapaagsalaysay: Sasmantala, sa kabilang bahagi ng kagubatan….

Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!


Adolfo: Sumama ka na lang!
Kaibigan ni Laura: Laura Laura! Flerida tulungan natin si Laura
Flerida: Itigil mo yan!
(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)
Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na sila pala ito)
Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?
Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan
nila ito)
Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa
hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa
kaharian.

Tagapagsalaysay: Di na nakatiis si Florante at Aladin… Kaagad nilang nilapitan ang kanilang


sinisinta. Wari bang sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.

Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!


Laura: Mahal ko!
Aladin: Flerida! Aking sinta!
Flerida: O Aladin…
Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?
Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng kamatayan…
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong
pagtangkaan ni Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang
iyong ama na si Duke Briseo.
Kaibigan ni Laura: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni
Adolfo kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para matulungan siya ngunit sadyang kay
lupit ng walang hiyang taksil na iyon at wala wala kaming nagawa ni Flerida
Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay masaya na tayong lahat
at magkakasama.

Tagapagsalaysay: Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at ang


kanyang mga sundalo. Dapat ay hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga
kasalanan nang Makita nilang maayos na ang lahat..
Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na
nakita silang maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at
maging Nina Aladin at Flerida matapos sila kapwa magpabinyag.

Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na
sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga
kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang
kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!

Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo ay


pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian.
Namauli ang kapayapaan, umunlad muli at bumalik rin sa dati ang mga tao.

*PARTYYYYYYY*
*Nagngitian ang mga tao*

You might also like