You are on page 1of 3

KABANATA IV

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod, konklusyon at rekomendasyon sa mga

nakalap na datos sa pananaliksik.

Buod

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga epekto ng Math

Anxiety sa mga mag-aaral ng Ika-Sampung Baitang ng Kolehiyo ng San Luis. Base sa mga

nakalap na mga impormasyon ay masasabing ang Math Anxiety ay mayroong malaking

epekto sa pag-aaral ng bawat mag-aaral. Napatunayan sa pag-aaral na ito na ang paraan ng

pagtuturo ng guro ay isa mga kadahilanan kung bakit hindi nakakasabay ang mga

estudyante sa mga aralin sa asignaturang matematika. Isa rin sa mga sanhi sa pagkakaroon

ng Math Anxiety na aming natuklasan ay ang trauma na nararanasan ng isang estudyante

sa tuwing napag-uusapan ang matematika. Ang trauma na ito ay maaaring nagsimula noong

sila ay bata pa lamang na mas umigting dahil sa mga paulit-uli na sari-saring negatibong

mga eksperyensya na naranasan ng estudyante. Isa rin sa mga salik sa pagkakaroon ng

trauma sa Math Anxiety ay ang guro sa asignaturang matematika kung saan maituturing

ito na istrikto at ang madalas na hindi pagsagot sa mga mathematics problem na siyang

nagreresulta sa pagbagsak sa pagsusulit ng isang estudyante.

Nakalap mula sa pananaliksik ang mga negatibong epekto ng Math Anxiety. Ang

isa sa mga epektong nahanap ay ang pagkababa ng kumpiyansa sa sarili ng mga mag-aaral

kung saan ito ay nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga ito. Sa kabilang banda,

may nakalap na isang positibong epekto ang pagkakaroon ng Math Anxiety at ito ay ang
pagkakatuklas ng mga alternatibong mga pamamaraan sa pag-aaral na siyang

makakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kakayahan sa matematika.

Konklusyon

Base sa resullta ng aming ginawang pananaliksik, ang mga metodo ng mga guro sa

pagtuturo ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng math anxiety ng mga estudyante dahil

hindi naayon ang pamamaraan ng kanilang pagtuturo sa lebel ng pag-iintindi ng mga mag-

aaral. At dito maipapasok ang isang sanhi rin ng Math Anxiety, at iyon ay pagkakaroon ng

trauma sa mga mag-aaral dahil sa takot at kaba na mapahiya sa loob ng klase na

nakakaapekto sa pagkababa ng kumpiyansa sa sarili at nakakatulong din sa paghahanap ng

iba’t ibang paraan ng pagkatuto upang mapagtagumpayan nila ang pagkakaroon ng Math

Anxiety.

Rekomendasyon

Ang maiipapayo namin sa mga estudyante ay dapat matuto silang labanan ang hiya

at kaba sa tuwing sila ay tinatawag ng guro sa pamamagitan sa pagkontrol ng kanilang

nararamdaman pagdating sa matematika. Matuto rin silang mag-isip sa positibong paraan

upang maibsan ang kanilang pagkakaramdaman ng takot sa matematika. Mahalaga rin

malaman nag mga magulang ang pagkakaroon ng kanilang mga anak ng Math Anxiety

upang maipakita nila sa mga doktor (psychiatrist) na maaring magbigay payo at tamang

gabay upang mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng Math Anxiety. Importante na

malaman ng mga guro ang mga nararanasan ng kanilamg mga estudyante sa pagkakaroon

upang kanilang malutasan ang mga problema,at makahanap ng bagong metodo na

makatutulong sa mga estudyante na makasunod sa matematika. At sa mga susunod na


mananaliksik ito ay makakatulong upang magsilbi rin pagkumparahan ng nakalap nila ng

mga datos upang makabuo ng kanilang sariling konklusyon.

You might also like