You are on page 1of 4

FILIPINO 9 SUMMATIVE TEST Ps.

Ang mga nakabold po ang mga correct answers and kung pwd po 2nd
attempt ulit po nan di muna nila maiimod an answers po pero after nin 2nd attempt amo nap o nila maview ang
maling answers nan correct po hehehehehe SUMMATIVE TEST na lang po name para lain sinda maburong
thank u po Maam ANdrea
I.
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na kung saan ay hinango mula sa Bibliya at ito rin ay nagbibigay-aral sa mga
mambabasa nito.
A. Epiko C. Parabula
B. Bugtong D. Kuwentong-Bayan
2. Anong uri ng panitikan ang bugtong, kuwentong-bayan, at palaisipan?
A. Panitikang Pasalin-dila C. Panitikang Pasulat
B. Panitikang Patula D. Panitikang Padula
3. Ito ay panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa pagtitipid ng pahayag. May mga salitang hindi na
inilalagay o nawawala na sa pahayag dahil naiintindihan na ito at magiging paulit-ulit lamang.
A. Anapora C. Pag-uugnay
B. Katapora D. Elipsis
4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sanaysay maliban sa __________.
A. Pakikipagsapalaran C. Parabula
B. Paglalakbay D. Pastoral
5. Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
A. Pangngalan C. Pang-ugnay
B. Pang-abay D. Pang-uri
6. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan at panghalip.
A. Pang-uri C. Pangngalan
B. Pang-abay D. Pandiwa
7. Ito ay mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita. Halimbawa nito ay raw/daw.
A. Benepaktibo C. Ingklitik
B. Kawsatibo D. Kondisyonal
8. Alin sa mga sumusunod na akdang pampanitikan mula sa Timog at Kanlurang Asya ang tumatalakay sa
kabayanihan ng isang pinuno mula sa India?
A. Sino ang Nagkaloob? C. Parabula ng Alibughang Anak
B. Mahatma Gandhi D. Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno
9. Anong uri ng panandang kohesyong gramatikal ang ginamit sa pangungusap?
Pakikuha nga ‘yan! Kakailanganin ko ‘yan sa paggawa ng aking proyekto.
A. Anapora C. Elipsis
B. Katapora D. Pag-uugnay
10. Anong uri ng pagpapatungkol ang ginamit sa pahayag?
Habang siya’y nagluluto ay nakukuha rin makipag-usap ni Shane sa kaniyang kapatid sa telepono.
A. Anapora B. Katapora

II.
Pagtukoy ng uri ng pang-abay
Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang- abay na pamaraan, PN kung ito
ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1. PN Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.


2. PN Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.

3. PL Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.

4. PR Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.

5. PL Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

6. PR Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

7. PL Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.

8. PN Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.

9. PR Naglakad nang matulin ang magkapatid.

10. PR Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.

11. PR Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.

12. PL Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.

13. PN “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.

14. PR “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.

15. PL Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

16. PN Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.

17. PN Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.

18. PL Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San Martin.

19. PR Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.

20. PN Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.

III.
P ATULAd o Di-pATULAd NA P AGHAHAmbing (M GA SAgot)
KAKAyAhAn: NAisASAbi kung pAtulAd o di-pAtulAd Ang pAghAhAmbing SA pAngungusAp
Tukuyin kung anong uri ng paghahambing ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik P kung ang iyong sagot
ay patulad habang titik DP naman kung ito’y di magkatulad.
DP 1. Higit NA mARAMing mAG-AARAL ANG nAKILAHOK SA pALigsAHAN nGAyon kAYSA nAKALipAS
NA TAOn.

DP 2. Si Rene AY di-GASinong mASipAG NA GAYA ni RAmil.


P 3. Si Chester AY kASinggALing ni DANILo SA pAGsAYAw.
P 4. Ang nAKITA nAMing buwAYA SA lAWA AY kASinlAKI ng bANGKA.
DP 5. Ang pAGsusulit nATIn AY di-lubhANG mAHIRAP NA TULAd ng
nAKARaang pAGSusulit.
P 6. KASimbATA ng ANAK mo ANG pAMANGKin ko.
DP 7. Ang ANI ng mGA mAGsASAKA AY mAS mASAGANA nGAyon kAYSA nAKARAANG TAOn.
DP 8. Di-hAMAK NA mALAWAK ANG lupAIn niYA kAYSA bukid ni MANG Dionisio.
P 9. Ang mAGkAIbiGAn AY mAGkASinTANGKAd.
P 10. GAButil ANg yelong umulAN SA Iloilo.
DP 11. Ang koponAN nAMin AY di-mASYADong hANDA NA GAYA ng koponAN ni CoACh Alex.
P 12. PAKIRAMdAM ko AY sinlAKAS ko NA SI Herkules!
DP 13. Ang dALoy ng TRAPiko nGAyon SA NLEX AY di-GAANONG mABiGAt NA TULAd ng dALoy ng
TRAPiko kAHAPon.

DP 14. LALong mAHIRAP ANG pAMumuhAY nAMin dito kung ihAHAMbing ito SA buhAY nAMin SA
probinsiYA.
P 15. Ang hALik niYA AY kASinTAMis ng tsokolATE.

IV. Tukuyin kung anong kayarian ng salita napapabilang ang mga salitang
may salungguhit. (Payak, Maylapi,Inuulit, Tambalan)
1. Si Lorena ay nagluto ng adobong manok. Maylapi
2. Ang school bus ay ang sumusundo saamin patungong paaralan araw-araw.
Inuulit
3. Tulog ang panlaban niya sa pagod. Payak
4. Sumisikat ang araw ng matindi. Maylapi
5. Ang ganda ng bahaghari sa langit. Tambalan

You might also like