You are on page 1of 4

St.

Louise de Marillac College of Sorsogon


Basic Education Department
SY. 2018 – 2019

FILIPINO 9
Ikatlong Markahang Pagsusulit
BB. SHEILA MAY E. ERENO

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ________________


Taon at Seksyon: _____________________________________________ Iskor: ________________

I. PAGPIPILI PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na akdang pampanitikan mula sa Timog at Kanlurang Asya ang tumatalakay sa
kabayanihan ng isang pinuno mula sa India?
a. Sino ang Nagkaloob? c. Parabula ng Alibughang Anak
b. Mahatma Gandhi d. Mandaragit ng Ibon sa Impiyerno
2. Sa bahaging ito ng dula ipinakikilala ang tauhan ayon sa kaanyuan ng papel o katayuang sikolohikal. Dito
nakikilala kung sino ang bida o kontrabida.
a. simula c. kakalasan
b. gitna d. wakas
3. Basahin ang sumusunod na diyalogo.
Kiyoyori: Huwag! Hindi ako kasinsama ng makasalanang
pinalalabas mo. Pakiusap lang, dalhin ninyo ako sa langit.
Ano ang damdamin ng tauhan ang iyong mahihinuha batay sa sa diyalogong binasa?
a. natutuwa c. naiinis
b. natatakot d. nagdududa
4. Ito ay panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa pagtitipid ng pahayag. May mga salitang hindi na
inilalagay o nawawala na sa pahayag dahil naiintindihan na ito at magiging paulit-ulit lamang.
a. anapora c. elipsis
b. katapora d. pag-uugnay
5. Anong panandang kohesyong gramatikal ang ginamit sa pahayag?
Nakatutuwa naman ‘yan, gusto kong bumili ng ganyan.
a. anapora c. elipsis
b. katapora d. pag-uugnay
6. Anong uri ng pagpapatungkol ang ginamit sa pahayag?
Habang siya ay nakikinig, kumakain din si Paul ng tinapay.
a. anapora b. katapora
7. Ang mga sumusunod ay mga salaysay maliban sa ___________.
a. pakikipagsapalaran c. parabula
b. paglalakbay d. pastoral
8. Ito ay isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pananangis lalo na sa pag-alala sa yumao.
a. awit/ dalitsuyo c. elehiya/ dalitlumbay
b. oda/ dalitpuri d. dalit/ dalitsamba
9. Ang epiko, kuwentong-bayan, bugtong, salawikain ay mga halimbawa ng ____________________.
a. panitikang pasalindila c. salaysay
b. maikling kuwento d. tula
10. Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
a. pangngalan c. pang-uri
b. pang-ugnay d. pang-abay

FILIPINO 9 | 1
11. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan at panghalip.
a. pang-uri c. pangngalan
b. pang-abay d. pandiwa
12. Ito ay akdang pampanitikan na hinango mula sa Bibliya.
a. Salaysay c. Tulang Pandamdamin
b. Dula d. Parabula
13. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap an gating buhay basta’t
magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang asawa ni Brahman ay …
a. matatakutin at nerbiyosa c. mapagmahal na asawa
b. selosa at walang tiwala d. maramot na asawa
14. Ito naman ang mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita.
a. benepaktibo c. kondisyonal
b. kawsatibo d. ingklitik
15. Isang araw nangaso si Chitrangada kasama ang magigiting niyang pinuno at matatapat na dama. Natagpuan
nila si Arjuna na natutulog sa ilalim ng puno.
Ano ang maaring maging reaksiyon ni Arjuna kung nakilala niya muna ang kadakilaan ng prinsesa bago
ang pangit na itsura?
a. Maaring labis na kamuhian ni Arjuna si Chitrangada.
b. Maaring makadama siya ng labis na poot sa prinsesa ‘pagkat higit na mahusay ito sa pakikipagdigma
kaysa sa kanya.
c. Higit na mahuhumaling si Arjuna sa prinsesa sa kadahilanan na sila’y kapwa manananggol ng
kanilang bayan.
d. Labis na kasiyahan ang madadama ng prinsesa ‘pagkat nasilayan niya ang natutulog na Arjuna sa
ilalim ng isang puno.

Para sa bilang 16 – 20. Basahin ang bahagi ng kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Tuwing umaga, bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang kanyang mga anak:
“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkaloob ng lahat ng inyong kinakain?” Anim sa kanila
ang dagling sumagot: “Amang hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain.” Ngunit ang ikapitong
prinsesa ay lagging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito: “Ama, Diyos po ang
Nagkaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa Kanya.”
Ang sagot na ito’y ikinagalit ng palalong hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
Isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.

16. Ilan ang anak ng hari?


a. lima c. pito
b. anim d. walo
17. Ano ang palaging itinatanong ng hari sa kanyang mga anak?
a. Sino ang naghanda ng inyong kinakain?
b. Sino ang nagkaloob ng inyong kinakain?
c. Sino ang dapat pasalamatan sa inyong kinakain?
d. Sino ang dapat kumain?
18. Sino sa mga prinsesa ang may kakaibang sagot sa tanong ng hari?
a. ikalimang prinsesa c. ikapitong prinsesa
b. ikaanim na prinsesa d. ikawalong prinsesa
19. Masasalamin sa bahagi ng kuwento na ang hari ay palalo. Ano ang kasingkahulugan ng palalo?
a. mapagbigay c. mayabang
b. palaaway d. marahas
20. Paano mo ilalarawan ang ikapitong prinsesa?
a. tahimik ngunit totoo c. takot at tahimik
b. palaban at subersibo d. matapang at mareklamo

FILIPINO 9 | 2
II. IDENTIPIKASYON PANUTO: Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay payak, maylapi,
inuulit o tambalan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________________ 21. Si Joseph ay narito kani-kanina lamang.


____________________ 22. Tungkulin natin ang tumulong sa mga kapus-palad.
____________________ 23. Pangarap ko ang maging isang doctor balang araw.
____________________ 24. Bughaw ang kulay ng langit.
____________________ 25. Ako ay inilibre ni Maria sa pamasahe sa dyip.

III. PAGTATAPAT-TAPAT PANUTO: Piliin ang sagot ng Hanay A sa Hanay B. Isulat sa malaking titik ang
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

Hanay A Hanay B

______ 26. Ito ay tulang naglalaman ng isang A. Saglit na Kasiglahan


maikling awit na pumupuri sa
Diyos. B. Anapora
______ 27. Ano ang kayarian ng salitang paruparo?
______ 28. Ito ay ang pinakadulong digri ng kaantasan C. Payak
ng pang-uri; maari itong negatibo o positibo.
______ 29. Ito ay uri ng pang-abay na nagsasaad ng D. Pag-uugnay
kung kalian ginawa ang kilos ng pandiwa.
______ 30. Anong elemento ng dulang pantanghalan E. Tambalan
ang nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa problema? F. Apologo
______ 31. Ang panitikang Hapones noong unang panahon
ay pawang katutubo. Ito ay gumagamit ng G. Inuulit na parsiyal
tagpuang nagpapakita ng payak at magkauring
lipunan. Anong uri ng pagpapatungkol ang H. Pasukdol
pangungusap na ito?
______ 32. Hindi malinaw kung saan nagmula ang I. Pamanahon
Kyogen, ngunit matutunton pa rin ang
pinagmulan nito mula sa mga sinaunang J. Dalit
pamamaraan ng relihiyosong pagsamba.
Anong uri ng Panandang Kohesyong K. Elehiya
Gramatikal ang ginamit sa pangungusap?
______ 33. Nakakalungkot mang sabihin ay hindi L. Katapora
maitatangging asal-hayop ang kanyang kapatid.
Ano ang kayarian ng salita ang may salungguhit M. Maylapi
sa pangungusap?
______ 34. Ang salitang lilima ay halimbawa ng N. Pamaraan
________________.
______ 35. Anong uri ng mailing kuwento na ang layunin ay O. Lantay
mangaral sa mga mambabasa.
______ 36. Sino ang sumulat ng tulang Kay Selya? P. Jose Corazon De Jesus
______ 37. Sino ang may-akda ng tulang Isang Punongkahoy
na halimbawa ng elehiya? Q. Francisco Baltazar
______ 38. Saang wika hinango ang pangalang Mahatma mula
sa Mahatma Gandhi? R. Kuwentong Pangkatauhan
______ 39. Sa uri ng kuwentong ito ay mas nangingibabaw ang
katauhan ng pangunahing tauhan? S. Sanskrit
______ 40. Ito ay mga panitikan na lumaganap sa pamamagitan
ng pagkukuwento. T. Panitikang Pasalindila

FILIPINO 9 | 3
IV. PAGTUTUKOY PANUTO: Tukuyin ang angkop na kaantasan ng pang-uri ang nararapat gamitin sa
pangungusap. Salungguhitan ang tamang sagot.

_____________ 41. Si Gary ay ang (magulo, mas magulo, pinakamagulo) na mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
_____________ 42. (Magara, Mas magara, Ubod ng gara) ng kotse ni Joaquin kaysa kay Manuel.
_____________ 43. Napansin ko na ang mga anak ni G. Luis ay (magagalang, kasinggalang, pinakamagalang).
_____________ 44. Ang buhok ni Lola Francia ay (maputi, kasimputi, napakaputi) ng balahibo ng tupa.
_____________ 45. (Maliit, Mas maliit, Napakaliit) ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng samapaguita.

V. PAGBIBIGAY-ARAL
Para sa bilang 46-50 (3 puntos)
Anong gintong aral ang iyong napulot mula sa akdang “Ang Pangarap ng Pangit na Prinsesa”?

VI. BUGTUNGAN Basahin nang mabuti ang bawat bugtong. Punan ng tamang titik ang bawat patlang upang
makuha ang tamang sagot.

K__ __ G __ 49. Ibong may bilog na mata. Pinakamatalino sa tingin ng iba.


__ L __ N __ __ A 50. Ang utusan kong si Pedrito, palaging mainit ang ulo.

BONUS QUESTION (3 puntos)


 Ano ang pinakacurious na letra?
__

 Ano ang nagiging puti kapag nadudumihan?


B __ __ C __ B __ __ R __

 Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na.


A__ __ __

Goodluck! God bless you!


FILIPINO 9 | 4

You might also like