You are on page 1of 4

KAUGNAY NA REBYUNG LITERATURA

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay pagsasaad ng mga literatura at

pag-aaral na may kinalaman sa kasalukuyang isinatuparang saliksik. Ang mga

importanteng konsepto ay inilahad sa tematikong pamamaraan at ang mga sinopsis ng

mga nabasa na mananaliksik ang batayan.

Pag-uunawa sa gawi

Ang gawi ay tinatawag na pang araw-araw na ginagawa o habit ng isang tao. Ayon

kay Dunza (2017) ang gawi ay tumutukoy sa mga araw-araw na bagay na nakasanayan na ng

isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mgagumagawa ng isang gawi ay

maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang lugar.

Mga gawi na nakaaapekto sa pag-aaral

Maraming mga gawain na nakaaapekto sa pag-aaral na siyang nakasisiira o

nakaaabala sa kanilang pag-aaral.. Ayon kay Rizal Science Section (2011) narito ang mga

gawi na nakaaapekto sa pag-aaral: Ang makabagong teknolohiya ang pinakamaling datos na

nakaaapekto. Nasabi rito ang teknolohiya ang minsan pinagpupuyatan. Ito rin ang dahilan

kung bakit nawawala ang konsentrasyon, nagiging tamad at pagbaba ng grado ng mag-aaral.

Inilahad rin ng Rizal Science Section (2011), ang barkada. Dito minsan nakakatagpo

kang magdadala sa’yo sa masamang gawain o masamang bisyo na dahilan ng pagkawala ng

interes sa pag-aaral at mas malala pa ang pagsira ng buhay. Nasabi rin sa Rizal Science

Section (2011), ay ang may isang bukod tanging nagsabing ang pamilya ay isang bagay na

nakaaapekto sa kanyangpokus sa pag-aaral. Sa pag-aaway ng mga magulang, nagugulo ang

isipan ng isang estudyante na minsan ay napapaisip upang tumigil nalang sa pag-aaral.

8
Mga naidudulot ng impluwensya ng mga barkada sa pag-aaral

Ayon kay AirelleMurillooyfu2k (2018), wala naman masamang naidudulot ang

barkada, kung paano mo manipulahin ang iyong sitwasyon kung masama ba o mabuti.

Ang pagkakaroon ng barkada ay parang pagkakaroon ng masasandalan kung nahihiya

ka man magbukas ng saloobin sa mga magulang mo. Ang mga barkada ang tipong for

better and for worst kase di buo ang buhay mo kung walang barkada. Parang walang

kasiyahan kung walang kalungkutan. Walang bumabagsak kung walang tagumpay.

Marami na ring napatunayan na malaki ang epekto sa pag-aaral ang barkada o

kaibigan tulad na lang ng isasama ka sa kalokohan nila at hindi mo namamalayan

nasisira na ng estudyante ang kanilang pag-aaral.

Mga naidudulot sa pagtangkilik sa paggamit ng teknolohiya sa mga mag-aaral

Ayon kay Abante Tonite (2017). tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na,

kung saan nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao. Ang teknolohiya ay isang

imbensyon sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang

pang-araw-araw na gawain ng tao.

Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga bagong

teknolohiya gaya ng cellphone, computer, iPod, MP3, MP4 at iba pa. May iilan na

nagtatalo kung nakabubuti o nakasasama ba ang epekto ng teknolohiya sa ating

lipunan.

Ngunit marami rin namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang

nagbibigay ito ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Filipino. Ngumit minsan ay

9
nasobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa

hapag-kainan ang buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone.

Mga positibo at negatibong epekto ng teknolohiya

Ang teknolohiya ay may magandang naidudulot sa pag-aaral. Ayon kay Abante

Tonate (2017) narito ang mga ilan na positibong epekto sa pagtangkilik sa paggamit ng

teknolohiya

1. Mabilis ang pagresponde sa mga kaganapan.

2. Mabilis na pag-konek sa mga tao (kahit malayo).

3. Magandang panlibangan.

4. Marami at mabilis na pagbibigay ng impormasyon.

5. Nakakapagalawak ng imahinasyon ang paggamit ng teknolohiya lalo na sa

klase.

Nariyan ang mga iilang positibong epekto nanaidudulot sa pag-aaral ng mga

mag-aaral. Ayon na naman kay Abante Tonate (2017) narito rin ang mga posibleng

negatibong epekto sa pagtangkilik sa paggamit ng teknolohiya:

1. Maaaring magamit sa karahasan.

2. Maaaring makasira sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa offline at online

games.

3. Nagiging tamad ang mga tao.

4. Pagkakulong sa gadgets ay nagiging addiction.

5. Nakakasira ng kalusugan ang madalas na paggamit ng teknolohiya dahil sa

radiation.

10
6. Maaaring sumakit ang ulo sa matagal na pagkababad sa kompyuter.

Ang mga mag-aaral ang lubos na apektado ng mga negatibong epekto sa

pagtangkilik sa paggamit ng teknolohiya. Karamihan na ay napapabayaan na ang

kanilang pag-aaral dahil naaadik na sa paglalaro ng iba’t-ibang teknolohiya.

Pagkawalang pokus sa isang partikular na gawain ay dahilan ng paggugol ng labis

na oras sa paggamit nito. Nakabase nalang ang mga estudyante sa teknolohiya at

internet imbis na sa normal na pagkatuto tulad ng pagsisiyasat sa mga libro.

11

You might also like