You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

MODIPIKADONG TALA NG ARAWANG ARALIN SA FILIPINO

Paksa: Social Media: Indibidwal na identidad tungo sa kolektibong pagdanas


Petsa: Setyembre 12, 2018 | 12:30 – 1:30 ng hapon
Pangkat: Grade 11 - HUMSS

I. LAYUNIN
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga
A. Pamantayang
lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa
Nilalaman
lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
Nababatid ang kahulugan at kahalagahan ng social media; at
B. Pamantayan sa
Naipaliliwanag ang mahalagang papel ng social media sa
Pagganap
paghubog ng pansarili at panlipunang identidad
C. Mga Kasanayan
sa Pagkatuto Natutukoy ang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa
(Isulat ang code mga blog, social media posts at iba pa.
ng bawat
kasanayan) F11PB – IIa – 96
Social Media: Indibidwal na identidad tungo sa kolektibong
II. NILALAMAN
pagdanas
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang
Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
powerpoint presentation
kagamitan
sample video
mula sa portal
grabbed photos
na Learning
folk song
Resources
B. Iba pang T.V.
Kagamitang speaker
Panturo laptop
IV. PAMAMARAAN

SIMULAN NATIN
A. Balik-Aral sa
 Panalangin
nakaraang
 Pagsasaayos ng silid-aralan
aralin at/o
 Pagbati
pagsisimula ng
bagong aralin
KRA 5.3 (Classroom management – setting house rules)

1|Modipikadong Tala ng Arawang Aralin sa Filipino


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

LARUIN NATIN
Pagsasagawa ng maikling gawaing palaro na tatawaging ‘Family
Feud’
 Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat
 Ilalahad ng guro ang mga panuntunan para sa nasabing
gawain
 Pagbibigay ng isang kategorya sa pamamagitan ng
katanungan na ang kasagutan ay batay sa isinagawang
pananaliksik ng isang blog na 24/7 wall street noong
taong 2016
 Ang may pinakamaraming puntos na makukuha ng isang
pangkat ay siyang mananalong pangkat

KRA 5.1 (Classroom management – providing motivation)


SIPATIN NATIN
B. Paghahabi sa
Pagbibigay katanungan sa mga mag-aaral patungkol sa
layunin ng
isinagawang gawain.
aralin
 Ano ang masasabi mo sa naisakatuparang gawain?
TINGNAN NATIN
Pagpapakita ng ilang larawang sumikat o nakilala sa
pamamagitan ng social media. Sa pamamagitan nito, hihingin ng
C. Pag-uugnay ng guro ang bawat opinyon ng ilang mag-aaral sa paraang kung
mga halimbawa paano sila nakilala at nabigyang-pansin sa mundo ng social
sa bagong media.
aralin
(Grapikong Presentasyon)
KRA 5.4 (Classroom management – allowing learners to
express ideas)
PAG-USAPAN NATIN
Pagsisimula ng talakayan patungkol sa social media.
 Bago pa man ibigay ang kahulugan nito, hahayaan muna
ang ilang mag-aaral na makapagbigay ng kanilang
D. Pagtalakay ng nalalaman tungkol sa social media.
bagong  Magsisimula ang guro na talakayin ang social media.
konsepto at  Magpapakita ng ilang halimbawang posts ang guro
paglalahad ng tungkol sa kung paano ginamit ang social media ng ilang
bagong personalidad sa showbiz. Maglalahad ng ilang gabay na
kasanayan #1 katanungan ang guro sa pagsusuri at pagbibigay
reaksyon patungkol dito.
- Ano ang isinasaad ng bawat nabasang pahayag?
- Paano ito nakaapekto sa iyo bilang gumagamit ng
social media?
PANUORIN NATIN
Pagpapanuod sa mga mag-aaral ng isang video clip.
E. Pagtalakay ng  Hihingin ng guro ang opinyon ng klase sa pamamagitan
bagong ng emoji
konsepto at  Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang bigyang
paglalahad ng katuturan ang emosyong inilapat nila matapos panunorin
bagong ang video clip
kasanayan #2
KRA 9 (ICT Integration)
(Video Analysis)

2|Modipikadong Tala ng Arawang Aralin sa Filipino


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

KRA 5.5 (Classroom management – ensuring active


participation)
TALAKAYIN NATIN
Tatalakayin ng guro ang pagtatanghal ng indibidwal na
identidad ayon kina Gosling, et. al.
 Paghahain ng guro ng isang kataga mula kay Narendra
Modi, “tinatanggal ng social media ang mga panlipunang
hadlang. Iniuugnay nito ang mga tao sa kanilang
kahalagahan, hindi sa kanilang pagkakakilanlan.”
 Pagbibigay katuturan ng guro sa dalawang bagay na
dapat mabatid ng gumagamit ng social media.
1. Identity claims
 Mga bagay na pinipili batay sa kung paano natin
nais tayong maunawaan ng iba
 Intensiyon na pagpapamalas ng gawi
 May kamalayan sa nililikha nitong imahen at
pagpapakahulugan sa publiko
2. Behavioral residue
 Mga pahiwatig na nag-iiwan ng puwang bilang
resulta ng ating mga gawi at pag-uugali
 Hindi direktang nagpapamalas ng kanyang
identidad
 Walang kamalayan sa nililikha nitong imahen at
pagpapakahulugan sa publiko

KRA 9 (ICT Integration)


TANDAAN NATIN
Sa konteksto ng social media, mahalaga ang kritikal na pag-
unawa at pagbasa sa kalakarang ito upang makabuluhan at
responsableng magamit sa pagpapahayag ng sarili at maitaas
ang diskursong personal sa panlipunang kapakinabangan.
AWITIN NATIN
Sa lubos na kabatiran ng kritikal na pag-unawa, magbibigay ng
halimbawang tagalog na folk song ang guro upang malinaw na
maipaliwanag ito.

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang

Santo Niño sa Pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

3|Modipikadong Tala ng Arawang Aralin sa Filipino


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

Ale, ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

KRA 1 (Integrasyon sa asignaturang MAPEH)


(Think-Group-Share)
(Song Analysis – naipaliliwanag sa pamamagitan ng pansariling
pananaw batay sa pag-uugnay nito sa talakayan)
SUBUKIN NATIN
Itaas ang happy na emoji kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng katotohanan at sad face na emoji kung walang
katotohanan.
1. Mahalaga ang kritikal na pag-unawa at pagbasa sa
mga online na nailathalang sulatin.
2. Kinakailangang mahubog ang indibidwalistikong
F. Paglinang sa identidad sa digital na mundo tungo sa kolektibong
kabihasaan pagdanas sa realistikong kalagayang panlipunan.
(tungo sa 3. Lumilinang ng pansariling kakayahan na tumutulong
Formative upang mapaunlad ang behavioral residue ng isang
Assessment) tao.
4. Ang identity claims ay nagpapabago sa kalidad ng
isang tao sa pag-iisip at sa pag-unawa sa mga bagay-
bagay na makikita sa social media.
5. Behikulo sa pagsira ng panitikan at kultura sa
larangan ng pagsulat at pagbasa.

KRA 7 (Developmentally Sequenced Instruction)


GAMITIN NATIN
G. Paglalapat ng Bilang isang responsableng mag-aaral na may kaalaman
aralin sa pang- pagdating sa usaping pang-social media, paano mo ito gagamitin
araw-araw na ng tama na naaayon sa tinalakay natin ngayong araw?
buhay
KRA 3 (Critical/Creative Thinking)
Pagtatawag ng guro sa ilang mag-aaral upang magbigay ng
kanilang natutuhan hinggil sa Social Media: indibidwal na
H. Paglalahat ng identidad tungo sa kolektibong pagdanas.
Aralin
KRA 2 (Literacy skill – nakapagpapaliwanag at
nakapagpapahayag)
GAWIN NATIN
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat ayon sa nakaatang na
gawain. Mamarkahan ang bawat pangkat sa pamamagitan ng
inihandang pamantayan ng guro. Magiging bukas ang pagbibigay
ng komento/suhestyon sa isasagawang gawain ng bawat
I. Pagtataya ng pangkat sa pagkakataon ng pagtatanghal ng kanilang gawa.
Aralin
Tema ng gawain: Paglinang ng kritikal na pag-unawa sa
paggamit ng kabataan ng social media
Unang Pangkat: Paglikha ng isang simpleng ilustrasyon
Ikalawang Pangkat: Paglikha ng islogan
Ikatlong Pangkat: Pagsulat ng pick-up line/hugot line

4|Modipikadong Tala ng Arawang Aralin sa Filipino


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

Ikaapat na Pangkat: Paggawa ng ‘meme’

May
Paghusayin
Napakahusay Mahusay katamtamang
PAMANTAYAN (5) (4) husay
pa
(2)
(3)
Presentasyon
Konsepto
Pagkamalikhain
Kabuuan

KRA 4 (Kooperatibong Gawain)


KRA 6 (Differentiated Output)
KRA 10 (Performance Task)
J. Karagdagang
gawain para sa DAGDAGAN NATIN
takdang aralin Magtala ng limang (5) Etika sa Paggamit ng Social Media.
at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mga mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Aling sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonana sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?

Inihanda ni:

BRYAN R. CAPANGPANGAN
Guro I – Filipino

Inobersabahan ni:

MA. MERLITA G. MAROLLANO


Master Teacher I

Ipinagtibay ni:

ROSALIA M. PAZ
Katuwang na Punong Guro II – SHS Department

5|Modipikadong Tala ng Arawang Aralin sa Filipino

You might also like