You are on page 1of 7

DITO PO SA AMING BAYAN

( BAYAN NG DEL GALLEGO )

SCENE 1:

ISANG SELEBRASYON. PAGDATING NG PANGULONG M.L. QUEZON AT DON JUAN DEL GALLEGO. MGA
TAONG NAGKAKASIYAHAN AT NAGDIRIWANG. (SOUND: MABUHAY BRASS BAND )

VOICE OVER: Mga kababayan, Ang Kagalang galangang Presidente Manuel Luiz Quezon at ang ating
minamahal na Don Juan Del Gallego. (Isang Masigabong Palakpakan)

P. Quezon: Ang gintong pakong ito na aking ibabaon sa tulay ng Kilbay na magsusugpong sa Bikol at
Quezon ang syang magiging intrumento ng pag-unlad ng kalakalan sa lugar na ito. Sa araw ding ito ay
idinideklara ko, sa bisa ng kapangyarihang nakaatang sa akin, na ang Barangay Danawin ng Ragay,
Camarines Sur ay magiging isang ganap nang bayan at ito ay tatawaging BAYANG NG DEL GALLEGO.

Don Juan: Gracias el presidente, Gracias por toda su ayuda. Dahil sa iyong tulong ay mas magiging bukas
na ang kalakalan sa bayang ito. Estoy feliz sapagkat ito ay hudyat na ng aming pag-unlad. Pag-unlad na
tatamasain ng mga susunod pang henerasyon. Olla Nuestra Patria. Olla Del Gallego.

Mga tao: Mabuhay ang Bayan ng Del Gallego!!!

Don Juan: Gracias Padre, sa inyong pakikiisa at suporta para sa ating selebrasyon.

Pari: Maraming salamat po Don Juan. Misyon ko pong paglingkuran ang taong bayan at palaganapin ang
salita ng Diyos.

Don Juan: Walang anuman. Sige at ipagdiwang natin ang ating kapistahan.

( Lalapit si Don Juan sa mga Magsasaka )

Don Juan: Kumusta ang inyong mga pananim?

Magsasaka: Ayos naman po Don Juan. Sagana po ang ating mga pananim. Sa susunod na buwan po ay
maaari na tayong umani.

Don: Juan: Ikinagagalak kong marinig yan.

( Lalapit si Don Juan sa mga Mangingisda )

Bata: Mano po Don Juan.

Don Juan: Pagpalain ka ng Diyos Hija. Kumusta ang ating pangisdaan? (Babaling sa Ama ng Bata)
Mangingisda: Sagana po tayo sa ating yamang tubig at marami po tayong nahuhuling mga isda na
ipinagbibili po namin sa mga karatig bayan at binibislad ng aking maybahay.

Don Juan: Salamat sa inyong pakikiisa.

Manginigsda: Sa inyo rin po Don Juan. Maraming salamat po sa inyong suporta.

( Lalapit si Don Juan sa mga manggagawa ng banig )

Manggagawa 1: Magandang araw po Don Juan.

Don Juan: Magandang araw din. Malakas ba ang produksyon ng ating mga manggagawa?

Manggagawa 2: Opo. Ito po ay dahil narin sa dedikasyon ng bawat isa at sa walang sawang suporta ng
gobyerno.

Don Juan: Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan at tayo’y hindi pababayaan ng Poong Maykapal.

( Lalapit ang isang photographer na kumukuha ng litrato ng mga tanawin sa bayan. )

Photographer: Don Juan, nakatutuwa pong pagmasdan ang magagandang tanawin sa ating bayan. Tiyak
pong ito’y magiging patok sa mga dayuhan maging sa ating mga karatig bayan.

Don Juan: Ito’y regalo sa atin ng Diyos. Sapagkat tayo ay may matibay na pananalig sa Kanya at tayo’y
nagmamahalan at nagkakaisa.

( Patuloy ang kasiyahan. At lalabas na si Don Juan )

Bata: Ito ang aking bayan, ang bayang aking sinilangan. Ang buhay dito ay umiikot sa pagkakaisa,
pagmamahalan at pananalig sa Poong Maykapal. Biniyayaan tayo ng mayamang lupa at karagatan,
maging makasaysayang pook at magagandang tanawin ay ating tinatamasa. Kasabay sa pagsikat ng araw,
ang pagdungaw ng bagong pag-asa, kaunlaran at kasaganaan.

Mayora: At sa mabilis na paglipas ng maraming taon, ang kaunlaran ay patuloy nating nalalasap, ang
progreso at pag-unlad ay ating tinatamasa.

Bata at Mayora: Ito ang bayan ko, ang Bayan ng Del Gallego.

SCENE 2

(Papasok ang mga rebelde. Magkakagulo ang lahat.)


Magsasaka: Mga kasama, may mga armadong paparating. Magsitago kayo, bilis!!!
Rebelde: Sino dito sa inyo ang espiya ng gobyerno? Sino? (pasigaw)
Ikaw! Ikaw ba? (Hahablutin sa ulo ang lalaki)

Mangigisda: Hindi po! Hindi po ako! Hindi po ako! (Takot na takot ang boses at pinipilit alisin sa ulo ang
kamay ng rebelde)

Rebelde: ( Titingin sa mga tao ) Inuulit ko. Sino sa inyo dito ang espiya ng Gobyerno? Sa pagbilang ko
ng tatlo at wala pa ring umamin, pasasabugin ko ang bungo ng taong ito. (Sabay babaling ulit sa
manginigsda)
Sino??? Isa!
Manginigsda; Hindi po ako. Parang awa nyo na po. Wala po akong alam sa sinasabi ninyo. (Takot na
takot at nangiyak ngiyak ang boses)

Rebelde: Dalawa! (Magkakagulo ang mga tao) ( iiyak ang asawa at anak ng manginigsda ) Tatlo!
(Putok ng baril)

Asawa: Asawa ko! (sisigaw at hahagulhol ng iyak )

Rebelde: Sa susunod at wala pa ring umamin kung sino ang espiya ng gobyerno. Matutulad kayo sa
kahangalan ng taong ito.
( Magpapaputok ng baril ang mga armado at iiwan ang taong bayang punong-puno ng pagkabigla
at paghihinagpis)

Anak: Itay! Itay! Itay ko! (Patakbong pupuntahan ng Mag-ina ang lalaki)

Asawa: Tulungan nyo kami! Tulungan nyo kami! (pahagulhol) Nasaan ang hustisyaaa? (sisigaw ng
malakas)

(pagtutulungan buhatin ng mga tao ang biktima at lalabas kasama ang asawa at anak na patuloy sa pag-
iyak)

SCENE 3

(Papasok ang mag-ina na nagkukumahog at nag-aalala.)

Ina: Mga kababayan, Buksan ninyo ang inyong mga radyo, may napakalakas daw na bagyo na tatama
dito sa ating lugar.

( Magkakagulo ang mga tao. Lalabas ang lahat maliban sa mag-ina )

Ina: Anak, nakahanda na ba ng mga de lata?


Anak: Opo inay.
Ina: ang mga damit ta?
Anak: Sya na po ‘nay. ( nababahala ) Nay tara na po. Umalis na tayo. Natatakot na po ako sa lakas ng
kulog at kidlat.
Inay: Teka lang nak, malapit na ito.
Anak: Nay bilis na po, tumataas na ang tubig. (aligaga at hindi mapakali) Yah nay abot tuhod na po.
(hihigitin ang ina palabas)
Ina: Sige na anak mauna kana at bibitbitin ko muna ang mga gamit natin. Sige na, mauna ka na at susunod
ako.
(Aalis na ang bata ng napipilitan)
Anak; Inay bilisan nyo po (at tatalima na ang ina ) Inay may malaking kahoy na paparating, umilag po
kayo.
(tatamaan ang ina ng kahoy at kasama na itong madadala ng agos ng tubig)
Anak: Inaaaaay! (pahagulhol na tawag sa tuluyan ng nawalang ina at biglang mawawalan ng malay)

SCENE 4

( Papasok ang magsasaka )

Magsasaka: Mga pananim ko! Ang mga pananim ko nasira ng lahat.

Asawa: O Diyos ko! Anong klaseng delubyo ito? Nasira na ang lahat sa amin.

( Papasok ang manginigsda)

Anak: Inay! Ang mga gamit natin sa pangingisda nangawala na.

Ina: Lahat na nawala sa atin anak. (yayakapin ang anak) Anong kasalanan namin? Bakit sa amin
nangyayari ito?

( Papasok ang photographer)

Photographer: Ang bahay ko. Bakit? Nasira na ang bahay kooo!

(Papasok ang isa pang babae)

Babae: Ang anak ko! Nasaan na ang anak ko! Nawawala ang anak ko ( Umiiyak habang humahangos. At
biglang matitigilan) Anak! (Lalapitan ang wala ng buhay na sanggol) Anak, gumising ka, anak! Wala ng
buhay ang anak ko! ( Hahagulhol) Ang kawawa kong anak!

(papasok ang Pari)

Pari: O Diyos ko! Anong pagsubok ito? Bakit mo hinayaang mangyari sa amin ito?
(Magigising ang Anak at hahanapin ang nawawalang ina)
Anak: inay! Inay! (Hahanapin ang ina) (Makikita ang wala ng buhay na ina
Inay! Ang Inay ko! Bakit mo ako inawan inay? Paano na ako ngayong wala ka na?(hahagulhol)

Ina ng namatay na sanggol; Kung totoo ka! Bakit mo hinayaang mangyari sa amin ito? Asan ka na? Asan
na ang bayang sinasabing biniyayaan mo ng yaman? Asan na ang mga taong sinasabing nagtutulungan
at nagmamahalan? Lahat ay nawala na! Wala ng lahat dahil pinabayaan Mo kami!!!

Photographer: Umalis na tayo sa bayang ito. Ang bayang ito ay hindi na muli pang makakabangon. Ang
bayang ito ay isinumpa!

Mga tao; Tama siya! Magsialis na tayo dito.

Anak ng nanginigsda: Wag! Wag ninyong sabihin yan! Hindo totoo yan! Wag ninyong gagawin yan!

Ina ng sanggol: Palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan.

Anak ng mangingisda: Nawalan din ako. Nawalan ako ng isang ama. Nawala nang lahat sa amin ng aking
ina. At ayokong mawala maging ang natitira kong pag-asa.

Nakita ko ang dedikasyon ninyong lahat sa inyong mga trabaho. Ibinuhos ninyo ang inyong
panahon at buhay upang paunlarin ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Nakita ko kung gaano
katibay ang inyong pananalig sa Kanya. Nang dahil ba sa isang pagsubok na ito ay tatalikuran na lamang
natin Sya?

Bata pa ako. OO, maaaring bata lamang ako sa inyong paningin. Ngunit meron akong magagawa. Sama-
sama at tulong-tulong tayong lagpasan ang pagsubok na ito. Kung aalis tayo, sino pa ang tutulong sa ating
bayan upang makabangon sa kapinsalaan? Kung hindi ngayon, kalian pa? kung hindi tayo, sino na?

Simulan ulit nating magtanim upang mamunga ito ng masagana. (Lalapit sa mga magsasaka) (Lalabas ang
mga magsasaka ng mga nakangiti)

Ganoon din sa pangingisda, at hindi tayo pagkakaitan ng Diyos ng Kanyang biyaya.

Maging ang lakas paggawa ay ating patatagin, dito ay sigurado ang pag-unlad natin.

Ipagpatuloy natin ang pagpapayabong at pagpapa-unlad ng magagandang tanawin sapagkat ito ay sa atin.
Higit sa lahat, wag tayong mawawalan ng pananalig sa Poong Maykapal.

At ito ang simula ng muling pagbangon. (lalabas ang bata)

( Papasok at magkakasalubong ang dalawang lalaki )


Lalaki 1: Pare kumusta? Saan ang punta mo nyan?

Lalaki 2: Dyan lang pare, titingnan ko ang mga manggagawa dun sa bukid na ngayon ay nag-aani.

Lalaki 1: Ganon ba, halika muna dito sa bahay nang matikman mo ang espesyal na niluto ng iyong
kumare.

Lalaki 2: Sige pare at maya-maya ay yayakagin ko nmn ang mga tauhan ko na pumunta sa plaza upang
masaksihan nila ang selebrasyon na inihanda ng ating mayor.

Lalaki 1: Mabuti yan ng sila ay malibang. Kami rin ng pamilya ko ay pupunta sa plaza mamaya.

(Papasok ang dalawang babae na masayang nagkukwentuhan )

Babae 1: Pupunta ka ba sa plaza mamaya?

Babae 2: Oo naman, pinaghandaan ko ang araw na ito, aba! Balita ko ay may mga artista daw na darating

Babae 1: Kaya naman pala namumula na agad ang iyong tuka. (sabay tatawa)

Babae 2: Grabe ka naman sa akin. (matatawa din) Sige pano kita na lang tayo mamaya ha..Wag kang
mawawala.

( Papasok ang grupo ng kabataan na may mga dalang banderitas)

Bata 1: Chairman saan na namin ito ikakabit?

Chairman: Dito natin yan ikabit ng madaling Makita ng ating mga bisita.

Bata 2: Okey chairman, halina kayo mga katropa ng matapos na natin ito.

Chairman: Bilisan na natin at baka maya-maya ay dumating na sila Mayor.

(Background music..FIESTA) Papasok si Mayor.

VOICE-OVER: Mga kababayan, Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating minamahal na Mayor.

Mayora: Maraming salamat sa inyong pagdalo sa pagdiriwang ng ating anibersaryo. Napakabilis ng


paglipas ng panahon. Ako ay buhay na saksi sa masasaya at masasalimuot na pangyayari sa ating bayan.
Sa mga problema at pagsubok na nagtangkang pabagsakin ang ating paniniwala at pag-asa. Sa mga sakit
at hirap na lumukod sa ating matibay na pundasyon. Salamat na lamang at hindi tayo pinabayaan ng
Poong Maykapal. Hindi nya hinayaang tayo ay magapi ng mga pagsubok sa buhay. Hindi tayo hinayaang
malugmok ng tuluyan. Salamat din kay Don Juan Del Gallego dahil sa magandang pundasyon na itinanim
nya sa mga mamamayan ng bayang ito. Sa mga mamamayang hindi nagpatinag sa mga hamon ng buhay.
Dahil sa inyo tayo ay matibay at buo. Dahil sa inyo tayo mgayon ay masaya at masagana. Ang mga bagong
henerasyon ay patuloy na nagpupunyagi upang ipagpatuloy ang inyong nasimulan. At umaasa na kagaya
ninyo, anumang pagsubok ang kanilang kaharapin ay hindi sila padadaig. Mabuhay ang bayan ng Del
Gallego. Mabuhay tayon lahat.

Assistant ni Mayor: Mayora! Mayora! Tayo nap o at magsisimula na ang parade para sa pagdiriwang ng
ating kapistahan.

Mayora: Sige tayo na. Halina kayo at makiisa sa ating kapistahan. Halina kayo at simulant na natin ang
selebrasyon.

(Papasok ang banda at ang mga tao ay magsasayawan sa saliw ng tugtog ng banda. Lalabas na ang mga
tao kasama ng banda)

You might also like