You are on page 1of 1

SURING BASA

Ang suring basa na gagawin may anim na elemento: Pamagat, May-akda, Layunin ng May-akda, Buod,
Suri, at Pag-uugnay sa Kasalukuyan. Isulat sa BIBLIYOGRAPI ang pinaghanguan ng impormasyon kaugnay ng nobela
at may-akda. Ang bawat elemento ay kailangang isulat sa patalatang paraan maliban sa Pamagat at Bibliyograpi.
Gawing gabay ang sumusunod na tanong para sa bawat elemento:

1. May-akda – Ilahad sa bahaging ito ang impormasyon tungkol sa may-akda. Kabilang sa impormasyon ang
buhay niya at mga akdang kanyang isinulat.
2. Layunin ng May-akda – Sa bahaging ito bigyang-hinuha kung bakit naisulat ng may-akda ang nobela.
3. Buod – Ilto ay binubuo ng 10 pangungusap lamang.
4. Suri – Suriin ang mga tauhan, tagpuan at mga pangyayari. Ilahad ang ugnayan nito sa isa’t isa. Suriin din
ang estilo ng may-akda sa pagsulat ng nobela. Sa estilo, maaaring bigyan ng pansin ang gamit ng salita at
transisyon ng mga pangyayari.
5. Pag-uugnay sa Kasalukuyan – Pumili ng pangyayari sa nobela na maaaring iugnay sa kasalukuyan.

Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Suring Basa:

1. Gumamit ng short bond paper


2. Times New Roman 12, 1.5 espasyo
3. 1” ang palugit o margin
4. 3-5 pahina lamang
5. Maaaring maglagay ng larawan na may sukat na 2x2.

Ipapasa ang suring basa sa Agosto 10, 2018.

Pangalan: ______________________________ Petsa: _______________________

Baitang at Seksyon: _____________________

I. Pamagat

II. May-akda

III. Layunin ng May-akda

IV. Buod

V. Suri

VI. Pag-uugnay sa Kasalukuyan

Bibliyograpi

You might also like