You are on page 1of 3

EXECUTION OF DR.

JOSE RIZAL

Characters:

Jose Rizal – Mars

Gen. Luis Taviel de Andrade – Scott

Juez – Ate Jan

Doña Teodora Alonso – Ate Dianne

Governor General Polaviejo

Andres Bonifacio

Paciano Mercado

SCENE 1: COURT ROOM

Voice over (Black screen): Una kong narinig ang salitang “hindi makatarungan” mula sa aking kapatid na si Paciano
noong bata pa ako. Nung una ay ginagawa ko pa itong biro. Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti ko ng
naintindihan ang bigat ng salitang ito.

Gen. Luis Taviel de Andrade: Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na
rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng
kamatayan. Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa
Espaniya? Nagdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba niya, sa
harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman
ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang
pagkakamaling nagawa niya.

(Tatayo si Jose at magsasalita.)

Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong ibang iniisip
kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang pananatili ko sa Dapitan at
sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking
kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng
mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang
nakuha kong kapalit.

Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala
para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga kasalanang ipinupukol sa
akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili kong bayan.

(Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.)


Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal.

Este tribunal condena, don José Rizal Mercado Y. Alonso con la pena de muerte, así decretado y ordenado por el
tribunal ordinario marcial del cargo como testigo por el presidente y los miembros del tribunal (Ikaw, Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong panguupat ng
himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng kamatayan. (Papalo ang Juez.)

Voice over (Black Screen): Paano nga ba makakamit ang katarungan?

*Gun shot*

(Introduction video with casts; more on videos lang ng scenes with madrama and makalumang music)

SCENE 2: RIZAL’S PRISON CELL

General Andrade: Mga hayop!! (Tinapon ang mga papel na hawak sa harap ni Rizal at nagpatuloy) culos!

Rizal: Ngayon lang kita narinig magbanggit ng mga ganyang salita, Taviel. Mukhang bihasa ka diyan.

Andrade: Hindi makatarungan ang nangyari! Hindi nila tayo binigyan ng pagkakataon upang depensahan ang kaso!
Minanipula nila ang kaso! Ginamit lang nila tayo!

Rizal: Bakit ikaw pa itong galit eh ako naman itong mamamatay?

Andrade: Mabuti at nakuha mo pang magbiro.

Rizal: Luis..

Andrade: Tama na! Magbibitaw na ako sa trabaho ko sa gobyerno. Babalik na ako sa Espanya! Nahihiya ako sayo.
Nahihiya ako sa inyong lahat.

Rizal: Bakit?

Andrade: Dahil ako’y nabigo.

Narrator: A moment of silence comes across between the two and Rizal stands up to pat Lt. Andrade on his right
shoulder and spoke…

Rizal: Hindi ka isang Espanyol Taviel, pareho lang tayo.

SCENE 3: DOÑA TEODORA BEGS GOV. GENERAL POLAVIEJO FOR HELP

Narrator: Meanwhile, at the house of Governor General Polavieja, Doña Teodora Alonso with teary eyes and fear he
approaches the guards and speaks…

Teodora Alonso: Pasintabi Señor, maaari ko bang makausap si Gov. Polaviejo, gusto ko lang humingi ng tulong sa
kanya para sa anak kong si Rizal.

Guard: Walang panahon ang gobernador para diyan! Layas!

Teodora: Parang awa niyo na! Siya na lang ang natitirang pag-asa naming upang mailigtas ang anak ko!

Guard: Señora, bor pabor!


(After hearing the word pabor, the Governor General comes down and walks his way towards the door where Doña
Alonso was trying to plead for help from him. As he approaches halfway to the door, the guards let her enter the
place and quickly she approached the governor begging…)

Teodora: Gobernador! Gobernador! Gobernador...

General Polaviejo: Senyora, bor pabor!... No tengo tiempo

Teodora: Magkaroon kayo ng awa Gobernador, Parang awa niyo na, Nagmamakaawa ako sainyou… (hands over an
envelope to the governor while begging and speaks…) para sa anak kong si Jose Rizal.

Governor – General Camilo de Polavieja: (gets the envelope and speaks…) Lo Siento (and the governor continues to
walk his way through the door of his house, leaving the mother of Dr. Rizal grieving for his expected death)

SCENE 4: THE GATHERING OF THE KATIPUNEROS

Meanwhile, at the gathering of the KKK, Andres Bonifacio exclaims…

Andres Bonifacio: Sasakupin natin ang mga Espanyol sa lalong madaling panahon, ililigtas natin si Dr. Jose Rizal!
Mabuhay si Dr. Jose Rizal!

Katipuneros: Mabuhay si Dr. Jose Rizal!! Mabuhay si Dr. Jose Rizal!! Mabuhay si Dr. Jose Rizal!!

Paciano: Saglit lang! Kumalma muna kayo! Saglit! Kumalma muna kayo! Mahigpit ang mga bantay sa aking kapatid.
Nakahanda ang mga Espanyol sa kahit sa kahit anong plano sa pagliligtas sa aking kapatid.

Andres Bonifacio: At kami din! Hindi kami natatakot sa kanila! Mga kapwa kong katipunero, hanggang sa kamatayan
para kay Dr. Jose Rizal!

Paciano: Saglit lang! Kumalma muna kayo! Saglit! Kumalma muna kayo! Kahit ako, gusto kong iligtas ang mahal kong
kapatid na si Rizal, pero si Rizal mismo ay ayaw na itaya ang mga buhay natin na walang laban sa mga Espanya...
Nakasalalay na ngayon ang buhay ni Pepe sa kamay ng Diyos...Wala na tayong magagawa duon...

(Paciano looks at Andres Bonifacio and bonifacio pats paciano on his right shoulder…)

SCENE 5: RIZAL’S LOVE ONES PAYS HIM A VISIT BEFORE HIS DEATH

DECEMBER 29, 1896 Dr. Jose Rizal was then taken to the chapel where he was to await the dawn of the day that
would bring his death. Since then, visitors came to see him before his destined death… It was then on that he started
to write letters, particularly to his family, to his dear brother Paciano which reads…

(While Rizal on the stage acts as if he’s writing the narrator reads the letter of Rizal to Paciano…)

You might also like