You are on page 1of 2

Ang Agrikultura sa Timog Asya

Agrikultural ang mga bansa sa Timog Asya.Pinasasagana ng Ganges River ang Gangetic
Plain ng India kung kaya’t ito ay katatagpuan ng malaking bilang ng populasyon.Ang
dalawa pang ilog ng bansa ay ang Brahmaputra at Indus.Ang malawak na lambak ng
Indus, Ganges, at Brahmaputra ay kabilang sa pinaka matabang kapatagang sakahan sa
daigdig.Dahil ditto, ang mga lupaing ito ay tinaguriang Pusong Lupaing ng India” at
kinikilalang pinagmulan ng sinaunang kabihasnan.

Samantala,ang masaganang kapatagan naman sa Pakistan ay matatagpuan sa


Punjab.Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng limang sangang Indus River.Tulad ng mga
taga-India,ang mga Pakistani ay karaniwang mga mag sasaka.Bunsod nito, ang higit na
nakararaming populasyon ng bansa ay naninirahan sa kapatagang halos dalawamput-
walong pursyentong bahagdang lupain ng bansa.

Ang kalakhang teritoryo naman ng Bangladesh ay nakalatag sa mababa at matabang


delta ng mga ilog ng Ganges,Jammu,at Meghna.Agrikultura ang pinaka mahalagang
sector ng ekonomiya ng bansa. Ang mahabang panahon ng pagpapatubo ng pananim at
ang masaganang pag bagsak ng ulang nababahagi sa loob ng buong taon ay tunay na
naaangkop sa pagpapalago ng palay at jute sa lupain.Ang Bangladesh ang pangunahing
prodyuser ng hilaw na materyales na jute ay hibla ng gulay na napahahaba ng hanggang
apat na metro. Karaniwang gamit ito sa pag gawa ng lubid,tela, bag, at iba pang uri ng
gamit sa bahay.Ang jute ay tumutubo lamang sa mauulan na lupaing tulad ng
Bangladesh.Dahil sa lubos na kapakinabangang dulot ng jute sa bansa, ito ay tinaguriang
“golden fiber”.

Pag sasaka at pag hahayupan naman ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-
bhutan at taga Nepal.Nakasalalay sa pag sasaka ang mag walumpung bansa.Bigas ang
pangunahing ani ng mga bansang ito.Dagdag pa rito ay prodyuser din sila ng
trigo,mais,barley,mga prutas na citrus ,tubo,at jute.Ang mga magsasaka sa dalawang
bansang ito ay nag papastol din ng mga baka ,tupa, at kambing.Sa mga hayop na ito nag
mumula ang mga produktong dairy na iniluluwas pa nila sa ibat-ibang bansa.
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-
singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para
gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.

Ang kultura o kalinangan tumutukoy sa araw-araw na pangkabuhayan ng isang grupo. sa


pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na
kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung
paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin
sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng
sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa
kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba
pa.

Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area:
ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura,
produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo
ng areang ito.

You might also like