You are on page 1of 5

Page 1.

Mabuhay! Tuloy po kayo sa aking tahanan


May makulay na bahura at saganang palaisdaan

Nais kong ipakilala, ako at ang aking mga kaibigan


Kami ang tropang nangangalaga sa ating karagatan

Ako si stanley, isang hammerhead na pating


Ang ulo ko ay parang martilyo sa paningin
Page 2.
Eto naman si tigre, na may malalaki at matatalas na ngipin
Parang laging gutom at naghahanap ng isdang makakain
Page 3.
Pero wala siyang panama sa butanding na si Ding
Kasing laki siya ng bus dahil mas marami siyang kumain

Kailangan lang niyang ibuka ang kanyang bunganga


At ang mga plankton ay wala ng magawa .... waaaaahhhhh
Page 4.
Whack! Malakas ang tunog na parang hagupit
Ito ay galing sa buntot ni tala, na mahaba’t malupit

Kaya nitong magparalisa ng isdang maliliit


Wag kayong lalapit, matamaan ka nito’y medyo masakit
Page 5.
Siya namang pagdating, ang panghuli sa barkada
Si Wacky ang white tip na madalas gumala

Halika na mga Tropa! Tayo ay lumangoy at maglakbay


Sa malallakas na alon at mabilis na agos, tayo’y sumabay
Page 6.
Kaya nga’t kami’y umalis sa aming tahanan
At dun nagpunta sa mga malalim na karagatan

Dun namin nakilala at nakasama, iba’t ibang nilalalang


Nakipaglaro, nakipagkuwentuhan at meron ding kantahan

Panay ang talon ni lumba-lumba


Nagsosolo sa pagkanta si balyena

Si dugong ... nagpagulong-gulong


Habang ang mga pawikan ... nagtutulakan
Page 7.
Ngunit habang sila napapalayo
Nag-iiba ang kanilang napagtanto

Kakaiba ang dagat, parang ito ay may sakit


Parang mas gusto na nilang ang mata’y ipikit

Sa kanilang kaliwa, kumpol ng plastik at basura


Sa kabila naman nakalaylay, lambat na parang kurtina

Saka nila narinig, barkong napadaan


Hila-hila ang lambat sa kanilang dinadaanan

Ang barkada ay natakot at mabilis na lumangoy


Ngunit ang mga tuna sa lambat ay nananaghoy
Page 8.
Nakakatakot! Halika’t tayo’y umalis!
Dahil sa kaba, lumangoy sila ng mabilis

nagutom at napagod, kanilang nasambit


kailangang magsama-sama at magdikit-dikit

Ngunit sI tigreng pasaway ay may nakita


Kumikinang-kinang, nakaka-akit sa mata

Sabi niya: Yumyum! Gusto ko itong tikman


Huwag mong puntahan yan! ang sigaw ni Stan

Di mapigilan, ang bagay kanyang kinagat


Dahil dun, bibig niya’y nasabit at nasugat!
Page 9.
Ang hindi nila alam, ang kawit ay sadyang panghuli
Sa mga pating na maraming bumibili

Upang ang palikpik ay ilagay sa sabaw


At ang karne nito’y iprito, kinunot o kinilaw

Sa paghuli ng pating, mangingisda’s nagkakapera


Upang may mapakain sa pamilyang hirap na

Masamang balita ito sa ating kaibigang mga pating


Dahil hindi naman marami ang kanilang nagiging supling
Kaya’t kapag marami ang ating kinukuha at hinuhuli
May panganib na ang populasyon nila’s hindi na muling dumami
Page 10.
Biglang umakyat ang linya ng kawit
Kasama na dito si Tigreng nadawit

panaghoy ni Tigre “Hinihila nila ako pataas!”


Wag kang mag-alala! Tutulungan ka naming kumalas!

Tumulong si tala sa pag-alis ng kawit


Sa pamamagitan ng buntot niyang kay bilis

Nang si Tigre makawala, sila’y umalis


Para bumalik sa tahanan ng mabilis

Dahil ang mga karagatan ay lubang nanganganib


Kailangan nilang protektahan ang tahanang iniibig
Page 11.
Ngunit sila’y nabigla nung sila’y makarating
Ito’y ibang-iba sa kanilang paningin

Ang dating makulay na bahura, ngayo’y balot na ng lumot


Para itong may-sakit , na nangangailangan ng gamot!

Tambak ang basura, nababalutan ng langis


Wala na rin ang isdang dati’y naglilinis!

Anong nangyari? Ang tanong ng tropa.


Bakit nagkaganito ang aming bahura?
Page 12.
Sabi ni pawikan, “Mula na kayo’y mawala at umalis?”
Ang lugar na ito nagsimulang mapanis!

Nang malaman nila ang kwento , sila napatulala


Pero naisip nila, ibalik natin ang buhay ng bahura!

Pero hindi natin kayang kumpunihin ng mag-isa


Kailangan natin ang tao sa ating pakikibaka

Siya namang pagdating sa pampang ng dalawang kabataan


At ang mga palikpik ng mga tropa naman ay kanilang namataan
Bumalik ang pating sa ating karagatan!
Nang kayo’y nawala, kami’y nabahala

Nung kayo’y umalis, lahat ng isda’y biglang nawala


Laman ng tiyan namin ay naglahong parang bula
Page 14.
Kaya’t sila’y nagtulong-tulong
Paglilinis sa dagat ay isinulong

Nagtanim sila ng maliliit na bahura


Habang kinokolekta ang mga nakasingit na basura

Di naglaon, ang bahura’y muling nabuhay


Mas maganda at matitingkad ang mga kulay

Nagbalik na muli ang mga pawikan at mga isda


Lahat ay nagagalak, bata man o matanda

Siya namang pagdating ng mga turista


Na handang magbayad, makita lang ang mga pating at bahura

Dahil duon, Mga mangingisda’y may iba nang ikinabubuhay


Napagtanto nilang “Mas mahalaga ang mga pating ng buhay kesa patay”
Page 15.
Tinulungan mo kaming sagipin ang aming tahanan! Pasasalamat ni Stan
Ngunit ang iisang bahura ay hindi sapat dahil kami ay pakalat-kalat

Kailangan namin ang tulong niyo sa ibang lugar sa karagatan


Kung saan kami naglalakbay, kumakain at naninirahan

Ah alam ko na ang sabi ng mga kabataan


Sanktwaryo sa pating ang ating kailangan

Kung saan malayang makakalangoy ang mga pating


Na hindi hinuhuli para kainin

Kaya’t sila’y naglayag sa ibang isla


Upang ipamahagi ang kanilang idea
Page 16.
Mga lider ay kumbinsado na ang pating ay kakaiba
Di dapat hulihin, ang palikpik at katawan ay huwag ibenta
Ating protektahan upang sila dumami
Dahil kumokinti na ang kanilang mga uri

At ngayon sila ay nasa mercedes na


Matutulungan mo ba ang pating sa tahanan nila?

You might also like