Mga ibo't hayop, masasayang lahat; Pati mga puno at halamang gubat Pawang nagdiriwang, lahat ay may galak. Sa kabi-kabila ay naghahabulan Pipit, maya, tikling, loro, at kilyawan; Waring umaawit damo at halaman Dahilan sa udyok ng hanging amihan. Naririnig ito'y hindi nakikita Ng buto ng kasoy sa loob ng bunga; At kanyang nasambit ang matinding nasa, Kasabay ng daing at buntong hininga. Ako na ang butong pinakamaligaya Kung makalalabas sa loob ng bunga Aking maririnig at makikita pa Mga kagalaka't pagsasaya nila. Nagkataon namang Diwata'y dumating At kanyang narinig ang butong hiling Sa puno'y lumapit, bunga ay pinisil, Buto nitong kasoy lumabas noon din.
Binigkas ng buto ang pasasalamat
At ang diwata naman tuloy nang lumakad Ang munting buto ay galak na galak Ganito pala, aniya, daigdig sa labas. Natapos ang pista, saya't pagdiriwang Nabalik sa dati itong kagubatan; Tahimik nang lahat, puno at halaman, Mga ibon yata'y nagsipandayuhan.
Sa loob ng gubat, lahat ay tahimik;
Itong munting buto, waring naiinip; Walang anu-ano, hangin ay umihip Sama ng panahon sa gubat, sumapit.