Professional Documents
Culture Documents
ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat
kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa
bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan.
siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam
kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot
pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may
bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At
Noong unang panahon ay may isang matandang babae na naninirahan sa tabi ng ilog. Wala siyang
ginagawa kundi ang maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang kanyang mga pananim.
Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim. Ang matanda ay nagalit at pinalayas ang
bata.
Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan upang humingi ng tulong, agad
Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng madungis. Humingi siya ng
makakain. Nagalit ang matanda at pinalayas ang babaeng madungis. Nagalit ang diwata sa
Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka namang pananim na maaring
Sa ilang saglit ang matandang babae ay naglaho at ang lugar na dating kinatitirikan ng kanyang
Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong isang puno. Ang lahat ng taong
sanga. Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi nilaalam kung maaring kainin ito.
Isang binata ang napadaan at tinangkang kumain ng bunga ng puno. Itinapon nito agad ang
nasabing bunga pagkatikim dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay katulad ng
matandang madamot na dating nakatira sa lugar na iyon. Punung-puno ng bunga ang puno, ngunit
Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa. si aling Rosa ay may isang anak
na babae. Ito'y si Pinang. Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa
mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng
kanyang ina. Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay napilitan si Pinang
na gumawa sa gawaing bahay. Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad
naman itong kumilos ngunit kalaunay lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil napabayaang
nakasalang ang lugaw, namuo at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling
Rosa, kahit papaano nga nama'y napagsilbihan sya nito. Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos
sa bahay. Nung minsang magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa ina at nagtanong.
Nainis si aling Rosa. "Naku Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo
ang lahat ng bagay at nang hindi kana tanong ng tanong". Dahil sa inis ng ina ay tumahimik na
lang si Pinang. Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang nag-alala si
aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si Pinang. Napilitang bumangon at tawagin ang anak
ngunit walang lumapit sa kanya. Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa
ang isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong. Kalaunay namunga ito. Nagulat si
aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay tila maraming mata. Doon nya napagtanto ang huli nyang
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang
kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat,
luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may
manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na umusbong
na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang
taglay ay di maipaliwanag. Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang
kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na
hindi pinapansin ngayon at pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-
tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan. Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may
gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian
na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit
ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang
katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay. Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon
lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay
nag-iba ang kanyang anyo. Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni
upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay
ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang
kulay ay naging madilim na luntian. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami
ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa
ALAMAT NG MACOPA
Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at
maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga
Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at
masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin. Ganyan na lamang ang pagmamahal at
pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon
nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo
silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang kampanang ginto ay naging sagrado
at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng
masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang
mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng
simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang
tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana. Sa
kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan.
Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na
ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin! Nang dumating ang masasamang
loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo,
pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng
kampana. Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang
mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito
naroroon. Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang
buong dangal. Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan.
Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang
kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop. Lumipas ang
maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang
matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala
nang nalalaman tungkol doon. Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong
di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at
maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa
gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.
"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.
Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa
maraming kopa, doon sa makopa."
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.
ALAMAT NG KAMATSILE
Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga.
Sa tabi nito’y may nagsitubong iba’t ibang mga punong may magagada’t mababangong bulaklak
na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na
maipagmalaki, nguni’t maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na
mga sanga. Subali’t di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng
bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile.
Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. “Naku! Anong
pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako ba’y nagtataglay ng bulaklak na katulad ng
mga katabi kong puno, sana’y makagagayuma rin ako sa mga taong dito’y nagsisipagdaan.”
Ang ganyan niyang himutok ay umabot sa pagdinig ng cadena de amor na gumagapang sa kanyang
paanan. Kaya’t ang daing ng kamatsile ay kanyang sinagot. “Madaling lutasin iyan, kung nais
mong magkaroon ng bulaklak na kaakit-akit ay tulutanmong ako’y mangunyapit sa iyong mga
sanga.”
“Subali’t ano mang pagsusumamo ng abang puno ng kamatsile ay nawalan ng saysay sa lubos na
nasisiyahang cadena de amor. Nguni’t sa malaking habag ng Maykapal ay pinagkalooban din siya
ng pananggalang sa cadena de amor. Ang tinik na magpahanggang sa ngayon ay nagmamalasakit
sa kanya.
ALAMAT NG APOY
Noong unang panahon may dalawang prinsesang nagngangalang apienna at ang mas nakababata
nyang kapatid na si oyallah, si apienna ay nag lalagablab ang kagandahan at isang matapang na
dalaga sa kanilang kaharian, ngunit ang nakababata niya namang kapatid na si oyallah ay isang
mainit at matapang na babae. Ang mag kapatid ay malapit sa isa't isa, kung kaya't lagi silang
nagkaka sundo. Mahal na mahal sila ng kanilang ama na si Haring Anand, at ang kanilang reynang
ina na si Reyna Bihattie. Isang araw nagpasya ang magkapatid na lumisan sa kanilang kaharian sa
kadahilanang mag hahanap sila ng mga maidadagdag na kawal sa kanilang kaharian, dahil ilang
linggo nalang ay sasapit na ang pinaka malaking digmaan laban sa mga dayo sa kaharian. Malalim
na ang gabi ng magising si apienna at ng mag umaga na sabay nilang binagtas ang daanan pauwi
ng kaharian, laking gulat nila na may mga dayuhan ng sumugod sa kanilang kaharian, ng biglang
may lumapit na ermitanyo sa dalawa at tinanong "gusto niyo bang mapigil ang mga dayuhan
dalawa...........Sabi ng ermitanyo sa dalawa kung gayon maari ko kayong pag samahin dahila ang
katangian niyo ay tumutugma sa gusto niyong magyari , bilang naglalagablab ang iyong
kagandahan at isa kang matapang na prinsesa apienna at oyallah isa kang mainit na dalaga at isa
ring matapang na dalaga maari kong pag samahin ang inyong taglay na mga katangian upang
makabuo ng isang nag iinit at nag lalagablab ng kapangyarihan, at yun ....mula sa pinag samang
katangian ng pagiging maharlika, mainit at naglalagablab ay maari kong pagsamahin ang inyong
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang
hindi dapat gawin ng batang katulad niya. Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si
Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang
mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang
lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata
ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa
pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita
roon. Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa
loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong
maya.
ANG ALAMAT NG UNANG SAGING
May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang
kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong
halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas
siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay
nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang
Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon
din. Kaya agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob. Araw-araw ay namamasyal sila
ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan
nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig
ng prinsipe.Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong
halamanan ng prinsesa.
"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa
aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."
"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"
"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."
Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang
magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y…" at hindi na nakuhang magpaliwanag ang
prinsipe.
"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-
agam.
"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang
isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."
"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"
"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe.
Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng
kanyang minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga
palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa
isang dako ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.
Noong unang panahon, hindi sa bayan ng Arayat natagpuan ang bundok. Ito’y unang itinayo ni
Haring Sinukuan para sa bayan ng Candaba, pero nang nakita niya ang kasakiman at kasamaan ng
mga taong naninirahan dito, nagpasiya niyang ilipat ang bundok. Dahil dito, and dating bayan ng
Ipinagmalaki ni Haring Sinukuan ang kanyang bundok upang maipanalo ang puso ng kanyang
iniirog, si Maria Makiling ng Laguna. Sa pagkalipas ng panahon, unti-unting tumubo ang kanilang
pag-ibig para sa isa’t-isa, pero dahil dito, nainggit naman si Haring Pinatubo na gusto sanang
pagtatapon ng mga malaking bato sa bundok ni Haring Sinukuan. Nagalit si Haring Sinukuan
nang nakita niya ang nasirang tuktok ng kanyang bundok at pinangakong hihiganti siya kay
Pinatubo. Natakot naman si Pinatubo at itinago niya ang kanyang saliri sa likod ng isang mahabang
hilera ng bundok. Ito ang dahilan kung napapaligiran ang duwag na bundok Pinatubo ng