You are on page 1of 14

Epekto ng mga Millennial na Salita sa Pakikipagkomunika ng mga Estudyante sa ika-9

na Baitang ng CNSHS

Cavite National Science High School S.Y. 2018-2019

Isang Pagsusuri

Isang Pamanahong Papel

na iniharap kay

Bb. Jhenalyn Grace S. Carabata

Bilang Bahagi ng Katuparan

sa Asignaturang Filipino

Baitang 9

nina

Terence S. Angeles
Shaira Jane A. Cabubas
Jeram Evered N. Colendres
Ma. Mica U. Falsado
Marianne Joyce F. Felismino
Romeo S. Hernandez Jr.
Stephen Kim M. Undecimo
Baitang 9 – Calcium
Cavite National Science High School

Marso 7, 2019
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 9, ang

pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto ng mga Millennial na Salita sa

Pakikipagkomunika ng mga Estudyante sa ika-9 na Baitang ng CNSHS” ay inihanda

at inilahad ng mga mananaliksik na nagmula sa ikatlong grupo ng Baitang 9-Calcium na

binubuo ng mga mag-aaral na sina:

_________________ ___________________ ______________________


Terence S. Angeles Shaira Jane A. Cabubas Jeram Evered N. Colendres

___________________ _______________________ ____________________


Ma. Mica U. Falsado Marianne Joyce F. Felismino Romeo S. Hernandez Jr.

_______________________
Stephen Kim M. Undecimo

Tinatanggap bilang proyekto sa Filipino 9 bilang isa sa pangangailangan sa

nabanggit na asignatura ni Bb. Jhenalyn Grace S. Carabata.

JHENALYN GRACE S. CARABATA


Guro sa Filipino 9
PAGKILALA O PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay ipinapahatid ang kanilang lubos na pasasalamat sa mga

sumusunod na tumulong sa paggawa ng matagumpay na proyekto:

Una sa lahat, sa Panginoong Diyos, na nagbigay talino at lakas na matapos ito ng

tama at maayos.

Pangalawa ay ang mga magulang naming walang sawang tumulong at sumuporta

sa paggawa at pagtapos ng aming proyekto.

Pangatlo ay ang guro namin sa asignaturang Filipino na si Bb. Jhenalyn Grace S.

Carabata, sa walang tigil na paggabay sa bawat ginagawa namin sa proyektong ito.

Para sa huli, ang mga estudyante ng Baitang 9 na bukas loob na tinanggap at

sinagutan ang aming surbey na naging dahilan ng pagkatapos ng aming proyekto.


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

“Epekto ng mga Millennial na Salita sa Pakikipagkomunika ng mga Estudyante sa ika-9

na Baitang ng CNSHS”

A. ANG PANIMULA

Ang wika ay ang ginagamit ng bawat indibidwal upang makipagkomunika sa

kanilang mga pamilya, kaklase, kaibigan, at iba pang tao. Ang wika ay isang sistema

na binubuo ng pag-unlad, pagkuha, pagpapanatili at paggamit ng mga komplikadong

sistema ng komunikasyon, lalo na ang kakayahan ng tao na gawin ito; at ang isang

wika ay anumang partikular na halimbawa ng naturang sistema. Ang pang-agham na

pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Ang dyalekto naman ay ang

partikular na wikain sa isang lugar, rehiyon o grupo ng mga tao. Sa pangkalahatan,

ang dyalekto ay ginagamit ng mga taong magkakasama sa isang mas maliit na lugar

kaysa sa wika na gianagamit ng kalahatan ng sa isang bansa.

Ang bansang Pilipinas ay walang pansariling wika at hindi agad-agad nagkaroon

ng kanilang pansariling wika. Ang pangunahing wikang ginamit ng mga Pilipino noong

ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng pamumuno ng mga Espanya ay ang wikang Español

at Ingles. Matagal tagal rin bago nabuo ang wikang Filipino sa kadahilanang

nahirapan ang mga Pilipinong makamit ang pansarili nilang kalayaan mula sa mga
mananakop. Ang Dating Pangulong Manuel L. Quezon, kasama ang iba pang

mananaliksik, ay nagsiyasat ng iba’t ibang dyalekto o wikain. Sa kanilang pagsiyasat,

ang dyalektong Tagalog ang pinaka pinagbatayan ng wikang Filipino, ngunit may iba

pang dyalekto silang kinuha upang magamit ng mga Pilipino. Dahil sa pinagbatayan

ng wikang Filipino ang dyalektong Tagalog, marami sa ating mga Pilipino ang nalilito

kung ano o alin ba talaga ang ating pambansang wika. Dahil din nga sa lumaki ang

karamihan sa ating mga Pilipino na may dalawang ginagamit na lengguwahe, hindi

rin masasabi kung nakaaapekto ba ito sa kaalaman natin sa wikang Filipino, idagdag

pa ang kapanahunan ngayon na marami ng dyalekto ang bansang Pilipinas na higit

100 ang dami. Pati na rin sa impluwensiya ng ibang bansa sa mga kabataang Pilipino

dahil sa mas mabisang teknolohiya. Nahihirapan ang mga Pilipino lalo na ang mga

kabataan nagyon na mawari ang kanilang pambansang wika.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga bagong salita tulad ng mga balbal at

millennial na salita na ginagamit ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ngayon.

Ang mga salitang petmalu o malupet, lodi o idol at kiber o keri ay mga halimbawa ng

mga salitang millennial. Ang mga millennial na salita ay isa sa mga patunay na ang

Filipino ay buhay at patuloy na nagbabago ayon sa paraan ng paggamit, panahon at

kaugalian ng paggamit nito. Ito ay halos maririnig mo at makikita mo sa mga pag-

uusap ng mga kabataan ngayon. Madalas ay nakakasanayan na ito dahil sa

impluwensiya ng mga tao sa paligid. Ngunit, sabi nga nila ang pagbabago ay

mayroong nagiging bunga. At ang bunga na ito ay mayroong positibo pero mayroon

din namang negatibo. Isa na sa positibong bunga nito ay mas napapadali ang
ugnayan o komunikasyon sa mga kabataan sa henerasyon ngayon. Ang hindi naman

magandang bunga nito ay hindi nagkakaintindihan ang mga nakakatanda at ang mga

kabataan ngayon, pati na rin ang mga kabataan na lumaki sa makalumang tradisyon.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pamanahong-papel na ito ay makapagbigay ng impormasyon hingil

sa maaaring maging epekto ng mga millennial na salita sa pakikipagkomunika ng tao

sa iba. At naglalayon na matugunan ang mga bagay na sumusunod:

a. Ano ang mga millennial na salita?

b. Paano ginagamit ang mga millennial na salita?

c. Paano nalaman at nakasanayang gamitin ang mga millennial na salita?

d. Ano ang iyong dahilan sa paggamit ng mag millennial na salita?

e. Ano ang pagkakaiba ng paggamit at hindi paggamit ng mag millennial na salita?

f. Nakaaapekto ba ang paggamit ng millennial na salita sa iyong paraan ng

pakikipagkomunika?

C. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong at magsisilbing gabay para sa mga

estudyante, guro, magulang, at administrasyon. Makatutulong ito sa mga estudyante

para malinang at mapalawak ang kanilang kaisapan ukol sa mga pagbabagong

nagaganap sa panahon ngayon lalo na ang paggamit ng mga tao ng makabago o

modernong pagsasalita sa pang-araw-araw na buhay na siyang tinatalakay sa


pananaliksik na ito. Makakukuha rin dito ng kaalaman ang mga guro at magulang para

maintindihan ang mga salitang ginagamit ng kanilang mga anak at estudyante ng sa

gayon ay mas maging madali di lamang sa magulang kundi pati na rin ng mga guro

ang mga salitang ginagamit ng mga kabataan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Makatutulong ito sa administrasyon para matuto sa mga millennial na salita ng sa

gayon ay matulungan nila ang mga bata ng mas maayos at mahikayat nila ang mga

estudyante na mas mag-aral pa ng mabuti.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang sakop ng aming pag-aaral ay ang mga mag-aaral ng Cavite Nationla Science

High School sa ika-9 na baitang. May mga bagay na nais natin malaman gaya ng

bakit tayo gumagamit ng mga millennial na salita? Kung ano ang nagiging epekto nito

sa araw-araw nating pamumuhay? Kanino ba tayo natutong magsalita ng ganito? At

gaano natin ito kadalas nagagamit? Ang mga katanungang ito ay masasagot sa

pagtatapos ng pag-aaral na ito.

Hindi nasasakop ang ibang baitang sa pag-aaral na ito. Tanging ang ika-siyam na

baitang lamang ng Cavite National Science High School ang nasasakupan.

E. KATUTURAN NG MGA KATAWAGANG GINAMIT


 Wika- isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at

sinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng taong may iisang kultura.

 Dayalekto- barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din

itong wikain at ginagamit sa isnag particular na rehiyon, malaki man o maliit.

 Millennial- ang makabagong henerasyon ng mga taong ipinanganak sa pagitan

ng 1980 hanggang 2000.

 Filipino- katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng

komunikasyon ng mga atnikong grupo.

 Salita- yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang

morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay at may

halagang ponetika.

 Lengguwahe- ang lenggwahe o language ay salitang Kastila na tumutukoy sa

wika. Ito ay gianagamit sa pakikipagatalastasan.

 Kabataan- ito ay ang panahon, edad o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang

bata o kilaw at hustong adulto, o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang

isang tao ay biyolohikal o pisikal na adulto subalit emosyonal o

makapandamdaming hindipa husto ang maturidad.

 Tagalog- isang wika na ginagamit sa Pilipinas, lalo na sa Kalakhang Maynila at

mga lalawigan sa paligid nito, tulad ng Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas,

Bataan, Rizal at iba pa.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng surbey upang makakuha ng mga datos na

gagamitin sa pag-aaral. Surbey ang ginamit ng mga mananaliksik dahil ito ang mas

dmadali at mas mabilis na paraan upang makakuha ng datos. Kinolekta at binilang ng

mga mananaliksik ang mga mayroong magkaparehong sagot na galling sa mga

respondante. Kinuha ang porsyento o bahagdan ng mga sgaot at ginawan ng grap.

Masusing pinagaralan at ginawan ng grap ang mga sagot ng responde. Ginamit

naman ang ibang teknik upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay

sa sagot ng mga responde. Ginamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan

ng bilang ng magkakatulad na sagot sa partikular na tanong.

B. RESPONDANTE

Sa pangongolekta ng mga datos, ang mga respondante lamang ay nanggagaling

sa Baitang 9. Bawat seksiyon ay may piniling sampung estudyante bilang

respondante at upang makapagsagot ng surbey. Upang mapadali ang pagkakalap ng

mga datos, bawat seksiyon ay hinikayat lamang na magsagot ng sampung mga

katanungan upang makakalap ng mga datos na maayos. Samatutal, ang mga datos
ay may bilang na apatnapu. Ang mga nananaliksik ay naghati-hati at hiwa-hiwalay na

nagkalap ng mga datos sa bawat seksiyon.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang surbey ay isang pagsasaliksik kung saan ang mga respondante ay mayroong

mga tanong na sasagutan sa isang papel. Ang mga ginamit para sa pagsasaliksik sa

pag-aaral na ito ay ballpen at papel. Sapagkat ito ang pinakamabilis at pinakamainam

na paraan ng pagkuha ng datos.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ito ay ginawa ng mga mananaliksik sa loob ng maikling

panahon. Sa pamamagitan ng pagtatally at pagkuha ng bahagdan ng mga nakuhang

datos sa surbey, nakuha namin ang resulta na kinakailangan naming para sa pag-

aaral. Ipinakita ng mga mananaliksik ang resulta ng pananaliksik sa pamamagitan ng

talahanayan at grap.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito makikita ang mga resulta ng mga datos na nakalap sa

isinagawang pagsisiyasat sa Baitang 9 sa apatnapung (40) mag-aaral galling sa apat

na seksiyon sa Baitang 9 ng Cavite National Science High School.

Tahanayan 1.

Bilang ng mga kasagutan sa bawat numero.

Bilang/Letra A B C D E

1 36 4 - - -

2 1 10 29 - -

3 39 1 - - -

4 33 6 0 1 -

5 16 19 2 3 -

6 3 37 - - -

7 30 7 3 - -
8 8 2 2 12 16

9 22 18 - - -

10 14 20 3 3 -

Ipinakikita sa talahanayan 1 ang bilang ng kasagutan ng mga respondante sa

bawat tanong ng mga mananaliksik. Makikita sa pang-unang bilang na mas maraming

pumili ng letrang a kumpara sa letrang b na nagsasaad na maraming mga estudyante

ang nakakaalam ng mga millennial na salita.Samantalang sa ikalawang bilang naman ay

masasabing halos karamihan ng mga respondante ay mayroong alam na apat at higit

pang mga salitang millennial. Sa bilang 3, makikita na isang respondante lamang ang

mayroong mga kaibigan na hindi nagamit ng mga millennial na salita. Ayon sa bilang 4,

maraming respondante ang natutong gumamit ng mga millennial na salita sa social

media. Mahihinuha sa ikalimang bilang na ang pinakadahilan ng paggamit ng mga

millennial na salita ng mga respondante ay upang mapaikli ang mga salita. Sa bilang 6

naman ay masasabing marami ang hindi sumasang-ayon nag awing opisyal na salitang

Filipino ang mga salitang millennial. Ayon sa bilang 7, halos araw-araw ay nagamit ang

mga respondante ng mga millennial na salita. Sa bilang 8 ay masasabing mas maraming

iba pang millennial na salita ang mga respondante kumpara sa mga nabanggit sa

pagpipilian. Sa bilang 9, masasabing mas marami ang magandang epekto ng mga

millennial na salita. Sa ikahuling bilang naman ay masasabing ang pinaka-epekto ng mga

millennial na salita sa mga respondante ay napapadali nila ang kanilang

pakikipagkomunika.

You might also like