You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

DAYAGNOSTIK NA PAGSUSULIT
FILIPINO 10
PANGALAN:_____________________________ PETSA:_______________________
PANGKAT:______________________________ ISKOR:________________________

Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.
1. Si Venus ay nagkaroon ng inggit kay Psyche dahil sa labis na kariktan nito. Natalbugan ng dalaga ang kanyang kagandahan kaya siya ang labis na
nagalit sa dalaga.
a. inggit ~ nagalit b. kagandahan ~ kabaitan c. inggit ~ selos d. kariktan ~ kagandahan
2. Hindi ikinatuwa ni Cupid ang pagtataksil ni Psyche sa kanya kaya siya ay umalis at nilisan ang tahanan nilang dalawa.
a. ikinatuwa ~ pagtataksil b. ikinatuwa ~ umalis c. umalis ~ nilisan d. pagtataksil ~ nilisan
3. Matindi ang inggit ni Venus sa taglay na kagandahan ni Psyche kaya’t siya ay naging sakim sa pagnanais ng kapahamakan nito. Binigyan niya ito
ng maraming pagsubok.
a. inggit ~ sakim b. pagnanais ~ pagsubok c. kapahamakan ~ kagandahan d. matindi ~ binigyan
4. Inutusan ng dalawang prinsesa si Psyche na tapatan ng lampara ang mukha ni Cupid at saksakin ito ng balaraw ngunit dahil sa kagwapuhan ng asawa
hindi nagawa ni Psyche ang iniatas ng mga kapatid.
a. lampara ~ balaraw b. asawa ~ kagwapuhan c. tapatan ~ mukha d. inutusan ~ inatasan
Panuto: Basahin ang pangungusap at bigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto nito
5. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa kapatid nang mapagtanto niya na ito pala ang dahilan ng kanyang pagkasawi sa buhay.
a. inis na inis b. ilang na ilang c. tuwang-tuwa d. galit na galit
6. Masyadong narahuyo si Mathilde sa mga mamahaling bagay na hindi kayang ibigay ng kanyang asawa na isang simpleng mamamayan lamang.
a. naakit b. napahanga c. nabighani d. napasaya
7. Ibig na ibig niyang makatakas mula sa mundong kanyang nakalakhan. Hindi niya ibig na mabagabag ang kanyang isipan sa mga nangyayari sa
kapaligiran.
a. magulo b. matunton c. masanay d. mahirati
Panuto: Ayusin at kilalanin ang magkakaugnay na salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan.
8. ____
• silipin a. sulyapan b. tanawin c. silipin d. tingnan
• sulyapan silipin tingnan sulyapan tanawin
• tanawin tingnan silipin tanawin sulyapan
• tingnan tanawin sulyapan tingnan silipin
9.____
• iyak a. nguyngoy b. hikbi c. iyak d. hagulgol
• Hikbi hagulgol nguyngoy hagulgol iyak
• nguyngoy hikbi iyak ngungoy hikbi
• hagulgol iyak hagulgol hikbi nguyngoy
• 10 ____
• namayani a. namayani b. nangibabaw c. naghari d. namayagpag
• Nangibabaw nangibabaw naghari namayagpag namayani
• naghari naghari namayani namayani nangibabaw
• Namayagpag namayagpag namayagpag nangibabaw naghari
Panuto: Bigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya na inilalahad ng talata.
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nangmarinig niyang
muling ipininid ang pintong bakal ng istaked,humilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali
ring iyo’y tila huhutukin.Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga ito. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak
ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na tila may gumigising sa kanya
“Sipi mula sa Tata Selo ni Rogelio R. Sikat”
11. Makatarungan ba ang pagpapahirap na ginawa ng mga pulis kay Tata Selo?
a. Oo, dahil may kasalanan siya.
b. Hindi, sapagkat sila lamang ang humusga rito at
nagbigay parusa.
c. Oo, sapagkat nakagawa siya ng isang krimen at dapat
niya itong pagbayaran.
d. Hindi, dahil dapat idaan sa tamang proseso ang
nangyari bago nila ito parusahan.
12. Ang pagmamakaawa ng anak na dalaga ni Tata Selo sa mga pulis. Ano ang inyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa pulis na ilabas siya sa loob ng piitan dahil
wala siyang kasalanan.
b. Sasama ako sa kanya sa loob sapagkat hindi ko nanaisin na
siya ay makulong mag-isa.
c. Hahayaang hustisya na lamang ang magdesisyon para sa
aking ama at susundin ang kaparusahan na ibibigay rito.
d. Magmamakaawa ako sa mga pulis at sasabihing matanda
na ang aking ama at baka pwede na hayaan na lamang
siyang “i house arrest.”
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang aksiyon.
13. Habang sina Lucio ay naglalaro ng bola sa labas ng bahay ay biglang may dumaan na isang motor. Nabigla si Lucio sa pangyayari kaya siya ay
tumakbong umiiyak.
a. nabigla b. dumaan c. tumakbong umiiyak d. naglalaro ng bola
14. Tinawanan ni Enrico ang pagkadapa ng kanyang kapatid sapagkat sumubsob ang mukha nito sa putikan na kanilang dinaanan.
a. tinawanan b. pagkadapa c. sumubsob d. dinaanan
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang karanasan.
15. Napaibig ni Eleonor si Errol dahil masarap daw itong tumawa pero tumatawa lamang ito sa kuwento ni Basya.
a. napaibig b. tumawa c. nagkuwento d. tumatawa
16. Napapansin na ng Sambayanang Pilipino ang pagbabago sa bansa sapagkat kumikilos na ang mga tauhang itinalaga ng ating Pangulong Duterte.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

a. kumikilos b. napapansin c. pagbabago d. itinalaga


Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang pangyayari.
17. Sa sobrang galit ni Frollo kay Esmeralda kumukulo ang dugo nito kapag kanyang nakikita kaya’t umiiwas siya rito.
a. galit b. kumukulo c. umiiwas d. nakikita

18. Naligo ang mga kabataan sa ilog malapit sa kanilang bahay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nalunod ang isa sa kanila kaya sila ay
humahagulgol na umuwi ng bahay.
a. naligo b. umuwi c. nalunod d. inaasahan
Panuto: Itala at piliin ang salitang katulad at kaugnay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
19. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw.
Alin sa mga sumusunod na mga salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. humiga b. napalugmok c. napaupo d. bumagsak
20. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong
pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Batay sa binasa, alin sa mga sumusunod ang hindi
kasingkahulugan ng salitang kahirapan?
a. pagkadukha b. pagkagipit c. paghihikahos d. pamumulubi
21. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha. Alin sa mga sumusunod na mga
salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. puno b. tangis c. malakas d. umaagos
22. Iniisip niyang umaalembong ang kaniyang asawa kung kaya’t ito’y nagpagupit. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang katulad ang kahulugan
ng salitang may salungguhit?
a. nagbabago b. lumalandi c. nag-iinarte d. nagpapaganda
Panuto: Bigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
“Hindi ba ninyo maipahahatid sa amin ang aking binili? Ako ba ang inaasahan ninyong magbibitbit niyan?Isipin na lamang ninyo ang magiging ayos
ko na may bitbit na bayong!” ang namumula sa galit na sabi ng binata.
-Ang Tunay na Dakila
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makapagpapaliwag sa pagiging makatotohanan ng akda?
a. May mga taong masyadong mataas ang pagtingin sa sarili
c. Kahiya-hiya para sa mga tao ang pagbibitbit ng bayong.
d. Hindi pantay ang estado ng ating lipunan
“Marami pa sa ating mga Pilipino ang hindi nagpapaka- Pilipino. Ang kanilang gawa, diwa at simulain ay naglalarawan pa rin ng pagkaalipin, na wari
bang nasisiyahan na sila sa ganong kalagayan.”
24. Alin sa mga sumusunod ang makapagpapaliwanag sa pagkamakatotohanan ng akda?
a. Marami ang hindi masaya sa pagiging isang Pilipino.
b. Nagnanais na maging dayuhan ang maraming Pilipino.
c. Marami ang hindi kayang manindigan na sila ay Pilipino.
d. Alipin pa rin ng impluwensya ng mga dayuhan an maraming Pilipino.
Lope K. Santos
(1)May angking pagmamahal sa wikang pambansa at mga gawaing pampahayagan, naging tagapatnugot o tagapangasiwa siya ng labintatlong
iba’t ibang pahayagan. (2) Noon pa mang taong 1905, nang kasalukuyang abalang-abala sa pag-aaral ng wikang Ingles ang mga mamamayang Pilipino,
si Mang Openg naman, iyang ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ay buong tiyaga nang nanaliksik, nag-aaral at bumuo ng isang gramatikang
Tagalog. (3) Baha-bahagi rin niyang ipinalathala ang mga ito sa mga pahayagan, Salamat na lamang sa gamitong pagpupunyagi at nang ipahyahag ng
Pangulong Manuel L. Quezon noong taong 1937 na ang Tagalog ang saligan ng wikang pambansa, agad may naiharap na isang gramatikang aklat na
maingat na naisaayos sa loob ng humigit-kumulang sa tatlumpu’t limang taon. (4) Sa pagsisikap niya ay umunlad ang palatuntunan ng pamahalaan
tungkol sa wikang pambansa. (5) Itinaguyod niya ang kinabukasan ng ating wikang pambansa (6) Ito si Ginoong Lope K. Santos- isinilang na dukha
at namatay ring dukha. (7) Hindi niya ginamit ang kaniyang katalinuhan sa pagpapayaman;(8) hindi niya sinamantala ang mga katungkulang hinawakan
sa pagkakamit ng limpak-limpak na salapi. (9) Ang kaniyang walang sawang pagtataguyod ang maipampapatunay niya sa pagmamahal sa wikang
pambansa.
______ 25. Matapos basahin ang akda, aling pangungusap ang nasa pokus tagaganap?
a. 1 b. 2 c. 5 d. 6
______ 26. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng pandiwa na nasa pokus sa layon?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
Panuto: Suriin ang pokus ng pandiwa: ganapan at sanhi sa binasang kuwento.
1. Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawa ni Aling Nena sa kaniyang balikat upang tanungin kung hindi siya
mangingitid nang gabing iyon. 2. Nagsisilbing pangitiran ni Mang Lope ang malawak na karagatang biyay ng Diyos sa kanilang pamilya subalit hindi
ito ang biyayang nais ni Mang Lope para sa kaniyang anak na si Nilo. 3. Gayunpaman, ang pag-uusap ng mag-asawa ay ikinabalik ng dating say at
pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa at ng kanilang anak. 4. Ang kanilang pamilya ay namuhay ng matiwasay at Masaya.
(mula sa “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista)
27.Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang balikat
upang tanungin kung hindi siya mangingitid nang gabing iyon.
Batay sa pangyayaring inilahad, ang pangngusap ay nagpapakilala ng pokus sa_______.
a. ganapan b. layon c. kagamitan d. sanhi
28.Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap ang gumamit ng pokus ng pandiwa na ganapan?
a. pangungusap 1 b. pangungusap 2 c. pangungusap 3 d. pangungusap 4
29.Sa huling pahayag sa talata, malinaw ang konsepto na mahalaga ang pag-uusap upang maibalik ang dating sigla
sa ugnayan ng pamilya. Aling salita ang nagsilbing dahilan ng kilos o aksiyon sa pangungusap?
a. pahayag b. malinaw c.maibalik d. pag-uusap
30. Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap ang gumamit ng pokus ng pandiwa na sanhi?
a. pangungusap 1 b. pangungusap 2 c. pangungusap 3 d. pangungusap 4
Panuto: Suriin ang nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na angkop dito.
“Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang
ma inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay”
-Tata Selo
31. Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay
na nangyayari sa lipunan. Batay sa pahayag sa itaas, angpinakaangkop na sitwayon sitwasyon ang kaugnay rito ay ang______.
a. pagbawi sa lupang sinasaka ni Tata Selo
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

b. pagtaga ni Tata Selo sa may-ari ng sakahan


c. pandaraya sa kanya ng may-ari ng sakahan
d. pagkakulong ni Tata Selo dahil sa pagtatanggol sa kanyang karapatan

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong
siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na
magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama
siya sa kuwarter. Noli Me Tangere
32. Ang pagiging malupit ng mga sibil ay sinasabing isang halimbawa ng Realismo sapagkat ito ay maihahalintulad sa mga
taong ______
a. mapagsamantala sa kahinaan ng nakakarami
b. walang pakialam sa damdamin ng kapwa sapagkat sila’y makasarili
c. mahihina na hindi kayang maipagtanggol ang kanilang sariling kapakanan
d. may posisyon ngayon sa lipunan na ginagamit ang kapangyarihan upang gawin ang nais nilang gawin
Marumi ang mundo. Maraming kasuklam-suklam na pangyayaring gawa ng tao.Natural sa tao ang manakit na kapwa lalo na kung ito ay mahina at
walang lakas lumaban. Ito ay nagpapatunay na ang buhay ay mabangis, karumal-dumal at walang awang kagubatan.
Noli Me Tangere
33. Batay sa pahayag, ang teoryang pampanitikan ginamit dito ay ______.
a. realism b. naturalism c. humanism d. eksistensyalismo
Marahang-marahang
Manaog ka irog, at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
-Sa Tabi ng Dagat
34. Ang saknong na binasa ay ginamitan ng teoryang Romantisismo sapagakat____.
a. pinapaksa ang relihiyon
b. pinagtutununan ng pansin ay ang katotohanan
c. pinag-uukulan ng pansin ang emosyon at damdamin
d. pinag-uusapan ay ang mga rebolusyonaryong gawain
Panuto: Ibigay ang katumbas na salita ng mga sumusunod na salita mula sa akda.
35. Emiio Aguinaldo: Cavite ; Jose Rizal : _________
a. Dapitan b. Laguna c. Batangas d. Fort Santiago
36. Cavite: _________; Nueva Ecija: bigas at sibuyas
a. mais at palay b. tahong at talaba c. durian at marang d. niyog at kopra
37. Bangus: Dagupan ; ________: Tagaytay
a. dilis b. danggit c. tawilis d. talakitok
38. Luneta: Monumento ni Rizal ; _________: Aguinaldo Shrine
a. Kawit b. Tanza c. Dasmariñas d. Trece Martire
39. Rehiyon 4-A: ________; Rehiyon 4-B : MIMAROPA
a. CAR b. NCR c. ARMM0 d. CALABARZON
Panuto: Gamiitin ang angkop na mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
40. “A house divided against itself cannot stand”
a. Kailangang magsama-sama ang buong pamilya
b. Magkaisa tungo sa ikatatagumpay ng anomang gawain
c. Hindi makakatayo ang isang bahay kapag hindi kompleto ang pamilya
d. Lahat ng kabilang ay nararapat lamang na magkaisa at magtrabaho bilang isa upang magtagumpay
41. “Leopard can’t change his spots”
a. hindi kayang baguhin ang ugali ng tao
b. hindi magbabago ang balat ng isang tao
c. mahirap nang baguhin ang kinasanayan
d. mahirap nang itama ang mga maling gawain
42. “A piece of cake”
a. mabusising gawain
b. matagal tapusin ang gawain
c. mahirap tapusin ang gawain
d. kayang-kayang tapusin ang gawain
43. “A blessing in disguise”
a. magandang pagkakataon
b. magandang balitang dumating
c. magandang pangyayaring hindi inaasahan
d. magandang pangyayari na hindi napuna noong umpisa
Panuto: Gamitin ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa akda.
44. “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Ang damdamin sa loob ng pahayag ay _____
a. pagkagalit b. pagkapoot c. pagkainis d. pagkamuhi
45. “Alam n’yo”, aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”
Ang pahayag ay nagpapakita ng damdaming______.
a. pagmamalaki b. pagmamayabang c. pagkamasaya d. pagkatuwa
Panuto: Bigyan ng kaukulang pagpapakaluhugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan sa akda.
46. “Sabihin ninyo sa kanya na ang tubig ay matabang at naiinom, ngunit nakatatalo sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay
naging dagat na malawak at minsa’y magwawasak ng sangkatauhan at magpapayanig ng sandaigdigan” –Isagani
Ang pahayag ay nangangahulugang______________
a. Hindi kailanman matatalo ng apoy ang tubig.
b. Mas mabuting uminom ng tubig kaysa sa alak.
c. Kayang gapiin ng mga Pilipino ang mga kastila kapag pinainit.
d. Ang alak ay nagiging apoy na maaaring magwasak sa sangkatauhan.
47. Ah! Nais kong mamatay, iwanan ang aking bayan ng isang dakilang pangalan, ipagtanggol siya sa mga dayuhan”
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
MEYCAUAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Camalig, Meycauayan City, Bulacan

-Isagani.
Ang pahayag ng tauhan ay nangangahulugang nais niyang_______
a. magapi ang mga dayuhan
b. mamatay nang lumalaban
c. mag-iwan nang isang dakilang pangalan
d. mamatay nang ipinagtatanggol ang bayan
48. “Babalik tayo sa alabok, Itay, at tayo ay ipinanganak na walang baro,”- Kabesang Tales.
Ang pahayag ay nangangahulugang______________
a. Ang mga tao ay nagmula sa alabok.
b. Tayo ay mamamatay nang walang pag-aari.
c. Ipinanganak tayo at nakatadhana ding mamatay.
d. Tayo ay ipinanganak na pantay- pantay sa mundo
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa nabasang nobela.

49. “Ang wika ay ang pag-iisip ng bayan”. Ang mga sumusunod ay pagpapakahulugan sa wika MALIBAN sa ___________
a. sumasalamin sa isang bansa.
b. simbolo ng kalayaan ng bayan.
c. pagkakakilanlan ng isang bansa.
d. magdidikta sa kapalaran ng bansa.
50. “Ang Pilipinas ay tunay na lupain ng panukala”. Batay sa nabasa, ano ang pagpapakahulugan sa mga Pilipino ng
matalinghagang pahayag?
a. puro salita lamang.
b. lubhang mapanuligsa.
c. mapaghanap ng pagbabago.
d. magaling lamang sa umpisa.

You might also like