You are on page 1of 1

Alamat

Ang Alamat Ng Pinagmulan Ng Lahi

Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa


paniwala ng marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi
malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang
maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon
ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang
kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang
kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng
mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli
siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y
masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at
maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo
na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa
pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang
pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.

You might also like