You are on page 1of 3

LAHAT NG MIYEMBRO: Magandang umaga po sa inyong lahat.

Kami po and group 1 at ang amin pong


Dula-dulaan ay tungkol sa isang kautusang pinaiiral sa ating pamayanan at ang
mga kauulang parusa sa paglabag nito.

Ako po si Kurt bilang DAVID


Ako po si Gt bilang HENRY
Ako po si Chantalle bilang NANAY ni Henry
Ako po si Klaudine bilang TEACHER EMILY
Ako po si Yvan bilang EDWARD
Ako po si Joseph bilang RAYMUND
At ako naman po si Kaven na gumaganap na Lakandiwa sa aming kwento. At sanay magustuhan po ninyo
ang aming maikling dula-dulaan na pinamagatang “CURFEW”

KAVEN: Isang araw may dalawang matalik na magkaibigan at magkaklase na sila Henry at David. Sila ay
mababait at matatalinong mga estudyante. Nasa paaralan sila sa araw na iyon. At ito ang kanilang kwento.

KLAUDINE: Ok class... sasaliksikin natin ang mga kautusang pinaiiral sa ating pamayanan at ang mga
kaukulang parusa sa paglabag nito. Yan ang magiging takdang aralin ninyo para bukas. Isa-isa ko kayong
tatawagin bukas para mailahad ninyo sa klase ang mga nasaliksik ninyo. Kaya class, mag-aral kayo ng
mabuti. Mahalagang malaman ninyo ang mga kautusan at kaparusahan sa paglabag nito. Ok class dismiss.
See you tomorrow!

YVAN: David… Henry… gusto nyo bang sumama sa aming gumala mamayang gabi? Susunduin ko kayo.

JOSEPH: Magiging masaya yon Henry, David kaya sumama na kayo sa amin. Madami kami mamaya!
Ano game?

KURT: Hahhh! Bakit naman kami gagala? May pasok pa tayo bukas.

GT: Oo nga. Hindi kami gumagala lalo na sa gabi. At may takdang aralin pa tayong dapat gawin. At sabi
nga ni teacher aralin din daw natin ang masaliksik natin.

KURT: Oo nga… Kaya wag na kayo lumabas. Gabi pa naman delikado yun.

KAVEN: Kinabukasan… natapos na ang kanilang araw sa eskwelahan.

KLAUDINE: Henry, nandyan na ang nanay mo sinusundo ka na.

GT at KURT: Bye po Teacher!

GT: Nay… Kaunti lang kaming boys na pumasok sa klase ngayon.

KURT: Bakit kaya hindi sila pumasok?


CHANTALLE: Hay naku! Nabalitaan ko kanina lang na hinuli sila Edward at Raymund ng mga barangay
tanod kagabi. At marami pang mga kasing edad nyo na kasama nila. Mga kaklase niyo rin
yata yung iba pa nilang kasama. Nasa kalye kase sila kahit gabi na. Bawal yun!

KURT: Kaya pala hindi sila nakapasok.

GT: Ano po ang parusa sa kanila Nay?

CHANTALLE: Dinala yung mga kaklase ninyo sa barangay para sa verification at counseling. At kinausap
din ang kanilang mga magulang dahil bawal nga ang mga menor de edad na magpakalat-
kalat mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

GT: Nabasa ko po yun sa takdang aralin namin na may parusa at multa mula 500 hanggang 1000 pesos
ang mga magulang ng mga batang madadakip.

KURT: o di kaya ay mag community service sila ng lima hanggang sampung araw depende sa dalas ng
paglabag.

CHANTALLE: Tama kayo!

KURT: Sana may natutunan naman sila sa kanilang maling nagawa at buti nalang nakinig kami sa aming
mga guro. Yun pa naman ang lesson namin kanina ni kay Teacher Emily, tungkol sa mga kautusan
sa pamayanan at kaparusahan nito.

GT: David, kung sumama tayo sa kanila kagabi tiyak mapaparusahan din tayo pati mga magulang natin.
Pasalamat tayo na lagi tayong nakikinig sa ating mga guro at sa ating mga magulang sa pagtuturo sa
atin ng magandang asal at kahalagahan ng edukasyon.

CHANTALLE: Ok bye na David!

KURT & GT: (Mag high five! Or mag whatever action to say bye to each other)

KAVEN: Dito nagtatapos ang aming dula-dulaan.


Gusto rin naming ipaalam na ang panukalang batas na ito ay may layunin na matiyak ang
kaligtasan ng mga bata at ma protektahan sila sa pang-aabuso.

ALL: MARAMING SALAMAT PO TEACHERS AND WE LOVE YOU ALL

You might also like