You are on page 1of 5

Karapatan at Responsibilidad ng mga Watchers

Ano ang dapat gawin pagpasok sa polling place?

Sagot: Ipakita sa Chairman ng EB (Electoral Board) ang Appointment


Letter na nagpapatunay na sila ay itinalagang watcher mula sa isang
kandidato o partido.

Huwag Kalimutan! 

• Bilang watcher, siguraduhing ang iyong pangalan ay nakarecord sa


Minutes at sa ilalim ng iyong pirma may nakalagay hindi ka
disqualified “Not Disqualified” bilang watcher.

• Siguraduhin na may pirma ang iyong appointment letter bilang


isang watcher ng kandidatong nagtalaga sa Iyo o ng sinu mang
authorized representative ng partido, organisasyon o coalition of
parties.

Ano ang mga Karapatan ng mga Watchers sa loob ng polling place?

• Maghain ng reklamo sa ano mang Paglabag sa batas ng Halalan


na sa kanilang paniniwala ay ginawa ng EB o ng kung sino mang
tao sa loob ng lugar ng pagbobotohan.

• Kumuha ng Certificate sa EB bilang patunay ng kanyang reklamo o


ang Resolution na ginawa ng BEI ( Board of Election Inspector )
ukol sa reklamo.

• Pumuwesto sa Likod ng EB kung saan makikita at mababasa ang


laman ng Election Returns habang ina-announce ng Chairman ng
BEI ang mga precinct results.

Sino ang mga maaaring pumirma at mag lagay ng kanilang thumb


mark sa ER o Election Returns?

Sagot: Ang watcher ng Dominant Majority at Minority party ay lalagda


sa election returns kasama ng watcher ng PPCRV (Parish Pastoral Council
for Responsible Voting)

Sino ang mga maaaring bumoto?

Lahat ng mga Rehistradong Botante na ang mga pangalan ay nakalista


sa EDCVL, maliban nalang kung manually crossed out mula sa listahan
dahil sa ang botante ay lumipat na sa ibang lugar o patay na.
Siguraduhing may pirma ito ng EO.

Paano kung hindi pa tapos bumoto ang mga nasa pila ngunit 6:00pm
na?

• Ang lahat ng mga hindi pa nakakaboto na nasa loob ng


tatlumpung (30) metro lang ang layo mula sa polling place, ay
maaari pang makaboto.

Sino ang mga maaaring kumuwestyon (Challenge the Illegal Voters)


ng mga illegal voters?

Ano ang mga basehan?

Kahit sinong botante o watcher ay maaaring kuwestyonin ang sino


mang tao na boboto kung ito ay:

• Hindi rehistrado.

• Ginagamit ang pangalan ng iba

• Disqualified voter.

Sino ang may karapatang alamin kung may basehan ang hamon
(Challenge)sa illegal voters?

Ang EB lamang ang bukod tanging may karapatang alamin ang


katotohanan ng mga basehan ng hamon sa nasabing illegal voter sa
pamamagitan ng proof of registration, identity or qualification.

Kung identity ng Botante and kinikuwestyon, dapat alamin ng EB ang


Botante sa pamamagitan ng kanyang Pirma (Specimen Signature) nito
sa EDCVL.

Ano man ang magiging resulta, kailangang siguraduhin ng BEI na ito ay


naisulat sa Minutes.

Ano ang mga Basehan sa Pag kuwestyon o Challenge ayon sa mga


iligal na mga gawain?

Tumanggap o umasang makatanggap ng kabayaran, o mangako o mag


alok magbayad, o magbigay o mangako na magbigay ng salapi, o ano
mang bagay na may halaga kapalit ng boto. (VOTE BUYING).
Nangako o tumanggap ng pangako upang maimpluwensiyahan ang
pagboto.

Nakipagpustahan, o interesado sa pusta sa resulta ng election

Dapat Tandaan:

• Ang botante na siyang kinikuwestyon ay maaring sumumpa (take


and Oath) sa BEI na hindi nya ginawa ang mga nakalagay sa
“Challenge”.

• Pag ang botante ay nanumpa (took an Oath), ang “Challenge” ay


ma didismissed at ang kinikuwestyong botante ay papayagang
bumoto.

• Kapag ang botante ay tumanggi sa nasabing panunumpa ang


Challenge ay itutuloy at hindi siya papayagan makaboto. (Sec. 15).

Sino lamang ang mga pwede sa loob ng polling place?

• Mga miyembro ng EB at support staff kung meron.

• Mga watchers sa lugar kung saan sila nakatalaga.

• Representatives ng COMELEC.

• DESO Technical Support personnel at EAPP Support Staff na


itinalaga sa voting center

• Mga botante nasa EDCVL ang pangalan

• Mga botante na naghihintay na makaboto

• Jail/Prison Escorts na sinasamahan ang detainee voters

• Iba pang tao na pinahintulutan ng COMELEC. (Sec. 18.)

Sino ang mga BAWAL sa loob ng polling place?

Maliban na lamang kung pinahintulutan ng COMELEC ang mga


sumusunod ay Hindi Pwede sa loob ng polling place o tumambay sa
lugar na sakop ng fifty (50) meters ang layo mula polling place, maliban
kung boboto:

• Kahit sinong Opisyal o Myembro ng AFP o PNP


• Peace officer o Armed person na kasali sa kahit saang extra-legal
police agency, reaction forces, strike forces, or para-military
forces, kasama ang special forces, security guards, and special
police men.

Lahat ng klase ng Armed o Unarmed extra-legal office forces; at

Kahit na sinong opisyal ng barangay, kahit elected o appointed. (Sec.


62)

Kailan Pwede ang mga pulis o peace officer malapit sa polling place?

Sa pamamagitan ng majority vote kung kailangang kailangan, maaaring


sumulat ang BEI ng Order sa pag talaga ng policemen or peace officers
para sa kanilang proteksyon at proteksyon ng mga dokumento at
election paraphernalia.

Dapat i-record ito sa minutes.

Ang pulis ay maaari lamang pumuwesto sa labas, malapit sa polling


place kung saan siya madaling matawag ng BEI ano mang oras.

Bawal makipag usap sa kahit kaninong botante ang Pulis, bawal din
siyang manggulo o pigilan ang sino mang botante na pumasok sa loob
ng polling place.

Ano ang mga ipinagbabawal sa pagboto?

a) Pagdala ng balota, ballot secrecy folder, marking pen at voter’s


receipt sa labas ng polling place.

b. Makipag-usap kahit kanino sa loob ng polling place

c. Ihanda ang kanyang balota na hindi ginagamit ang ballot secrecy


folder, o ipakita yung mga ibinoto.

d. Pasagutan ang balota sa iba, maliban na lamang sa mga illiterate o


mga Taong my Kapansanan (PWDs).

e. Pagbura ng mga nakasulat sa Ballota, o pag lagay ng kung ano mang


marka sa ballota.

f. Gumamit ng mga capturing devices, na hindi lamang limitado sa


digital cameras, o cellular phones para sa kahit ano mang kadahilanan
sa loob ng polling place. (Sec. 20, as amended by Sec.2 of Res. No.
10088).
g. Intensiyonal na punitin o gusutin ang balota

h. Pag istorbo o pag tangkang pag istorbo sa operation ng VCMs. (Sec.


20.)

Mga dapat sundin sa pag hahanda ng mga balota para sa mga


ILLITERATE at PERSON with Disabilities (Mga my Kapansanan).

• Hindi pwedeng i-assist ang illiterate or PWDs sa pagboto kung ito


ay hindi nakalagay sa EDCVL.

• Ngunit kung ito ay nakalagay, maaari silang gabayan at tulungan


ng mga sumusunod:

• Kamag-anak o kadugo sa loob ng fourth civil degree of


consanguinity or affinity.

• Taong pinagkakatiwalaan niya na sa kanila din nakatira.

• Miyembro ng BEI.

• LAHAT ng mga mag-aasist sa illiterate o PWDs ay dapat na sa


wastong gulang.

• BEI lang din ang pwedeng mag assist sa mga illiterate persons at
PWDs ng higit sa tatlong (3) beses.

• Kailangan sa harapan ng illiterate o PWDs ihanda ang balota


gamit ang ballot secrecy folder ng taong mag-aasist.

• Ang taong mag aasist sa illiterate o PWDs ay susulat under oath


na siya ang mag fifil-up ng balota ng naayon sa mga alituntunin ng
wastong pagboto, sa pamamagitan ng kanyang pirma sa minutes
kung saan ito dapat ilagay. (Sec. 21.)

This is obvious in the first two scenarios, where the election was not
held and where the election was suspended.

As to the third scenario, where the preparation and the transmission of


the election returns give rise to the consequence of failure to elect
must as aforesaid, is interpreted to mean that nobody emerged as a
winner.

You might also like