You are on page 1of 3

This is a drug case affidavit with explanation for non-compliance of Sec.

21 pursuant to
the case of People vs Romy Lim. Take note that the police marked the evidence presented as
Annexes.

Republic of the Philippines )


City of Pasig ) s.s.

AFFIDAVIT OF ARREST OF SPO1 AREVALO

Ako si SPO1 Alex N. Arevalo (SPO1 Arevalo ), nasa legal na edad, Pilipino,
nakatira sa ___________, miyembro ng Pasig City Police Station, matapos na
makapanumpa ng naayon sa batas ay nagsasabi ng mga sumusunod:

1. Na noong April 23, 2005, kami ay nakatanggap ng impormasyon


galing sa aming impormante na isang taong nangangalang "Gamay," na sa kalaunan
ay nalaman naming si Glen B. Piad (Piad), ay nagbebenta ito ng droga sa kanilang
bahay malapit sa Ortigas Bridge .

2. Dahil dito, nagbuo kami ng isang grupong pinangunahan ni PI Donald


Sabio para mahuli si Piad. Kasama ko sa grupo sina SPO3 Jovie San Agustin, PO1
Mario Bayot, PO1 Danilo Pacurib, PO2 Ajer Nipales, and PO1 Karol Bibit, para
magsagawa ng buy-bust operation.

3. Ako ang nakatoka bilang poseur-buyer gamit ang marked money na


P150.00 in P100.00 at P50.00 peso bills. Ang blotter entry ng ng marked money
bago ang operasyon ay nakalakip bilang Annex A.

4. Humigit kumulang 6:45 o’clock ng hapon, dumating ang grupo naming


sa bahay ni Piad sa Lifehomes Subdivision, Rosario, Pasig City. Pumwesto ang
back-up team humigit kumulang limang metro mula sa bahay ni Piad. Kumatok ako
sa pinto ng bahay kasama ang impormate Nang buksan ito ni Piad, ipinakilala ako
ng impormante bilang kustomer at bibili ng droga. Tinanong ako ni Piad kung
magkano ang kailangan ko, na sinagot ko naman na P150.00. Pagkatapos, sinara ni
Piad ang pinto at bumalik pagkatapos ng ilang Segundo.
5. Nang buksan ulit ni Piad ang pinto, nakita ko ang isang grupo ng
kalalakihan sa loob ng bahay. Ibinigay ko kay Piad ang P150.00 na marked money.
Kapalit nito, ibinigay sa akin ni Piad ang maliit na plastic sachet na may lamang
white crystalline substance. Pagkatapos nito, hinawakan ko ang kanang braso ni
Piad’s at nagpakilala akong pulis. Subalit, nagpumiglas si Piad hanggang sa loob ng
bahay. Kaya napilitan akong pumasok ng bahay. Sinuportahan ako ng back-up
back-up team na pumasok na rin ng bahay.
6. Matapos na siya ay ma-aresto, sinabihan ko si Piad na ilabas ang
marked money. Sumunod naman si Piad. Tinanong kung siya kung saan galing ang
droga. May dinukot si Piad na isang metal box sa kaniyang bulsa at at nakita naming
ang dalawang (2) plastic sachets may lamang white crystalline substance.
Kinumpiska ko silang lahat sa bahay mismo ni Piad at nilagay ko sa isang ligtas at
matibay na evidence bag na laan lamang sa ebidensyang makukuha. Larawan ng
evidence bag bago ang operasyon ay kalakip nito bilang Annex B.
7. Dahil masikip at madilim ang lugar at hindi ligtas sa mga operatiba ang
magtagal pa, kami ay umuwi na ng himpilan kasama si Piad pati ang nakumpiskang
drogang nakalagay sa evidence bag na hawak ko palagi. Hindi na rin kami
nagsagawa ng pagmarka at pag-imbentaryo ng mga drogang nakumpiska dahil sa
ilalim ng batas, pwede rin naman magsagawa ng pagmarka at pag-imbentaryo kung
ang droga ay nakuha sa pamamagitan ng warrantless arrest at searches katulad ng
kasong ito.
8. Dumating kasi sa aming himpilan mga alas 8:00 ng gabi at nandoon
na ang mga mandatory witnesses na binubuo lamang ni Brgy. Kagawad Ismael
Landagan. Walang taga media o taga National Prosecution Service (NPS). Subalit,
bago pa man ang operasyon, kami ay tumawag na sa isang taga medyang
nangangalang Mr. Ben Flores at nakipag-ugnayan rin sa NPS. Sila ay nangakong
pupunta ng himpilan. Kalakip nito ang Salaysay ni PO1 Andrew Medina na tumawag
at nakipag-ugnayan sa taga Media at NPS at blotter report bilang patunay na aking
minamarkahan bilang Annex C at D. Naghintay kami ng matagal, tinawagan ulit
naming pero hindi sila dumating habang tumatakbo ang oras.
9. Sa harap ng suspek at Brgy. Kagawad Landagan, nilabas ko ang
evidence bag at inilabas ang mga nakumpiskang droga at nilatag ko sa mesa. Dito
minarkahan ko ang plastic ng tatlong sachet sa pamamagitan ng pagsulat ng initial
ng aking pangalan bilang ANA1, ANA2 at ANA3 at ang metal box bilang ANA4. Ang
proseso ay nakuha ng isang larawan na aking nilalakip bilang Annex E.
10. Pagkatapos nito, binigay ko na sa aming imbestigador na si SPO3
Jovie San Agustin ang mga ebidensya na siyang gumawa ng imbentaryo sa harap
ng akusado at mandatory witness. Kalakip nito ang Inventory Receipt na pirmado ng
pulis, at mandatory witness bilang Annex F at larawan ng proseso ng imbentaryo
bilang Annex G. Pagkatapos nito, ang akusado at mga mandatory witnesses ay
binigyan ng kopya ng imbentaryo.
11. Kinaumagahan, ang droga ay isinumite ni SPO3 San Agustin sa
Eastern Police District Crime Laboratory na tinaggap ni PSI Andy Ebuen, chemist ng
nasabing opisina na nag positibo sa methamphetamine hydrochloride. Ang
chemistry report at aking nilalakip bilang Annex H. Samantalang ang Chain of
Custody Form ay kalakip nito bilang Annex I.

BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan ngayon


ika-______ ng _________, _____.

_________________
Lagda
SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika __________ ng
___________, _____. Pinatutunayan ko na ang nagsalaysay ay aking nasiyasat at
ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay.

Pros.X

C, PROV. PROSECUTOR

CERTIFICATION

I hereby certify that I have personally examined the affiant and that I am
satisfied that he/she voluntarily execute\d and understood his/her affidavit/sworn
statement.

Pros.X

C, PROV. PROSECUTOR

You might also like