You are on page 1of 3

CHAPTER III

METHODOLOGY

This chapter presents the method and procedures used in this study such as the research

design, the subjects/respondents, gathering of data, instrument in gathering data and treatment of

the data.

RESEARCH DESIGN

This study made used of a quantitative design allowing the researchers to get data on the

level of agreement of students on the 21st century Teaching Practices of teachers. The inclusion of

quantitative research in systematic reviews facilitates the incorporation of “real life” experiences

into evidence based policy making. An ability to unpack the worldview of participants at a

particular time and location has been highlighted as a key strength of quantitative research.

RESEARCH SAMPLE

The respondents of this study were selected as the Grade-12 students of Marcos National

High School – Main Campus. They were chosen to provide the researchers an information

regarding on their level of agreement on the 21st century teaching practices of teachers. The

respondents of the study are the senior students which are the Grade 12 knowing they have a lot

more experiences and observations than those lower grades.

LOCALE OF THE STUDY

This study was conducted at Marcos National High School – Main Campus, Brgy. Lydia,

Marcos, Ilocos Norte. This school was purposively chosen because of its accessibility to the

researchers in gathering data.


Posisyong Papel ni Mae-Anne A. Marcelo ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Marcos
hinggil sa Pagkakaroon ng Cyberbullying Law

WAKASAN ANG CYBERBULLYING: DAPAT MABIGYAN NG KARAMPATANG


PARUSA ANG MGA NETIZEN NA NANG-AAPI SA SOCIAL MEDIA.
Nakaka-alarmang isipin ang mga nangyayari ngayon sa magulong mundo ng social media.
Sapagkat sa patuloy na pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, hindi naiiwasan ang
pagdami ng mga taong nahuhumaling rito. Mapa elementarya, teenager, millennial, at maging sina
lolo’t lola. Iba’t-ibang mga napapanahong isyu ang karaniwang nilalagay dito. Nakagawian na ring
dito inilalabas ang mga sariling opinyon ukol sa isang partikular na paksa. Sa social media rin
madalas na ibinabahagi ang mga sariling larawan at kung minsa’y mga stolen pictures o
nakakatawang larawan ng kaibigan o ng ibang tao. Kaya dahil dito, hindi lang dapat cybercrime
ang may batas kundi maging ang cyberbullying na rin.

Ang papel na ito ay nagsasabing dapat na magkaroon ng cyberbullying law. Sa


kasalukuyang sitwasyon ng pamumuhay, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga bagay-bagay
na makapagdudulot ng ikasisira ng ibang tao. Hindi namamalayan ng karamihan ang epekto ng
kanilang mga nagagawa lalo na ang kanilang mga nilalagay sa social media. Sapagkat sadya man
o hindi sadya ang inilagay nilang iyon ay mayroon at mayroong maaapektuhan. Dapat lamang na
sa mas lalong medaling panahon ay maipatupad sa bansa ang cyberbullying law.

Unang dahilan kung bakit kailangan ng bansa ang batas ukol sa cyberbullying ay dahil sa
may masamang dulot ito sa isang biktima. Ang mga biktima ng cyberbullying ay posibleng
gumawa ng masama sa kanilang mga sarili. Sa isang iglap ay maari nilang kitilin ang kanilang
buhay. Hindi na nila nakakayanang kontrolin pa ang sakit na dulot ng kanilang nararanasan kung
kaya’t sa huli’y wala na silang ibang maisip na paraan kaya’t tinatakasan na lamang nila ang
kanilang problema. Ayon sa NSO, UMAABOT SA 5000 ANG MGA TAONG
NAGPAPAKAMATAY KADA TAON DAHIL SA CYBERBULLYING. Ito ay nagpapatunay
lamang na kailangan na ng batas hinggil cyberbullying kung saan ay may kaakibat na parusa ang
mga taong tumutuligsa rito.

Ikalawang dahilan ay, nagiging masama ang tingin ng tao sa social media. Bukod pa sa
maraming magagandang bagay na maaring idulot ng internet, kung saan ay nakakakalap ng mga
kailangang datos, napapabilis ang pakikipag komunikasyon sa mga kamag-anak lalo na sa mga
nasa ibayong dagat at lalong napapaigting ng social media ang pagbabahagi ng mga impormasyon
ngunit salungat rito ang magiging tingin ng iba lalo na sa mga kabataang baguhan pa lamang sa
paggamit ng social media. Magiging mulat ang mga kabataan sa susunod na henerasyon sa
masamang dulot ng nito. Maaring ganito na rin ang kanilang magiging paraan ng paggamit nito
kung magpapatuloy ang mga account na nambubuly ng ibang tao.

Ikatlong dahilan ay magiging malinis ang internet, walang bad vibes, walang kontra ng
kontra sa maling paraan. Karamihan kasi sa mga nambubully sa social media thru facebook or
twitter ay mga war freak kung tawagin. Hindi nila alam kung paano ang tamang pag approach sa
ibang tao kung mayroon man silang hindi nagustuhang sinabi ng puntirya nila. Ang masaklap pa
rito ay ginagawang katatawanan ang mga di sinasadyang pagkakamaling nagawa ng ibang tao.
Paano na lamang kung ang biktima ay mahina at hindi ganoon katapang upang harapin ang mga
batikos na ibinabato sa kanila? Katulad na lamang ng artistang si Moira dela torre na labis na
kinamuhian ng karamihan sa mga Ilokano dahilan ng hindi raw niya alam na “Marcos Fest” ang
kanyang pinuntahang concert. Di umano ang tweet na iyon ni Moira ang dahilan ng pagdami ng
kanyang mga bashers lalo na sa mga taga Ilocos Norte. Sa ganitong sitwasyon ay naiwasan sana
ang maraming debatehan kung walang mga bashers o bully sa internet dahil mag rereflect lang din
naman ito sa kanilang lugar. Sa pangyayaring ito, maaring hindi maganda ang magiging tingin ng
iba pang mga artistang nagpaplanong dumayo rito.
Ang pagsugpo sa mga nambubully sa social media ay hindi ganoon kadali bagkus
kailangang makiisa ang bawat Pilipino upang mas lalong mapadaling makamtan ang malinis na
social media. Sa pagkakaroon ng cyberbullying law mababawasan ang bilang ng mga biktimang
nagpapakamatay. Dito rin ay naiiwasan ang paglaganap ng mga hindi kaaya ayang katatawanan.
Maipapamulat ang maganda at kapaki-pakinabang na gamit ng internet. Dapat magkaroon na ng
cyberbullying law nang sa gayon ay tuluyang mawakasan ang magulong mundo ng social media.

You might also like