You are on page 1of 2

Sa loob at labas ng bayan kong sawi

kaliluha’y siyang nangyayaring hari


kagalinga’t bait ay nalulugami
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya’t linggatong
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.

Ako’y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.

Ngunit itong ating buhay


talinhagang di malaman
matulog ka ng mahusay
magigising nang may lumbay

" ... Ang karunungan ay para sa tao, ngunit huwag mong lilimuting iya'y natatamo ng mga
may puso lamang." - Gurong Pari (kab. 8)

"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking
kaligayahan." - Ibarra (kab. 49)

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway
sa aking bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga
nalugmok sa dilim ng gabi." - Elias (kab. 63)

"Sabihin mo sa akin kung paano mo pinalipas ang maghapon at nang sa gayon ay parang kasama
na rin kita."

Padre Sibyla (Kabanata 11)


"Alam mo na kahit anong pagpapahalaga o kabutihan ay hindi naipagpapasa-pasa o
naipagbibili na tulad ng isang diyamante. Ito ay nananatili sa tao."
Simoun (Kabanata 11)
"Kayo ni Padre Irene ay makapagbabayad ng mga gawa ng kabutihan, panalangin,
pagbibigay, hindi ba?"
“Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga.”
― José Rizal, El Filibusterismo

You might also like