You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 5

Takdang Panahon 1-3 araw

Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng gamit sa
pangungusap (F5PT-La-b-1.14)
2. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo (F5PS-lg-12.18)
3. Nabibigyang kahulugan ang tulang napakinggan sa pamamagitan ng mga kilos( F5PN-Ib-5)
4. Nakasulat ng maikling tula (F5PU-le-2.2.)
5. Nagagamit ang nang wasto ang mga pangngalan sa pagtalaky tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop,
bagay, at pangyayari sa paligid( F5WG-la-e-2)

Paksang Aralin
1. Tula (Mag-isip Bago Magtapon)
2. Paggamit ng mga Magagalang na Pananalita
3. Kasarian at Kailanan ng Pangngalan

Pamamaraan
A. Panimula
Tanong:
1. Paano nakatutulong ang responsableng pagtatapon ng basura sa tao at sa kapwa?
2. Ipaguhit sa mga mag-aaral ang mga karaniwang nakikita mong itinatapon sa inyong paligid?

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pagtatalakay sa mga mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa mga
pahina25-26.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang tulang pinamagatang “Mag-isip Bago Magtapon.”Mga
pahina 26-27.
3. Pagtatalakayan sa tula.
Sabihin: Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang tula.
a. Tungkol saan ang binasang tula?
b. Ano-ano ang mga bagay na iyong itinatapon? Masasabi mo bang wala nan gang
pakinabang ang mga ito?
` c. Maituturing mob a ang iyong sarili na iresponsableng mamamayan pagdating sa
pagtatapon ng basura?
d. Ano-ano ang mga bagay na maaari nating maresiklo? Paano nakatutulong ang
gawaing ito upang masagip an gating planeta?
e. Bakit mahalagang mag-isip o suriin muna ang isang bagay bago natin ito itapon?
f. Sa iyong palagay, paano ba ang tamang pagtatapon ng basura?
g. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng reduce,reuse,recycle. Bakit kailangang lagi nating
isaisip ang tatlong salitang ito?
h. Ano-ano ang ina pang mahalagang kaisipang nakuha mo sa binasang tula?
4. Pagtatalakay sa mga magagalang na pananalita. Mga pahina 31-32
a. Pabigyang pansin sa mga mag-aaral ang tandaan natin.
5. Pagtatalakay sa kasarian at kailanan ng Pangngalan. Pahina 36.
a. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga salitang may diin na nakasulat sa kasanayang
pangwika sa pahina 35.
b.Ipabasa ang ISAISIP NATIN tungkol sakasarian at kailanan ng pangngalan. Pahina
36.
c. Talakayin at isa-isahing ipaliwanag ang mga ito.
C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Indibidwal na Gawain
a. Pagbubuo ng sariling halimbawang pangungusap gamit ang mga kasarian at kailanan ng
pangngalan.
b. PAGSULAT NG MAIKLING TULA.
2. Pangkatang Gawain ( Dula-dulaan )
a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasadula ng isang dula-
dulaan gamit ang mga magagalang na pananalita.

Pagtataya
Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
A. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata/saknong. Pahina 29.
B. Naipapakita ang pagtanggap sa mga ideya ng nabasang akda/teksto. Pahina 30.
C. Natutukoy kung ang saknong ay may sukat o malayang taludturan. Pahina 33.
E. Madali Lang Iyan. Mga pahina 37-38.

Time Frame:
June 13-14 ( Pagtatalakay)
June 15 ( Pagsasagawa ng Gawain )
June 16 ( Pagsasanay na Pasasalita)
June 17 ( Pagsusulit)

You might also like