Professional Documents
Culture Documents
BALARILA
2. Pokus sa Layon:
Ang binibigyang diin sa pangungusap ay ang layuon. Ang mga panlaping ginagamit sa
pagbuo na pokus sa layon ay ang mga sumusunod: i-, -an,na,ipa- at –in.
Hal.
Pinakinggan ng mga Pilipino ang SONA ng pangulo.
3. Pokus sa Ganapan:
Ganapan ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o binibigyang diin ay ang lugar o
ganapan ng kilos.Ipinapahayag ito ng mga sumusunod na panlapi: pag-…-an/-han,
mapag-…-an/-han at pang-…-an/-han
Hal.
Pinagpakinggan ng mga Pilipino ng SONA ng pangulo ang kanilang radyo.
4. Pokus sa Tagatanggap
Nasa pokus na tagatanggap ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ay ang
tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ang mga sumusunod
ang panlapi nito: i- , ipang-,ipag.
Hal.
Ipinagpakinig ng magulang ng Sona ng pangulo ang kanilang mga anak na may pasok.
5. Pokus sa Kagamitan:
Ang paksa ng pangungusap ay ang instrumento o gamit sa pagsasagawa ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.Ginagamit panlaping Ipang-
Hal.
Ipinangkinig ng mga Pilipino ng SONA ng pangulo ang kanilang mga tenga
6. Pokus sa Sanhi
Ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos. Ginagamit ang mga
panlaping i-, ika-, at ikapang-
Hal.
Ikinalito ng mga Pilipino ang SONA ng pangulo.
7.Pokus sa Direksyunal:
Nasa direksyunal ang pokus kung ang paksa ay ang tinutungo ng kilos ng Pandiwa. Ang
mga panlaping ginagamit ay –an/-han.
Hal.
Pinuntahan nila ang Batasang Pambansa.
Binigyan niya ng limos ang pulubi.
ROUND ROBIN
1.Gumawa ng iskrip ang pangulo para sa kanyang SONA.
*Tagaganap
10. Ginupit ng bata ang kanyang proyekto upang magkasya sa kanyang bag.
*Layon