You are on page 1of 18

Pananaliksik sa Filipino

(Iligal na Droga)
Inihanda nila:

Marie Avigail A. Estanislao

Jayson Quillano

Luigi Landicho

Mark Anthony Ciruelos

Rodelyn Bachillier
I.Panimula

Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa

kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang

malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na

nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating

nasasayang.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang kalagayan

ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang iba’t ibang

konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol sa

bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at

mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga paksa ukol sa tamang

pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas.


Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, propesyunal at iba

pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang

lulong sa bawal na gamot.

Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay nakaayos ayon sa kahalagahan upang

magamit at makatulong sa ibang tao.

Sa hulihan ng pag-aaral ay may nakalagay na bibliyograpiya para sa mas

malawak pa na kaalaman at bilang patunay na ang lahat ng nakapaloob rito ay

katotohanan.

II. Katawan

Bawal na Gamot: Isang Masamang Elemento sa Buhay ng Kabataan

Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting

pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na

makaiwas sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng

bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng

mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas

(escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at

pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.


Layunin ng pag-aaral na ito ang maglikom at magbigay impormasyon sa

mga kabataan at magulang, hinggil sa naging epekto ng paglaganap ng bawal na

gamot sa bansa sa mga estudyante.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ano ang bawal na Gamot?

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga

gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi

kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao

at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa

katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa

malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga


produktong drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga

inhalante, ang marihuwana o 1cannabis, 2heroina, at mga 3isteroyd.

Ang droga ay isang kemikal na 4substance na bumabago sa kondisyon ng

isip o katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng

modernong medisina. Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal

ng sakit, iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng

tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at nagpapababa ng 5appetite.

A. Mga Pangkat ng Bawal na Gamot

Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-

pangkat ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng

katawan. Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga

pampahina o depresante (pampakalma), mga pampasigla o 6estimulante, at mga

pampatakbo ng guni-guni o halusinoheno.

Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na

nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng

katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng


1
Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak ng abaka halaman, na kung saan
ay pinausukan o chewed para sa kanyang psychoactive-aari
2
Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang kinopyang ng opyo amapola.
3
Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay ng carbon na may apat na fused
singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang 6-6-6-5 paraan.
4
Substance- isang uri ng material na may definite composition
5
Appetite- ganang kumain
6
Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at kamalayan. Sila ay karaniwang may mas
mataas na bahagi-epekto sa mas mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas resetang gamot
o mga bawal na gamot.
papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang

paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o

nagpapalungkot sa isang tao.

Kabilang sa mga illegal na pampahina ang mga marihuwana, 7hashish, langis

ng hashish, heroina at iba pang mga pampakalma.

Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong

pangkatawan ng tao ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa

pagtugon ng tao sa mga hindi inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib

para sa taong nakainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo

sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga pampahina (tulad ng pinagsamang

alak at marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.

Dahil sa kaantasan ng pagkapuro o pagkadalisay ng mga pampahinang

gamot, nagkakaroon ng mga malalalang mga epekto ito sa katawan ng tao.

Kabilang sa mga malalalang epekto at kumplikasyon ng mga pampahina ang

pagkakaroon ng HIV o AIDS, Hepatitis B, Hepatitis C, at mga katulad na

impeksiyon. Nagiging kinalabasan ang mga ganitong malalalang epekto dahil sa

pakikigamit ng taong nalulong sa pampahinang mga gamot na nakikisalo o

7
Hashish- isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed trichomes tinipon mula sa cannabis
planta. Ito ay nagtataglay ng parehong aktibong ingredients kundi sa mas mataas concentrations kaysa sa ibang
bahagi ng halaman tulad ng buds o mga dahon.
nakikigamit ng karayom ng hiringgilya, ng mismong 8hiringgilya, at mga katulad

na kasangkapang pang-iniksiyon ng pampahinang mga gamot.

Tinatawag na mga pampasigla o estimulante ang mga bawal na gamot kung

nakapagpapabilis o nakapagpapadali ito sa pagtakbo ng pang gitnang sistema ng

nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na rin ng mga mensaheng papunta at palabas

mula sa utak ng tao. Dahil sa kanila, dumadagsa rin ang pintig ng puso, tumataas

ang temperatura ng katawan, at umaangat din ang presyon ng dugo o nagkakaroon

ng 9altapresyon.

Kabilang sa mga bawal ang kokaina, walang pagrereseta ng manggagamot

na mga ampetamina, speed, LSD, at ekstasi.

Kabilang sa mga hindi bawal na pampasiglang gamot ang nikotina ng mga

sigarilyo; ang kapeina ng kape, kola, tsokolate, tabletang nakapagpapapayat, at

ilang mga inuming nakapagpapalakas; at ang sudoepedrina mula sa mga gamot na

para sa ubo at sipon.

Kabilang sa mahihinang mga epekto ng mga pampasigla ang pagkauhaw,

walang ganang kumain, hindi makatulog, kadaldalan, at pagiging balisa. Kabilang

sa malalakas na mga epekto ng mga pampasigla ang pagkabalisa, pagkatakot,

atake, sakit ng ulo, pangangalambre ng sikmura, pagka-agresibo, nakakatuwang

guni-guni, pagkawala ng malay-tao, kalituhan ng isipan, at kapaguran.


8
Hringgilya- Hiringgilya ay simpleng piston pump na binubuo ng isang pangbomba sa kubeta na akma sa mahigpit
sa isang tube.
9
Altapresyon- sa isang medical condition na kung saan ang presyon ng dugo ay chronically
Tinatawag na halusinoheno o mga pampatakbo o pampaandar ng guni-guni

ang mga bawal na gamot kapag nakakaapekto ito sa pang-unawa o kakayahang

umunawa ng isang tao. Dahil sa pag-inom ng mga pampatakbo ng guni-gunit,

nakakakita o nakakatanaw ang tao ng mga baligtad na mga bagay-bagay,

nagkakaroon ng kaguluhan ang isipan ng tao particular na kung may ingay at kulay

sa paligid.

Kabilang sa mga bawal na halusiheno ang LSD, kabuti ng salamangka

(magic mushrooms), meskalina, ekstasi, marihuwanang may matapang na dosis o

dosahe.

Kabilang sa mga epekto sa katawan ng tao ng mga halusinoheno ang

pagkakaroon panlalamig ngunit may biglaang pagkaramdam ng init, panlalaki ng

balintataw, walang gana sa pagkain, pangangalambre ng sikmura, pagduduwal,

pagkakaroon ng kabilisan o pagmamadali sa paggawa, pagsasalita at pagtawa,

mayroon din pagkatakot, pagkaramdam ng nakakatuwang guni-guni, pakiramdam

na naaapi, at may mahabang panahong pagbabalik ng mga nangyari na sa

nakaraan.

B. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot

Narito ang ilan sa mga babalang palatandaan o sintomas ng paggamit ng isang

tao ng bawal na gamot at ito ay  nakalap natin sa isang site na pinaliwanag ng


ahensiya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (Filipino: Kawanihan

ng Pilipinas Laban sa Droga) :

 Una, pagkakaroon ng panghihina ng katawan,

 pagbabago sa gawi sa pagkain,

 labis na pagkasumpungin,

 may silakbo o bugsong damdamin at pagkagalit,

 paglabas ng bahay sa kabuoan ng magdamag,

 madalas at biglaang pagpapalit ng mga kaibigan o kabarkada,

 kataka-takang pagkakaroon ng pangangailangan ng salapi, pagkakaroon ng

labis na bilang ng pera,

 pagkawala ng mga mahahalaga at mamahaling mga kagamitan

C. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa

pagkakaroon ng problema sa katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan,

mag-anak, at maging sa pamayanan. Maidaragdag din dito ang pinsala na

nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal na gamot, pati na

ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit

ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.


Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang

magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na

mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

Kaugnay pa rin ng kanilang pagkaadik, humahantong sila sa

pagsisinungaling at pagnanakaw mula sa kapwa o kamag-anak upang matugunan

ang kanilang pangangailangan.

D. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot

Mayroong mga kaparaanang maisasagawa upang maiwasan ang pagkalulong

sa mga bawal na gamot. Pinakamahalaga at nangununa sa mga ito ay ang mismong

pag-iwas na makasanayan ng isang tao o pasyente ang pagkakaroon ng

pagkahumaling sa mga ito.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga bagay na maisasagawa ng mga

magulang upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng posibilidad na

gumamit ang anak ng bawal na gamot: ang pagiging mabuting huwaran (hindi

paninigarilyo, hindi pag-inom ng alak, at hindi paggamit ng bawal na gamot), ang

pagiging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa bawal na gamot upang

magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag sa anak ukol sa masasamang mga

maidudulot nito, ang pagiging bukas at pagkakaroon ng katapatan hinggil sa paksa,

at ang hindi pagtatangkang takutin lamang ang anak hinggil sa bagay na ito.

Mahalaga rin ang tamang pakikipag-usap at pakikinig sa anak, na kinasasangkutan


ng pagdinig at pag-unawa sa kanilang mga problema at mga alalahanin, ang hindi

pagkakaroon ng labis na reaksiyon, ang hindi pagbabalewala sa mga sinasabi ng

anak. Sa pakikipag-usap, kinakailangan ang pagpapalitan ng mga opinyon at

pananaw. Hindi lamang ukol sa bawal na gamot ang huwarang tinatalakay ng mga

magulang at anak, kasama dito ang mga pang-araw-araw na mga paksang katulad

ng kaugnay ng pangyayari sa paaralan, musika, at palakasan. Sa pagiging bukas sa

ganitong mga paksa, mas magaang mapag-usapan ang hinggil sa bawal na gamot.

Kabilang pa rin sa katungkulan ng magulang upang maiwasan ng anak ang

paggamit ng bawal na gamot ang paggawa ng mga patakaran at pagpaplano.

Iminumungkahi ng mga dalubhasa ang pagturo sa anak hingil sa katanggap-

tanggap na gawi sa pamumuhay, at pagpapangaral kung paano lulutasin ang mga

pagsusulangatan o hindi pagkakaintindihan.

Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging

kaibigan ng kanilang anak, pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito.

Magagamit ding pang-iwas sa masasamang mga gamot ang paghimok at pagtuturo

sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks o pamamahinga at mga

mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.

Kalimitang inilalaan lamang sa mga kamay ng mga kuwalipikadong mga

manggagamot, dentista, at siruhanong mga beterinaryo ang paggamit at pagtatago


ng mga gamot na bawal ngunit ginagamit sa larangan ng medisina. Ibinibigay

lamang nila ang mga ito sa pasyente sa pamamagitan ng pagrereseta.

Sa kaso ng mga pasyenteng may paulit-ulit o 10kronikong mga karamdaman,

pinapalitan ng mga manggagamot, hangga't maaari, ang nakakaadik na mga gamot

ng hindi nakakalulong na mga uri.

May mga lehislayong inihanda at ipinatupad ang mga bansa upang

mabigyan ng regulasyon at matabanan ang pamumudmod o pamimigay ng mga

bawal na gamot sa madla. Isang halimbawa ng batas laban sa mga ipinagbabawal

na gamot ang 11Komprehensibong Batas sa Mapanganib na Gamot ng 2002 (Batas

Republika 9165) ng Pilipinas.

Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi,

isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang

institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng isang

pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente. Pinananatili ang

pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat

na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa

nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang magkaroong muli ang

pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili, at maging respeto

10
Kronikong karamdaman- isang talamak na karamdaman ay isang sakit na ito ay pang-walang pagkupas o pabalik-
balik.
11
Ang Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas ay isang Batas Republika ng Pilipinas. Kilala sa tawag na Batas na
Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nilalayon
ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksyon. Kapag umalis

ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi

ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.

Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o

pagkaadik sa iba pang mga gamot.

Ang panganib na dulot ng mga ipinagbabawal na gamot ang pangunahing

hinaharap ng bansa. Maraming pilipino, lalo na ang kabataan, ang nalululong sa

droga araw-araw. Isa sa mga ibedensya nito ay ang mga batang makikita sa

lansangan na may hawak na plastik at inaamoy ang rugby sa loob nito. Kapag

nalulong sa droga ang isang tao, nawawala ito sa tamang pag-iisip. Hindi na niya

malalaman kung ano ang ginagawa niya kung ito ba ay tama o mali. kapag ang tao

ay nalulong sa droga, kakambal na nito ang iba pang krimeng lumalaganap.

Natututo ang isang tao ng pagnanakaw kung wala na itong pambili ng gamot, ang

ilan ay mananakit ng ibang tao kung hindi magbibigay ng perang pambili o hindi

kaya ang pinakasama sa lahat, ang pumatay sa kapwa.

May kaugnay sa personal na pagkalito ng tin-edyer ang kanyang paggamit

ng 12depressants. Dagdag pa pagkalito ang mass media particular na ang telebisyon

at ng sistema ng pag-aanunsyo sa paggamit ng mga gamot katulad ng sleeping

pills, tranquelizers at kemikal katulad ng alkohol.

Depressants- Ang isang ahente, lalo na ng mga bawal na gamot, na bumababa ang rate ng mga
12

mahahalagang physiological mga gawain.


Sa pagsusumikap na makaiwas sa sariling problema may ilang mga kabataan

ang gumagamit ng barbitures o depressants. Ang ilan ding dahilan ay ang

pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasama (peer group pressure), di-panatag

na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o pagkayamot (boredom),

pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa pakahulugang pakikipag-ugnayan.

Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o hindi,

isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente sa isang

institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng isang

pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente. Pinananatili ang

pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon sa loob ng sapat

na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang hindi umaasa sa

nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang magkaroong muli ang

pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa sarili, at maging respeto

sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang kanyang adiksyon. Kapag umalis

ang pasyente na may pakiramdam na parang bilanggo, isa itong tanda na hindi

ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng panggagamot.

Ganito rin ang ginagawa sa mga pasyenteng may umiiral na alkoholismo o

pagkaadik sa iba pang mga gamot.


III. KONKLUSYON

Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin ang

pagbabagong buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong kinabukasan.

Maaaring may mga taong walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan nila

ngunit natitiyak naman na mayroong mga taong hangad ang kanilang magandang

kinabukasan at pagbabago. Ang iba’t-ibang organisasyon tulad na lamang ng


Dangerous Drugs Board o DDB ay naglalayong maisalba ang mga kabataan mula

sa kasawiang idinulot ng bawal na gamot. Ang mga kabataang nasa ilalim ng

kanilang bubong ay nabibigyan ng pagkakataong tumira sa maayos na tahanan na

may kaakibat na wastong pangangalaga, rehabilitasyon at counseling kung saan

tinuturuan sila ng mga alternatibong mga gawain para tuluyan na nilang maiwasan

ang bawal na gamot.

Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil lamang sa

sandaling pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi lamang ang buhay

niya kundi pati na rin ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

Totoong napakahirap lutasin ang ganitong klaseng problema, lalung lalo na

kung wala tayong pagkakaisa at pagtutulungan. Sa dami ng mga kaso ng kabataang

nalulong sa bawal na gamot siguradong mahihirapan ang mga ahensya ng

gobyerno na tulungan sila. Ang mga mamamayang may malasakit at kagandahang

loob ay maaaring mga taong magsilbing gabay at tulong sa ilang kabataang minsan

nang naligaw ng landas.


IV. Sanggunian

 denzy-dane.xanga.com, ni Dane Anderson P. Estialbo, Mga Suliranin ng


Bansa: Paano ka mawawala?, ikalawang talata, Monday, 08 September
2008
 Web address: dxupfm.i.ph/blogs/dxupfm/2009/.../epekto-ng-bawal-na-
gamot/, (November 11 2009,   -Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso
para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment
na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
 http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=434030,
EDITORYAL - Iligtas ang mga estudyanteng lulong sa bawal na droga 
(Pilipino Star Ngayon) Updated January 23, 2009 12:00 AM
 Wikipedia.org
 Urbandictionary.com
 http://www.gov.ph/cat_pubsafety/drugst.pdf
 http://encyclopedia.thefreedictionary.com/drug+test
 http://www.docstoc.com/docs/8080035/RA-9165-Comprehensive-
Dangerous-Drugs-Act

You might also like