You are on page 1of 3

Angelie Crizel A.

Emolaga II-Afin

Retorika

Prof. Teresita A. Zagado

a.) Nang at Ng - Pagbutihan mo ang panunuyo nang sagutin ka na ng iyong iniirog. - Pagsabihan mo ang iyong anak nang malaman niya ang tama at mali. - Siya ang nagtataglay ng pinakamalabong mata sa buong mundo. - Hindi siya makapagbayad ng matrikula bunga ng kahirpan sa buhay b.) Kung at Kong - Dadalo ako ng pagdiriwang kungbibigyan ako ng permiso nila ama t ina. - Lilipat siya ng tirahan kung patuloy pa rin siyang aapihin ng kanyang tiyuhin. - Kung pwede kong ibigay sayo ang lahat ng kalabasa, ginawa ko na. - Gusto kong ibaon sa lupa ang lahat ng plastik sa mundo. c.) May at Mayroon - May halong pangungutya ang mga tingin nila sa mga kandidata. - May lungkot sa kanyang mga mata. - Kahit sabihin niyang wala na, halata naming mayroon pa rin siyang pagmamahal para sa lalaking iyon. - Mayroon pa ding bahid ng pagkamuhi sa kanyang mga mata. d.) Subukin at Subukan - Subukin m0ng uminom ng salabat upang uminam ang iyong boses sa pagkanta. - Subukin mong kalimutan ang nakaraan upang maging handa ka sa hinaharap. - Subukan mo ang iniendorso niyang pabango nang makagamit din ako. - Subukan mo ang galing mo sa pakikipagtalastasan. e.) Pahirin at Pahiran - Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha para hindi ka magmukhang batang yagit. - Kapag may panahon ka na, pahirin mo ang pawis sa iyong noo. - Pahiran mo ng alcohol ang iyong sugat upang matanggal ang mga mikrobyo. - Pahiran mo ng pulbo ang iyong mukha para maging maaliwalas kang tignan.

f.) Punasin at Punasan - Punasin mo ang pawis sa iyong likod. - Punasin mo ang dumi na nasa iyong palad. - Punasan mo salamin para mas lalo mong makita kung gaano ka kaganda. - Punasan mo ang iyong likod gamit ang aking panyong. g.) Operahin at Operahan - Kailangang operahin ang namumuong dugo sa iyong utak. - Ooperahin ang lumalaking bukol sa kanyang tagiliran. - Inooperahan si Jordan sa Ospital ng Makati. - Ang malubha niyang karamdaman ay ooperahan na sa lalong medaling panahon. h.) Pinto at Pintuan - Padabog na isinara nya ang pinto ng siya ay pumasok. - Binuksan nya ng mahinahon ang pinto. - Halatang gawa sa mamahaling materyales ang kanilang pintuan. - Nakakabit sa pintuan ang palawit na binili ni ina sa palengke i.) Hagdan at Hagdanan - Maingat ang binaybay ang hagdan upang hindi siya matisod. - Umakyat sila ng hagdan para maarating sa ikalawang palapag. - Nakakatuwang pagmasdan ang paikot nilang hagdanan. - Bukod sa malinis na tahanan, mayroon din silang mataas na hagdanan. j.) Iwan at Iwanan - Iwan mo na ang lahat ng mga kagamitang hindi mapapakinabangan. - Iwan mo ang puso mo sa taong karapatdapat pagbigyan nito. - Iwanan mo ako ng perang pambayad sa kuryente. - Iwanan mo ko ng sobreng paglalagyan ng liham para kay ina. k.) Sundin at Sundan - Sundin mo ang bilin ng iyong ina na huwag papatayin ang mga langgam sa kusina. - Bakit mo susundin ang sigaw ng iyong puso ?

Sundan mo ang mga yapak sa buhangin para matukoy mo kung saan nagkukuta ang mga alimango. Sundan mo ang yapak ng iyong ama.

l.) Tungtong, Tuntong at Tunton - Nabangga ng ipis ang tungtong ng palayok kaya ito ay nabasag. - Matibay ang pagkakagawa ng tungtong ng palayok. - Maaabot mo ang mga bituin kung may tuntungan ka. - Hindi pantay ang tuntungan niya kaya hindi na niya itinuloy ang pagpipintura ng kisame. - Hindi medaling matunton ang taong magaling magtago. - Natunton na nila ang kuta ng mga nag-aalsang alitaptap. m.) Dahil sa at Dahilan sa - Dahil sa tapang at talinong ipinamalas ng mga ibon, naging kanila ang pugad sa itaas ng puno. - Natalo sila sa paligsahan dahil sa ipinamalas na kahinaan ng kanilang kagrupo.

You might also like