You are on page 1of 4

Waste Management Problems of the Philippines Summary: Isang napaka-laking problema sa buong Pilipinas ay ang pamamahala ng basura.

Ngunit hindi lang naman Pilipinas ang nakakaranas nito, pati na rin ang ibang mga bansa. Ito ay karaniwan ng napapag usapan tulad ng mga problema sa ekonomiya at politika. Tone-toneladang basura ang itinatapon sa isang tahanan lamang, gaano pa kaya karami ang sa buong bansa? Nagiging problema ang pagtatapon ng basura dahil sa kawalan ng ispasiyo kung saan ito itatambak. Libo-libong tahanan ang nasasalanta dahil lamang sa maling pagtatapon ng basura. Ang mga canal,na dapat ay malinis para patuloy pag daloy ng tubig, ang nagmimistulang imbakan ng basura. Ang pamamahala ng basura ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno, ang bawat indibiduwal ay kasali rin dito. Ang mga basura ay nagsisimula sa sari-sarili nating mga tahanan, kaya ang dito rin dapat nagsisimula ang wastong pagtatapon ng basura. Ang pag-recycle ay parte rin ng ating responsibilidad upang mabawasan ang mga basura na ating tinatapon. Dapat nating bawasan ang ating basurang itinatapon, malaki ang natutulong ng pag gamit muli ng mga bagay na may maari pang gamit. Ang pag gamit tayo ng eco-friendly na mga bagay ay makakatulong rin sa pag bawas at baka maaring maka resolba sa problema natin sa basura. Explanation: Ipinapaliwanag dito kung bakit nagiging problema talaga ang mga basura. Buong Pilipinas mismo ang nakakaranas nito, kaya importante na matuto na tayo ng tamang pag aayos ng pagtatapon sa sarili pa lang nating kapaligiran. Ang UST na nag mimistulang pangalawa na nating tahanan at tahanan din ng libo-libong estudyante kaya dapat nating alagaan ang kapaligiran nito. Sinasabi dito na may mga malaking problema na pwedeng idulot ng maling pag tatapon ng basura. Ang ibang mga nasabing paraan para makatulong sa ating parami ng paraming basura ay magandang gawain na dapat sundin ng bawat isa. Makakatulong ang mga ito sa aming gagawing pagaaral para makapag bigay kami ng impormasyon at makapagbigay n gaming saloobin sa problemang ito.

Is UST earth-friendly enough? Summary: Ang UST ay higit na pinagmamalaki ang kanilang programa ukol sa basura. Ang pagbubukod o segregation ipinapatupad ng unibersidad, kung saan ay may magkahiwalay na basurahan para sa nabubulok at di-nabubulok na bagay. Ang mga diyanitor ay palagian na kinokolekta ang mga basura at inililipat ito sa isang estasyon sa likod ng gusaling St. Martin de Porres. Ang himipilan na ito, na tinatawag na materials recovery facility , ay ang lugar kung saan ihinihiwalay ang mga di-nabubulok na basura para ipag-benta para i-recycle. Ngunit ang mga estudyante ay inaasahan pa ring makiisa sa programang pinapatupad ng unibersidad. Sa kasamaang palad, ayon kay Fr. Roberto Pinto O.P, direktor of the facilities and management office, ang mga tomasino ay umaasa pa rin sa mga diyanitor para maglinis at ibukod ang kanilang mga basura. Karagdapan pa ay sinabi ni Fr.Pinto na ang mga studyante ay walang pakielam sa pagbubukod ng kanilang mga basura kahit na may mga naka-talang basurahan sa loob ng paaralan. Ayon sa isang ulat ng EARTH-UST na ang problema dahil hindi maayos na nakakapag tapon sa tamang basurahan ang mga studyante ay ang kakulangan sa pare-parehas na itsura ng mga basurahan o sa madaling salita ay naguguluhan ang mga estudyante kung saan ang tamang basurahan para sa nabubulok at di-nabubulok. Ang higit sa kaalaman ng marami ay ang hindi pag sunod sa pagbubukod ng basura ay isang kalabagan sa Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 , na nag sasabi na ibukod ang mga basura sa mga pangunahing dyenerator ng basura tulad ng mga tahanan,industryal, komersyal at agrikultural na gusali. Explenation Isa na ito napaka-gandang ehemplo na nagsasabi mismo na ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nagbubuhos ng oras at lakas para makatulong sa ating kapaligiran. Ipinapatupad ng maayos ang pagbubukod ng mga basura sa unibersidad, ang kakulangan lang sa pagpapa-alala sa mga estudyante ang dahilan sa kaligtaan ng maayos na pagtatapon ng basura. Hindi lamang ang sistema ng isang institusyon ang kelangan para malutas ang problema sa basura, ang pangunahing dapat mag-ayos ay ang mga tao dahil sa kanila nang gagaling ang mga basura. Sa direktor na mismo ng facilities and management office ng UST nanggaling na ang kakulangan sa pagsunod ng estudyante ang nagiging problema at ito ang gusto naming ipahayag sa aming pag aaral, na kelangan nating makisama sa kung ano man ang pagsisikap ng unibersidad at n gating gobyerno para makatulong sa kapaligiran.

Basura Ang basura sa pilipinas ay kalimitan naiiwan lang sa mga lansangan or iniiwan sa ibang mga lugar kung saan may espasiyo na kung minsan ay umaabot na ng parang maliliit na bundok, na pag umaabot ang tag ulan ay gumuguho at maaaring makamatay ng tao. Ang mga di-nabubulok na basura tulad ng mga plastik at Styrofoam ang mga kadalasang bumabara sa mga kanal kaya nagkakaroon ng mga baha. Madami ng mga ginawang programa ang lokal at nasyonal na pamahalaan. Halimbawa, gumawa na ng mga matataas na haligi sa mga kanal para hindi ito maabot ng mga tao pero pinuputol lang nila ito at muling magtatapon. Ang malalaking kompanya tulad ng Jollibee, SM Supermarket and Department Stores, Ayala at Rustans ay nagsagawa na ng mga pagbabago upang maka tulong sa pagbabawas ng basura. Ang pangongompanya upang tuluyang mawala ang pag gamit ng mga di-nabubulok na lalagyan ay nagsisimula pa lamang. Hindi sapat na ang gobyerno at mga pribadong kompanya lamang ang gumagawa ng pagbabago. Dapat pati ang mga tao ay nakikibaka sa mga pagbabagong ito. Napakaimportante nito dahil kritikal ang epekto nito sa pagkakaroon ng baha lalo na t madalas tayong tamaan ng mga bagyo.

Explanation: Totoo at marami tayong ebidensya na ang basura ay pakalat-kalat lamang. Sa UST ay ndi man natin nakikita ito, ngunit ang mga maliliit na bagay tulad ng pagtatapon ng mga balat ng kendi sa mga kalsada ay pag dumami ay magiging malupit na problema. Marahil tayo ay naranasan na ang baha sa kamaynilaan. Napakarumi nito at maaari tayong magtamo ng sakit. Kaya nga nagkalat na ang mga programa ng pamahalaan at pati na rin ang mga pribadong sektor ng ating bansa. Muling napatunayan sa artikulo na ito na nasa mga tao talaga higit na naka depende ang maayos na pagtatapon at pagbubukod ng mga basura.

You might also like