You are on page 1of 7

IGAMA Colleges Foundation Inc.

Badoc, Ilocos Norte

Pamanahong Papel sa Filipino IV


(Mga Naidudulot ng Kompyuter)

Ihaharap kay:

Sir Marvin Inay

Ihaharap ni:

Gerald A. Sales

Ika-9 ng Marso

Talaan ng Nilalaman
I. Panimula a. Layunin ng Pag-aaral b. Kahalagahan ng Pag-aaral II. Katawan III. Lagom Rekomendasyon

IV. Talasanggunian

I. Panimula
Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, MP3, Mp4, ipod at higit sa lahat kompyuter. Para sa karamihan, ang kompyuter ay isang napakahalagang imbensyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong masamang epekto.

Layunin ng Pag-aaral
Upang malaman ang kahalagahan ng kompyuter sa panahong ito. At para malaman rin ang mga negatibo at positibong epekto nito sa kabataan. Alamin ang limitasyon ng paggamit nito at ilugar sa tamang oras ang paggamit nito.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Upang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa mga bagay bagay na maaring idulot sa atin ng kompyuter. Upang maiwasan natin ang negatibong epekto nito sa atin. Upang matutunan natin kung pano gamitin ng wasto ang kompyuter.

II. Katawan
Mabuting Naidudulot Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso.

Masamang Dulot Ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya'y pagkahilo.

III. Lagom
Lubusan na ngang umuunlad ang teknolohiya ngayon. Pero lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang maidudulot nito. Maari din itong makasama sa atin. Kaya payong kapatid lang, hinay hinay lang sa paggamit at wag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito.

Rekomendasyon
Dapat ay pag-aaral ang unang prioridad ng mga mag-aaral hindi ang paglalaro ng mga computer games, at dapat marunong o responsable ang gagamit ng kompyuter. Gamitin ito para sa mga importanteng bagay tulad ng pagrresearch paggawa ng assignments. Maaari rin namang maglaro ngunit wag itong gawing bisyo.

Talasanggunian

http://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/2008/10/mabuti-at-masamang-epekto-ngkompyuter.html

You might also like