You are on page 1of 2

ANG SUNDALONG PATPAT Rio Alma Unang Pangkat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng sampalok.

Saan ka dadalhin ng kabayong payat? Hahanapin ko ang nawawalang ulan, sagot ng Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. Pero hindi hinahanap ang ulan, nagtatakang nagkamot ng tuktok ang sampalok. Dumarating ito kung kailan gusto. Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang ayaw dumalaw ng ulan, sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat. Ikalawang Pangkat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng manok. Saan ka dadalhin ng kabayong payat? Hahanapin ko ang nakalimot na ulan, sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. Pero hindi hinahanap ang ulan, nagtatakang tilaok ng manok. Dumarating ito kung tinatawagan at dinasalan. Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang hindi makarinig ang ulan, sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat. Ikatlong Pangkat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng bundok. Saan ka dadalhin ng kabayong payat? Hinahanap ko ang nawawalang ulan, sagot ng Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. Matagal nang umalis dito ang ulan, paliwanag ng kalbong bundok. Nagtago sa pinakamataas na ulap. Kung gayon, aakyatin ko ang ulap, sabi ng Sundalong Patpat at umimbulog agad sa simoy na pumapagaspas. Ikaapat na Pangkat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng ulap. Saan ka dadalhin ng kabayong payat? Hinahanap ko ang nagtatagong ulan, sagot ng Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat. Matagal nang umalis dito ang ulan, paliwanag ng maputlang ulap. Nagtago sa pusod ng dagat. Kung gayon, sisisirin ko ang dagat, sabi ng Sundalong Patpat at lumundag pabulusok sa mga along nakatinghas.

Ikalimang Pangkat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng dagat. Saan ka dadalhin ng kabayong payat? Hinahanap ko ang nagtatagong ulan, sagot ng Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. Pero hindi nagtatago ang ulan, paliwanag ng nagniningning na dagat. Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang mutyang perlas. Kung gayon, papatayin ko si Pugita, sabi ng matapang na Sundalong Patpat. Palalayain ko ang ulan.At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng kaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang pagpasok ng Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa liksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat. Nagulat si Pugita sa talim at talas ng kumikislap na espadang patpat. Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang malalakit mahahabang galamay ng mabagal at matabang dambuhala. Isa, dalawa, tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si Pugita. Nasungkit na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa kuwintas ng nalumpong hari ng dagat! Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong pampang ang Sundalong Patpat sakay ng mabilis na kabayong payat. Pag-ahon ay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas, hanggang umabot sa tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan. Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling mulit naglaro ang mga damot dahon. Nagbihis ng luntian ang mga bukid at bundok. Muling umawit ang mga ibon at ilog Lahat: Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat, tanong ng sampalok. Saan ka na naman dadalhin ng kabayong payat? Hahanapin ko ang gusi ng ginto sa puno ng bahaghari, sagot ng makisig na Sundalong Patpat at pinatakbo ang makisig na kabayong payat.

Ang Teorya ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari. Ginagamitan ito ng siyantipikong pamamaraan upang matuklasan pa o masaliksik pa ang isang bagay o panyayari.

Another Answer: Ang teorya ay salitang nagpapaliwanag o nagbibigay paliwanag o kuro-kuro. Hindi eksaktong ito ang tamang nangyari o pinagmulan ng isang bagay kundi palagay lamang base na rin sa pag-aaral na ginawa. ano ang kahulugan ng teorya mga pahayag na hindi pa napapatunayan Ilan sa mga teorya ng pinagmulan ng mundo ay ang mga sumusunod; * Teoryang Biblikal o ang "Genesis" na nababanggit sa Bibliya. * Teoryang Big Bang na tumutukoy sa pagkakabuo ng mga "heavenly bodies" sa pamamagitan ng mga pagsabog na naganap sa kalawakan. * Teoryang Planetary o ang pagkabuo ng mga planeta dahil sa pagbabagong naganap sa ibang planeta gaya ng paghihiwalay ng mga bahagi nito o epekto ng pagbunggo ng kumikilos na bagay sa kalawakan (meteors o kometa) * Teoryang Dust Cloud na sinasaad na nabuo ang mga bagay sa kalawakan dahil sa mga reaksyong naganap sa tila mga ulap na binubuo ng mga partikulo gaya ng mga hangin (gases) at chemical. Iba't-iba ang paniniwala ng tao tungkol sa teorya ng mundo. Pero in my opinion, Diyos ang naglikha ng mundo. Ihiniwalay niya ang liwanag sa dilim, langit sa lupa, at biniyak ang lupa kaya naman nagkaroon ng dagat. Mga hayop at halaman ang sumunod niyang nilikha at ang pinakahuli ay ang tao.

Science can be viewed as a a continuing human effort to systematize knowledge for describing and understanding nature. For the sake of convenience science is sub-divided into various disciplines: chemistry, physics, biology, geology etc. Chemistry is the branch of science that studies the composition, properties and interaction of matter. Chemists are interested in knowing how chemical transformations occur. Chemistry plays a central role in science and is often intertwined with other branches of science like physics, biology, geology etc. Chemistry also plays an important role in daily life. Chemical properties are important in diverse areas, such as : weather patterns, functioning of brain and operation of a computer. Chemical industries manufacturing fertilizers, alkalies, acids, bases, salts, dyes, polymers, drugs, soaps detergents, metals, alloys and other inorganic and organic chemicals, including new materials, contribute in a big way to national economy. Chemistry plays an important role in meeting human needs for food, health care products and other materials aimed at improving the quality of life. This is exemplified by the large scale production of a variety of fertilizers, improved varieties of pesticides and insecticides. Similarly many life saving drugs such as cisplatin and taxol are effective in cancer therapy and AZT (Azidothymidine) used for helping AIDS victims, have been isolated from plant and animal sources or prepared by synthetic methods.

You might also like